Di na Ganun.

19 0 0
                                    

Inspired sa kantang 'Di na ganun' by Yeng Cobstantino.

Naalala ko noon.. tuwing hinahatid mo ko sa bahay namin after ng klase tapos hahawiin mo yung buhok ko at hahalikan ako sa pisngi.. yung pakiramdam na parang may kumikiliti sa tiyan ko..

Naaalala ko pa, sa tuwing breaktime, hahatiin mo yung burger na binili mo o di kaya ay siopao tapos kakagatan mo yung isang hati at ibibigay sakin yun, nagalit pa nga ko dahil kinakagatan mo yung parte ko pero sa totoo lang, hindi ko maiwasang mapangiti. Ewan ko, kinikilig ako.

Naalala ko pa kapag dumadating yung buwanang dalaw ko at nakasumpong ako, tapos masakit yung ulo ko, lagi mong minamasahe tapos hinahayaan mo lang ako na magdakdak ng magdakdak sayo hanggang sa ako nalang din ang sumusuko..

Naalala ko pa, kapag tumatambay tayo sa kwarto mo, ilalabas mo yung gitara tapos tutugtog ka nung paborito kong kanta.. pakiramdam ko, napaka-espesyal ko..

Sa tuwing magkaaway tayo, gumagawa ka ng sulat tapos ilalagay mo ng palihim yun sa bag ko. Nawawala agad yung galit ko pag nababasa yung mga tulang gawa mo para sakin.. hanggang ngayon na sa akin pa rin yung mga papel na yun.. nakatago.

Kapag umuulan lagi kitang inaaya noon na maligo, maglalakad lakad kahit saan.. masaya ako noon, basta kasama lang kita. Pakiramdam ko tayong dalawa lang ang tao sa mundo..

Naalala ko sa tuwing hahawakan mo ang kamay ko pag uwian. Pipisil pisilin mo yun.. tuwang tuwa ka dahil sabi mo ang lambot ng kamay ko. Tapos hahalikan mo yung likod nun. Para bang kinikiliti yung buong pagkatao ko pag ginagawa mo yun.. Para akong lumulutang sa tuwing hawak kita.

Kapag umiiyak ako, lagi mo kong yayakapin tapos papatahanin na parang bata. Napapatigil ako sa pag iyak kapag hawak mo na yung ulo ko na nakasandal sa dibdib mo.. pumapayapa ang lahat kapag kayakap kita..

Naaalala ko pa nung una mo kong halikan.. nabigla ako tapos ikaw gulat din nun pero sabi mo hindi ka nagsisi sa ginawa mo dahil gusto mo rin.. sa loob loob ko, nagwawala na yung puso ko. At pakiramdam ko, lumilipad ako.

Hanggang ngayon naaalala ko pa ang pakiramdam na iyon. Nung mga araw na mahal kita.

''Mich.. Sorry. It just happened.. di na ganun.''

Naaalala ko nung nagkaron ako ng lakas ng loob na aminin sayo. Magkatabi tayo pero parehas na nasa daan ang tingin natin. Hindi ako naiiyak, hindi ako kinakabahan. Ewan, siguro dahil wala na talaga akong nararamdaman para sa sayo. Narinig kong bumuntong hininga ka.. tapos humarap sakin at hinawi yung buhok ko na nakaharang sa mukha ko.. wala na eh. Wala na talaga..

''Tara maglakad papunta sa bahay namin.''

Hindi ko alam kung naintindihan niya ko pero alam kong narinig niya ang sinabi ko. Hindi ko nalang inulit at sumunod sa kanya..

Hinawakan niya nag kamay ko at pinisil ng napakatagal.. wala na.. di na ganun tulad ng dati..

''Wala yung gitara sa bahay eh., hiniram ni Alex. Dito nalang kita kakantahan pede ba?''

Tumango lang ako. At nagsimula siyang kumanta ng Your Song. Wala ng epekto sakin.. parang normal lang ang lahat..

''Gusto kong kumain ng footlong.. tara bili tayo libre ko..''

Hinayaan ko lang siya. Narinig niya ba ko kanina? Naintindihan niya kaya? Bakit ganito pa rin siya? Kinagatan niya yung parte ko at inabot sa akin. Tinignan ko lang yung kamay niyang may hawak ng footlong at tinudyo niya ulit yun mung hindi ko kinuha, tinitigan ko siya, nakangiti siya.. pilit na ngiti.

''Mich.. hindi na kita mahal.''

''Kin naman.. diba sabi ko sayo magpataba ka? Kainin mo to para tumaba ka.''

Parang hindi niya ko narinig.

''Pakshet Mich.. hindi mo ba na gets yung sinabi----''

''Kin Rosel Lopez.. ngayon lang.. for the last time.. please.'' Pumiyok pa siya nung sinabi niya yun sabay abot ulit nung footlong na kinagatan niya..

Naalala ko pa nun, hinatid mo ko sa bahay namin at niyakap ng mahigpit. Hindi mo na ko hinalikan at ngumiti nalang ng mapait. Yun na ang huli nating pagkikita. Mahirap man aminin pero.. wala na. Di na ganun.

Minsan na rin akong nagmahal na halos sa kanya umiikot ang lahat. Wala akonh pinapakinggan na kahit sino, Minsan na kong bigla na lamang ngumingiti sa sulok ng di ko namamalayan. Minsan na rin akong umiyak hanggang sa sumakit ang ulo ko pati n rin ang puso ko.. Nagalit dahil sa sobrang selos.. Pero madalas naging masaya dahil sa iisang dahilan, yun ay nung nagmahal ako. Pero ano nga bang magagawa ko. sometimes it just happen.. falling out of love. The feelings already gone.. kahit gaano kaperfect ng relationship.. kung wala ng pagmamahal. Mahirap ng magpatuloy..At hindi na magiging ganun tulad ng dati.

March 13, 2014

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 19, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Muni MuniTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon