Bani and Kat - 2

13 2 0
                                    

~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~
"Do what you love."
~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~

<<Bani Time!>>

Helloooo! Ako si Bambi Nimfa! Hihihi! May kapatid akong medyo makulit hahaha! Si Kat! Ayun oh! Shhh! Huwag niyong sabihin na may sinabi ako tungkol sa kanya kasi magagalit yun! Hahaha!

"Anong ginagawa mo diyan ate? Sinong kinakausap mo?" Tanong sa akin ni Kat hihihi!

"Walaaaa laaang hihihi!"

"Halalala~! Parang ano si ate! Tapos ko na pinapagawa mo oh!"

Nasa bahay kami ngayon, sa sala namin. Curious ba kayo kung ano yung pinagawa ko kay Kat? Yieee~ Secret munaaa!

"Para saan ba ito ate? May pagbibigyan ka?" Takang tanong na naman sa akin ni Kat. Kanina pa talaga niya yun tinatanong hahaha!

Ang kulit na bata talaga hahaha!

Tiningnan ko yung inabot niyang ginawa niya. Perfect na sana kung may kulay ng konti. Awww. Ang cute!

"Oki na 'to, Kat! Kulang nalang ng kulay at pwede nang idikit!"

Magtatanong pa sana siya ulit nang pinigilan ko siya.

"Oo na shh shh! Alam ko na yang itatanong mo hahaha! Ikaw talaga!"

Kinuha ko na ang mga gagamitin ko sa pagkulay tulad ng paint brush at paint. Siguro nahulaan niyo na yung gagawin namin noh? Ang galing ahh!

At nagsimula na akong gumawa ng iba't ibang stroke...

*swish swish*
*frip frip frip*
*twap twap*

"Halaaa! Kumalat yung paint! Walaaa naaa!" Nakabusangot kong tiningnan ang ipininta ko. Anong nangyari? Huhuhu!

Nakita ko ang isang flyer na lumilipad sa ulo ko, "Ikaw kasi flyer eh! Lumipad ka kasi sa mukha ko eh! Hmpf! Di tayo bati!"

"Etchosera! Ako pa ah! Kasalanan ko bang di ka pa naliligo?!"

"Iwwwwwwww!" Pati talaga yung mga frends niyang flyers dumating para apihin ako!

Grabe! Hmpf!

----------

So naligo muna ako kasi nahihiya ako kina flyers na di ko pa bati.

Matagal na akong nahilig sa pagpepaint pero hindi yung paint yung nahilig sa akin kaya ayun. So sad. Lagi akong pumapalpak kaya so sad ako. Huhuhu! Kailangan ko ng magcocomfort sa akin ngayon kasi sad ako.

At nagdive ako sa comforter para macomfort niya ako. Hehe. So fluffy!

"Alam mo Comfy, pangit nanaman kinalabasan ng paint ko ngayon."

Si Comfy medyo malalim yung boses, "Pero hilig mo naman yun diba? Alam kong gagaling ka pa lalo kapag lagi mo yung ginagawa kasi matututo ka saka masasanay. Hindi ba?"

Oki nacomfort na niya ako hihihi! Ready na ako magpaint ulit!

"Thank you talaga,Comfy! Na comfort mo nanaman ako! Hihihi! Oki magpepaint na ako ulit!"

----------

Lumabas ako sa may bakuran namin para maganda ang view. Syempre nakakadagdag din ng imagination ang view, 'diba?

Oki! Kaya ko ito! Magpapraktis muna ako bago ako magpadrowing ulit kay Kat! Baka kasi masira ko na naman yung gawa niya! Sayang effort niya!

Pinatunog ko ang mga buto ko sa kamay at inexercise ko yung mga balikat ko. Inikot ko yung ulo ko ng sampung beses habang nagja-jog at place. Nagstretching din ako saka nag push up. Gumawa din ako ng iba't ibang yoga poses para makapagconcentrate.

Bani and KatWhere stories live. Discover now