~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~
"Find a reason to smile everyday."
~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~Sa isang malayong forest, may isang bahay na puno ng kasiyahan. Dahil sa magkapatid na sina Bambi Nimfa o mas kilala bilang BaNi, na siyang panganay, at si Kathie na mas kilala sa Kat. Kapwa masiyahin ang magkapatid at magkalapit ang loob nila sa isa't isa.
Hindi magkalapit ang lamang loob ah! Hahaha! Baka ganoon ang iniisip mo ngayon!
"Good morning, Ate Bani!" masiglang bati ni Kat sa kanyang kapatid
"Good morning din, Kat!" sagot ni Bani na tila nawala ang mata sa kanyang pagngiti.
"Oh! Ate Bani! Nawala na naman yung mata mo!"
"Ay sorry hahaha! Eto na nga ibabalik ko na! Hahaha!"
Masayang kumain ng almusal ang magkapatid. Kung hindi niyo naitatanong, maagang pumasok sa trabaho ang kanilang mga magulang kaya hindi nila sila kasama ngayon.
"Ang sarap talaga ng luto mo, ate! Panalo!"
*audience cheering*
*clap clap clap*"Salamat, salamat!" Sabi niya habang nagbabow at kumakaway
"Anong ginagawa mo ate? Di ba ringtone mo yun?"
"Ay oo nga pala! Hahaha! Sumakto kasi sa sinabi mo!"
Sandaling kinuha niya ang kanyang cellphone mula sa kanyang bulsa at binasa ang kanyang text sa isipan habang bumubuka ang kanyang bibig.
From: 9999
Your subscription has already been expired. Please reload soon to continue our service. Always remember, when you reload, you will have load. Have a good day!
"Ay expire na pala load ko hehehe."
"Magload ka nalang ulit mamaya, ate."
"Oki! Sige kain na ulit tayo!"
*munch munch munch*
*om nom nom*"Yum! Yum! Yum! Yum! Yum! Delisyoso!"
----------
Ginamit na pang paypay ni Bani ang kanyang kamay sa kanyang mukha kasabay ng pagpunas ng kanyang pawis sa noo.
"Woooh Kat! Ang init!"
"Ngayong katanghalian at umabot ng 52 Degree Celcius ang ating klima. Dahil summer season, hindi maitatangi na papalo ang ganitong temperatura. Ngunit makakaranas pa rin ng konting-konting pag-ulan mamayang 12:59 pm. Ugaliing uminom ng malamig na tubig na may ice para maiwasan ang dehydration. Blah blah blah" sabi ng weather woman.
"Kaya pala, ate! Ang taas pala ng temperatura ngayon! Bakit kahapon parang hindi naman ganito kainit!
"Kumuha ka nga Kat ng malamig na tubig sa ref! Woooh! Magpalamig muna tayo!
"Ok sige ate!"
Dali-daling pumunta sa ref si Kat para sa maiinom nilang magkapatid. Ngunit laking gulat niya nang...
"Hala! Wala na pala kaming yelo! Hayaan mo na, kukuha nalang ako ng tubig!"
Kukuha na sana siya ng tubig ngunit sa kasamaang palad,
"Hala! Kakaunti na pala ang mineral water namin! Naku! Bakit ngayon pa?"
Nilagyan niya ang dalawang baso ngunit hindi ito napuno. Tig kalahati lamang ang nailagay niya.