"Doon ka sa passenger seat umupo, Luna." Masayang wika ni Tris habang inaayos ang pagkapusod ng buhok nito. Nasa garahe na sila at hinihintay lang ni Luna ang dalaga.
"H-ha? Eh ma'am, doon na lang po kayo...nakakahiya naman." 'ika niya. Hindi naman sa nag-iinarte siya, baka kasi iba pa ang isipin ni Jerro. Baka magtaka ito at isipin nitong naglalandi ang dalaga.
"Tris na lang...magka-edad lang naman tayo at tsaka hindi mo naman ako amo..hehe..hindi kasi ako umuupo sa harapan, hindi ako comfortable." At kapagkuway nasa loob na ito ng sasakyan at nakaupo sa likuran.
Walang nagawa si Luna at umupo na rin sa passenger seat. Hindi pa siya mapakali dahil sa presensya ng lalaki sa tabi niya. Amoy na amoy pa niya ang pabango nito na nakakaadik. Lihim siyang napapikit upang samyuhin ang bango nito. Imported na imported ang amoy nito at natatawa siya sa sarili dahil para siyang timang na nagde-daydream.
"Luna?" tawag sa kanya ni Tris. Napamulagat naman si Luna at napahawak pa sa dibdib nito. Gulat niyang nilingon si Tris.
"Ma-ahh Tris?" tanong niya. Napatawa naman si Tris sa reaksyon ng dalaga.
"Kanina pa ako daldal ng daldal dito, hindi ka nakikinig." Natatawang wika pa nito.
"Ahh pasensya na, may iniisip lang kasi ako."aniya. Hindi niya matago ang pagkapula ng kanyang pisngi at tenga. Alam niyang namumula siya kasi ganyan siya pag nahihiya.
"Namumula ka, Luna...Ano kaya ang iniisip mo?" nanunudyong wika ni Tris. Ngumiti na lang siya ng mapakla. Nahihiya talaga siya dahil naririnig lahat ni Jerro ang sinasabi ng kapatid nito. Napalingon naman siya sa direksyon ng lalaki, seryoso itong nagmamaneho at parang hindi naman ito nakikinig. Lihim na lang siyang nagbuntong-hininga at sana wala nga itong narinig.
"Where to?" maya-maya'y wika ni Jerro. Napakagat-labi naman si Luna nang marinig niya ang boses ng lalaki. Tahimik lang kasi ito. Even his voice makes her spine shiver.
"Base on my research ay may underground river daw dito sa Sitio. Gusto kong pumunta dun." Masayang wika ni Tris.
"Ah sa Kiluwan 'yan. Diretso lang tayo tapos liliko tayo sa kaliwa tapos diretso na. Mga 30 minutes ride lang." Aniya na na-eexcite na din. Nahahawa siya sa energy ni Tris. Para itong bata na ngayon lang naggagala. At tsaka gusto din naman niyang pumunta sa Kiluwan, matagal-tagal na ding hindi siya nakakapunta dun kahit na lage siyang ini-invite ni Kikay. Nandoon kasi nagtatrabaho ang nakakatandang kapatid ng bestfriend niya na si Dodong.
"Copy." Yun lang ang sabi ni Jerro. Napatingin naman sa labas ng bintana si Luna at napasimangot. Para naman kasing hindi excited si Jerro, halata eh. Para itong tubig, both hot and cold. Hindi naman ganyan ang lalaki nung nagkita sila noon, palangiti naman ito at hindi snob.
Habang nasa daan ay punang-puna na nila ang nakasabit na mga banderitas na may ibat ibang kulay. Bukas na ang fiesta ng Sitio May Bato at karamihan ng mga tao ay busyng-busy na. Mamayang hapon pa naman sila mamamalengke ng nanay niya kaya okay lang na samahan muna niya ang dalawa. Isa pa, gustung-gusto niya namang kasama si Jerro.
"Feel na feel ko na ang fiesta. Siguro maraming pakulo bukas." Napapalakpak naman si Tris. Hindi obvious ang pagka-excited nito. Sana ganito ang binata tulad ng kapatid nito. Parang mapapanis yata ang laway eh. Ang tahimik.
"May gagawing mascarade party bukas ng gabi, Tris. At isa ang tatay nyo sa mga sponsors." Aniya.
"Woah, kaya pala binilinan niya akong magdala ng gown." Excited nitong wika.
Maya-mayay nabasa na nila ang karatula na nagsasabing malapit na sila sa patutunguhan. In just a few minutes ay nandoon na sila. Agad namang bumaba sa sasakyan si Tris at ganun din si Luna. Ayaw na niyang mag-expect na pagbubuksan siya ng pinto ni Jerro. Hindi naman sila, diba?
BINABASA MO ANG
Heartbreaker
Romance"Para kang araw, dahan-dahan mong tinutunaw ang harang na ginawa ko sa puso ko. You penetrated my life..my heart..and I'm glad." - Jerro "Alam ng Diyos kung paano ko pinalangin na pansinin mo ako minsan...na tingnan mo ako minsan...na mahalin mo ak...