Dali-daling hinigop ni Luna ang maligamgam niyang kapeng barako. Kasalukuyang nasa palengke siya at nagpapainit ng tiyan. Kasama niya si Kikay, her one and only best friend.
“Basta bes, nahanap ko na talaga ang true love ko.” ani Luna.
Hinihipan muna ni Kikay ang mainit niyang kape bago sumimsim ng konti.
“Ha? Paano naging true love mo ‘yon, aber? Hindi mo ba alam ang ibig sabihin ng true love? Sa mga fairytale lang ‘yang true love at first sight, noh.”
“Hindi mo ba naalala ang ikwenento ko sa ‘yo noon? Matagal na kaming magkakilala ni Jerro.”
“Hmmm paki-refresh nga...”
“Ganito ‘yun, makinig ka ha...”
“Wait – Manang, pabili nga ng chichirya dyan, mahaba-habang usapan ‘to eh...” ani Kikay sa tindera ng sari-sari store kung saan sila tumatambay ngayon.
Pagkakuha sa chichirya ay agad na hinarap si Luna para makinig sa mala-MMK nitong buhay.
Siya pala si Alona Soler Alap-ap. Luna for short. Siya’y dese-nuebe anyos at pangalawa sa tatlong magkakapatid. Ang Tatang Marcial niya ay isang mangingisda at ang Nanang Rosel naman niya ay “tindera ng isda/palengkera” sa palengke. May pwesto sila sa palengke at minsan ay siya ang nagbabantay sa pwesto nila. Nakatapos siya ng highschool pero hindi na nakatungtong sa kolehiyo. Financial problem. Nag-asawa kasi ng maaga ang Kuya Arman niya na noon ay siyang nagpapaaral sa kanya. Factory worker noon ang kuya niya at ngayon ay tumutulong na ito sa Tatang nila sa pangingisda. Sa ngayon, tulung-tulong nilang pinag-aaral sa highschool ang bunso nila.
Noon paman ay lagi niyang tinitingala ang bahay ng mga Lopez sa lugar nila. Hindi ito masyadong kalakihan pero sapat na upang humanga siya dito.
Kitang-kita ang loob ng mansion kapag nakatingin sa labas dahil wala itong naglalakihang bakod na salungat sa ibang mga bahay-mayayaman na nakikita niya sa tv. Maganda ang landscape ng bahay pati na rin ng swimming pool na kitang-kita sa labas.
Gustung-gusto niyang matikman na maligo sa malawak nitog swimming pool. All she ever did is to gaze and wonder.
Bata pa siya noon ay sinasama siya ng nanang niya sa bahay ng mga Lopez. Nagdadala ng sariwang isda ang nanang niya sa mga ito. Mababait ang mga Lopez, sabi ng nanang niya at lagi daw itong binibigyan ng tip.
Isang araw ay isinama na naman siya ng nanang niya sa bahay ng mga Lopez. Katorse anyos na siya noon. Bigla siyang na-curious sa malawak na swimming pool sa harap niya. Palinga-linga siya sa lugar at walang tao. She just wanted to feel the water, ‘yon lang. Dumiretso siya agad sa paanan ng swimming pool.“Who are you?”
Luna jumped in alarm. Bigla siyang napaatras at pabagsak na sana sa tubig nang may humila sa kanya at napasudsod siya sa katawan nito. Napapikit sa pagkabigla si Luna. Hinahabol niya ang kanyang hininga. Muntik na siyang mabagsak sa pool.
“Are you alright? Are you hurt?” the person who helped her asked gently. Bakas ang pag-aalala sa boses nito.
Dahan-dahang iminulat ni Luna ang mga mata... brown eyes, ‘yun ang una niyang nakita. Ang lapit-lapit ng mukha nito sa kanya. Kahit ang paghinga ng lalaki ay langhap niya. Bigla siyang na-conscious dahil hindi pa siya nagsisipilyo.
“Ahmm okay lang po ako.” Aniya bago bumangon. Gusto pa sana niyang magtagal sila sa ganoong posisyon. Nakadagan kasi siya sa malapad na katawan ng lalaki.
Hindi niya ma-explain kung bakit naging komportable ang ganoong posisyon. Noon ay hindi siya pabor sa mga kwento ng mga kaklase niya about sa mga “kilig” moments with a guy lalong-lalo na sa mga nababasa niya sa mga nobela. Para sa kanya, ang ganoong mga scenes ay sa TV lang at imposibleng mangyari sa totoong buhay.
Pinagpag niya ang saya niya at yumuko. Nahihiya siya sa nangyari.
BINABASA MO ANG
Heartbreaker
Romance"Para kang araw, dahan-dahan mong tinutunaw ang harang na ginawa ko sa puso ko. You penetrated my life..my heart..and I'm glad." - Jerro "Alam ng Diyos kung paano ko pinalangin na pansinin mo ako minsan...na tingnan mo ako minsan...na mahalin mo ak...