Bomb 1 : My terrorist wanna-be boyfriend

1K 28 4
                                    

I first met him during my freshman year .

Sophomore siya during that time . 

First day nang pasukan . Late na akong nagising kaya nagmamadali akong pumasok sa school ng biglang nauntog ang ulo sa kung saang matigas . Tiningnan ko kung ano yun . Pagtingin ko , isang malaking lalaki pala yung nakabangga ko . Mukhang nabasag na plato ang mukha niya .      

 '' Sorry , nagmamadali kasi ako '' sabi ko dun sa lalaki .    

'' Sorry ? Niloloko mo ba ako ? Sorry lang pagkatapos mo akong bangain .. Aba magbayad ka para sa injuries ko ! '' sabi nung lalaki .  

 O_O  -- > Itsura ko nung sinabi niya yun.        

'' Pasensya na talaga , nagmamadali kasi ako . Wala ka namang injuries kaya bakit ako magbabayad ? '' sabi ko sa kanya .  Ano siya sinuswerte ? 

 

'' Magbayad ka na lang ! '' hahampasin niya na sana ako nang malaki niyang kamay nang may kamay na humawak at pumigil sa paghampas niya sa'kin .    

'' Tigilan mo na yan . Masamang manakit nang babae '' sabi niya .                

'' Eh bakit ka ba nakikialam ? Syota mo ba siya huh ? Kung ganun bayaran mo ako ..alam mo ba binangga niya ako .. Bayaran mo ako para sa injuries ko ! '' hirit nung lalaki          

'' Wala ka namang injuries 'di ba kaya bakit siya magbabayad sayo ..ano ka sinuswerte ? '' sabi niya sun sa lalaki .                                

 ''  Manahimik ka nga !'' Susuntukin niya na sana yung lalaki pero naunahan siya nung isang lalaki sa pagsuntok .                      

Wow . Natalo niya yung lalaking 2 beses na mas malaki sa kanya .                            

'' Ayos ka lang ba ? Mag-ingat ka sa susunod , hindi sa lahat ng oras may sasagip sayo katulad nito '' sabi niya sa'kin .                              

'' Okay '' sabi ko at nag-nod . Napatingin siya sa orasan niya .                          

'' Shit ! Late na ako . Sige bye . '' sabi niya at umalis na . Sinubukan ko siyang habulin . Hindi ko man lang kasi alam ang pangngalan niya .  Wait ..parehas kami ng uniform .. which means ..schoolmate ko siya . Nang ma-realize ko 'to dali-dali na akong umalis papuntang school .                  

xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx

Pagdating ko sa school ay umunta ako agad sa malaking bulletin board sa loob ng school . Hinanap ko ang pangngalan ko sa listahan . After minutes nang paghahanap sawakas nahanap ko na rin .     

                                                       1st year -B    

I fell in love with a terrorist wanna-be [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon