Bani and Kat- 5

22 2 0
                                        

~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~
"You've gotta be kitten me right meow!"
~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~

Isang umaga, ang magkapatid ay naghahanda para sa kanilang journey papunta sa bahay ng kanilang Lola Lahlow. Masaya silang pareho dahil ngayon nalang ulit sila makakabisita dito.

"Ready ka na ba, Kat?" tanong ni Bani habang bitbit na niya ang kanyang mga dadalhin.

"Oo naman ate! Handang-handa na ako!" sabi ni Kat.

Lumabas na ang magkapatid at sinara ang pinto. Naglakad na sila papunta sa gubat.

----------

Habang nasa daan, may nakitang mga magagandang bulaklak si Kat.

"Ate! Tignan mo oh! Mga bulaklak! Kumuha tayo para kay Lola! Hehe!"

"Magandang idea yan Kat! Siguradong matutuwa si Lola dito! Hihihi!"

Namitas sila ng mga magagandang bulaklak ng may biglang dumating.

"Hello."

Napatingin ang dalawa sa kanilang likod at hinarap ito. Nakita nila ang isang tao.

"Um... Hello po. Hihihi! Sino po kayo?" tanong ni Bani.

"Mr. Fox ang pangalan ko. Namimitas ba kayo?" tanong nito.

"Opo! Ibibigay po namin ang mga ito sa Lola namin. Hehe." sabi ni Kat.

May kinukuha si Mr. Fox sa bulsa nito. "Ganoon ba."

"Mukhang magiging maganda kung ipapaabot niyo ito para sa akin. Bigay ko ito sa kaniya dahil mukhang naging mabait siyang Lola sa inyo." Nakangiting sabi nito sabay bigay ng mansanas sa dalawa. Tinanggap naman nila ito.

"Salamat po dito! Matutuwa po si Lola dito!" sabi ni Bani at umalis na ang dalawa.

"Hohoho..." Mababakas sa kanyang pagtawa na may ginawa siyang masama.

-----------

Naglalakad na ang dalawa papalayo kay Mr. Fox.

*gruu gruu*

"Um... Ate! Gutom na ako! Pwedeng pahingi ng dala natin na prutas?" sabi ni Kat.

"Sige. Ito oh! Hihi!" Binigyan ni Bani si Kat ng saging.

*munch munch*

Nagpatuloy ang dalawa sa paglalakad nang makita nila ang isang babae na may magandang suot at walang sapatos sa kaliwang paa nito.

"Hello po!" Pagbati ni Kat dito.

"Ate! Asan po ang isang sapatos niyo?" Nagtatakang tanong ni Bani.

"Nawawala nga ito at hinahanap ko ngayon dito." sabi ng magandang babae.

"Sige po tutulong po kami sa paghahanap!" sabi ni Kat.

"Maraming salamat sa inyo!" Masayang sambit ng magandang babae.

Kung saan saan sila naghanap sa parteng iyon ng gubat. Tiningnan nila ang lupa, ang mga puno ay inakyat nila at ang mga halaman ay kanilang hinawi para mahanap ang nawawalang sapatos ng magandang dalaga.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 04, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Bani and KatWhere stories live. Discover now