Chapter 12 : He's Suffering while she's Happy

5K 147 0
                                    

CHAPTER 12

He's Suffering while she's Happy

~

[Lei's POV]

Pagkauwi ko ng bahay ay dumiretso ako sa kwarto ko.

"Haaays"

Humiga ako sa kama dahil napagod ako. Nakakapagod pala talagang mag-shopping pero sobrang saya. Maya maya ay  tumayo ako at nag-ayos ng mga gamit.

"Oooppss"

*blaggg*

Psh. Nabangga ko lang naman yung phone ko kaya nahulog. Oo nga pala naiwan ko to kanina dito. Nung ilalapag ko na ito sa table ay biglang may nagtext, tinignan ko naman ito. Si ate lang pala. Ilalapag ko na sana ulit ito sa table ng biglang may tumawag...

*Jazzmuho Calling*....

Psh. Ano na naman kayang kailangan nito?!

"Hello?"

"[Le--Lei...]" - jazz

"Jazz?! Ok ka lang? Ba't ganyan boses mo?"

"[Come.. here *cough*]" - jazz

"HAH?! WHERE?"

"[Dito.. sa---]" - jazz

Nung marinig kong parang nanghihina sya ay in-end ko na ang tawag at patakbo akong lumabas ng bahay, mukhang alam ko na kung saan ko sya pupuntahan.

~

[Jazz's POV]

*Dingdong* *Dingdong*

Pinilit kong tumayo sa kama at bumaba ng hagdan kahit na nanginginig na ko. At nang makarating ako sa gate ay agad kong niyakap si Lei, hindi ko na kasi talaga kaya. Thank God she's here.

"Jazz! Anong nangyari?" - lei 

Inalalayan nya naman ako papasok ng bahay at pinahiga sa sofa.

"Gusto mo dalhin kita sa hospital? *habang nakahawak sa kamay ko*" - lei

Umiling naman ako bilang sagot.

"*cough* Hindi ako.. maka--hinga"

"Hah?! A-anong gagawin ko?" - lei

"Tawagan mo.. yung Doctor-- *sabay turo sa telephone*"

Patakbo naman syang lumapit sa telephone at tumawag.

~

[Lei's POV]

Matapos kong tawagan ang Doctor ay tinignan ko ang lagay nya.

Ano bang nangyayari sa kanya?! Nandito ko ngayon sa tabi nya at yakap yakap siya habang nagbabalot siya ng kumot, sobra kasi syang nanginginig at masakit raw ang dibdib nya.

"Jazz! Ok ka pa ba?!"

Umiling naman sya bilang sagot.

"Hindi a--ako maka--hinga" - jazz

Hinawakan ko ang kamay nya at tinignan ang pulso nya, parang may mali na sa kanya.

Sh*t. Hindi ko na alam ang gagawin ko!

Tumayo ako at tumalikod sa kanya habang pinag-iisipan kung ICCPR ko na ba sya.

"SHHHH! Bahala na!"

Humarap ako sa kanya at dahan dahang hinawakan ang labi nya..

Then, the next thing I know.....

*Dingdong* *Dingdong*

Dumating lang naman ang Doctor.

Ang timing nya di ba?!

Patakbo naman akong lumabas para pagbuksan siya ng gate.

Loving A Casanova      (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon