Chapter 3

26 1 0
                                    

Kae's POV

"Bili ako shoes ha! Need ko ng mag gym beshie eh." Feeling daw kasi niya tumataba na siya.

Nasa kotse pa rin kami pero nasa parking na ng may dalawang lalaking bumaba sa sports car na kakapark lang.

"G-gab!! Si Louise at Renz oh!" Sabi ko sakanya.

"ASAN?! UWI NA TAYO!" Sigaw naman ni Gab.

"Ayan oh kakababa lang ng kotse!" Sabi ko.

Ayan na naman nakita ko na naman yung ex kong napakalalim ng eyebags. Ang ganda ng ngiti. Ang angas pumorma. Matangos na ilong at kumikinang mga mata. Hay. Shh Kae.

Kasama ni Louise si Renz.

Bakit ganun? Ganun pa rin itsura niya. Matangkad. Maangas pumorma, ang init init naka leather jacket. Palaging naka black. Walang araw pero naka shades. Iba talaga awra ng taong to. Iba ka talaga, Louise. Bat nga ulit ako nakipagbreak sayo?

Habang ito namang si Renz lamang lang ng konting kain kay Louise. Mas malaki katawan pero di sila hawig. Maitim ng bahagya si Renz kay Louise. Parang gangster manamit. Swagger ba.

Napagdesisyunan namin na antayin silang mawala sa parking bago kami bumaba. Naghyhysterical na naman tong si Gab eh. OA!

Papunta na kaming Nike para sa bibilhin niyang sapatos at walang tigil ang bibig netong katabi ko sa pagsabi ng mga katagang: " beshiewaps tignan mo yun ang pogi!", "shockks!!!! Taken na kaya yon?" Puta umay tenga ko teh.

Pagkapasok na pagkapasok sa Nike na store natigilan si Gab. Bat kaya?

"Uy! Nakakita kang multo?" Tanong ko.

"A-alis na t-tayo dito b-bilis!!" Sabay hatak sakin pero di ako nagpatianod sakanya. Mas malakas ako sakanya excuse me.

"Bakit ba! Parang tang—" Napatigil ako ng biglang mahagip ng mga mata ko yung dalawa.

Louise at Renz.

"Sht." Di pa ako ready sa pagkikita namin ni Louise. 2 months pa lang since our break up at masakit pa.

"Pre! Si Gab at Kae oh!" Rinig kong sabi ni Renz kay Louise.

Nakita ko kung pano natigilan si Louise sa paghahanap ng sapatos at unti unting lumingon samin.

Oh. I do still affect him, huh?

Pero dahil nakakahiya naman pag di namin sila papansinin diba.

"Uy!" Awkward kong sabi sabay hatak kay Gab na nakatalikod samin. Sabagay. Dalawa naman likod niya, what's the difference?

"Nandito pala kayo?" Sabi ko.

"Small world no?" Sabi ni Renz.

Neknek mo stalker ba kita?!

Nginitian ko nalang siya ng tipid. Si Louise naman di pa rin ako kinakausap at si Gab ayun tahimik.

Tahimik kaming namimili ng sapatos ng bigla kaming tinawag ni Renz.

"Tapos na kayo diba?" Sabi nito.

"Yep." Sabay naming sabi ni Gab. Nagkatinginan kami at nagtawanan.

"Magbestfriend nga kayo pati utak niyo konektado." Bulong ni Louise.

Bulong pero rinig ko zzz panget mo

"Narinig ko yon, tangi." Sht.

"Tangi?" Tanong ni Gab at Renz. Nakangiti na sila. Mapang asar na ngiti.

Alam nilang tawagan namin ni Louise yon, tangi. Kasi natatangi. He's natatangi.

"BALIW! TANGE KASI! NABISAYA LANG AKO HAHA!" Awkward kong sabi sakanila.

"Cute mo pa din." Sabay gulo sa buhok ko at umalis. What the hell Louise close tayo?

"Tara na sunod na kayo gutom na ako kain tayo!" Sigaw nito saming tatlo na naiwan.

Nakabusangot nalang ako at si Renz at Gab naman casual ng naguusap. Nauna si Louise at ako naman nasa likod niya. Si Renz at Gab nasa likod ko.

"Sa foodcourt nalang tayooooo." Sabi ko sakanila

"Sige tara!" Sabi naman nila.

Hay, this day is so unexpected!

--
Kung may nagbabasa man, i'll try to update every day! Enjoy reading and comment for suggestions!!

TwistedWhere stories live. Discover now