May sasabihin ako.

27 0 0
                                        

Para ito sa isang taong dumaan at nangiwan ng masasaya at napakapait na alaala sa buhay ko.

©InkUser©

Ikaw marami akong isusumbat sayo. Una, sa paglimot sa akin. Pangalawa, sa paglimot sa ibinigay kong pagkakaibigan sayo.. Pangatlo, sa napakaraming alaalang hanggang ngayon ay tatak pa rin sa isipan ko.

E-hem, kamusta ka? wala na kasi akong balita sayo. Hindi ka na rin nadadaan sa newsfeed ko. Wala ng mga bitter posts akong nakikita. Wala ng masasakit na gm's. Halos limot ko na rin yung mga tingin mo sa akin dati na halos patayin ako. Siguro nga, parehas na tayong naka move on sa mapait na alaalang yon. Siguro nga, nakakilala ka na ulit ng mga kaibigang masasabi mong fit sa description mo. At siguro nga, masaya na tayo sa mga pinili nating buhay..

Nung una kitang makilala ay nung nalipat ka sa section namin nung 3rd year highschool, hindi ka ganun kadaldal. Lagi ka lang sa sulok hawak yung cellphone mo o di kaya ay sulat lang ng sulat. Hindi ko iyon inintindi dahil nung mga panahon ns iyon ay busy ako sa mga tinuturing kong mga 'kabarkada' ko.

Naagaw mo ang atensyon ko ng malaman na halos pareho pala tayo ng hilig. Paboritong kulay, pagkain, at shows. Hilig mo rin ang magbasa at magsulat ng kwento tulad ko. Mahilig ka rin magdrawing na sobrang ikinatuwa ko. Pati ang pakikinig ng music ay libangan mo rin pala, hindi tayo nagaaway sa kantang papakinggan dahil lahat ng paborito mo ay paborito ko rin pala.

Lagi tayong magkasama, halos hindi na nga mapaghiwalay.. Naging seatmates tayo. Magkasabay sa lunch break at pati pagtambay sa corridor pagkatapos ng klase ay kasama pa rin kita. Naalala mo ba? Umuupo tayo sa lamesa noon kahit na bawal at nakikinig ng music sa cellphone. tag isa tayo ng earphone, magkasandal ang ulo natin habang sumasabay sa lyrics kahit na parehas tayong sintunado.. Naaalala ko pa rin hanggang ngayon yung pakiramdam na yon. Yung napakasayang pakiramdam. Eh ikaw? naaalala mo din kaya yun?

Naalala ko rin noon, lagi mo akong pinapapunta sa bahay mo para tumambay, wala lang kwentuhan maghapon. tapos bibili ng tinapay sa bakery. Mag uusap ng tungkol sa animes at kpop. Hanggang sa nasanay na ata ako na laging pumupunta sa bahay niyo kahit walang okasyon. Kilala ko na nga buong pamilya niyo eh. Alam mo ba? hindi ako nagsasawang kausapin ka. Feeling ko kasi nahanap ko yung sarili ko sayo. Nakikita ko yung sarili ko sayo.. Ganun ka din kaya?

Naalala ko pa nung minsan na nagkaroon tayo ng pagkakataon na makapunta sa isang event na matagal na nating pinapangarap. Sobrang saya ko lang na ikaw ang kasama ko ng mga sandaling iyon. Sa totoo lang hanggang ngayon, hindi ko alam kung paanong pupunta ulit doon. Hindi na kasi kita kasama.

Uy, alam mo bang napakalaki ng galit ko sayo? Putspa alam ko magagalit ka ulit sakin pag minura kita. Pero tangina lang. Di ba dapat kung kaibigan talaga ang turing mo sa akin tatanggapin mo kung sino ako? bakit hindi mo matanggap na maarte talaga ako? heeeh~ wala naman akong magagawa kung yan ang pananaw mo eh.

Uy, alam mo ba na kahit ganito kalaki ang galit ko sayo.. tinuring pa rin kitang 'bestfriend' ko? Ewan ko lang sayo kung ganun din ang paningin mo sa kin.

Hanggang ngayon hindi pa rin sakin nawawala yung mapait na pakiramdam na yon. Hanggang ngayon may inis pa rin akong nararamdaman sa tuwing naaalala ko yon. Pero sa kabilang dako, hindi naaalis sakin na naging mabuti kang kaibigan.

Tanggap ko na ang mga nangyari sating dalawa. Sabi nga sa quotes, everything happens for a reason.

God's purpose na rin siguro kung bakit tayo nauwi sa ganito. Masaya na rin ako sa mga bago kong kaibigan ngayon, tanggap nila yung tunay na ako, at tanggap ko rin naman sila kahit mejo my sayad. Siguro ganun ka rin sa mga bsgo mong kaibigan.

Uy, may sasabihin ako sayo. Salamat ah. Kasi, sa kabila ng mapait na pangyayaring yun, msrami akong nadiskubre at natutunan. Masaya na rin ako na kahit panandalian lang nag iwan ka ng masayang alaala sa buhay ko. Sana ganun din ang nagawa ko sayo.

Alam mo ba? Hanggang ngayon ay napapangiti pa rin ako sa tuwing naaalala kita, hindi dahil sa pangyayaring naging dahilan ng pagkagalit natin ngunit yung alaalang minsan pala naging masaya akong naging kaibigan kita.

<InkUser>

Muni MuniTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon