Chapter 9

5 0 0
                                    

Gab's POV

Lasing na si Kae. Yung boys medyo may tama na din. Napilit na namin silang uminom. Hay! Ako nalang ang medyo wala pang tama saming lahat.

Sana magwork.

"WOOOOH PARTY!!!" Sigaw ni Kae

"WOOOOH!!!" Sigaw ni Renz

"Upo muna ako!" Medyo napapagod na sabi ni Louise

Hinatak ko si Renz at Kae papunta sa table namin.

"Easy!! To cool down a bit, let's play truth or dare!" Suggest ko

"Omg tara!" Sabi ni Kae

"Walang choice." Sabi ni Louise

"Gameeeee" sabi ni Renz

Inikot ko yung bote at unang tumapat kay Renz

"Truth or Dare?" Tanong ko

"Truth." Sabi niya

Magkatitigan na kami. Ang awkward para sa mag-ex.

"Are you starting to like someone?" I asked.

"Yes." Matigas niyang sabi habang nakatitig pa rin sakin.

Kiberrr. Wala lang.

Inikot na ni Renz yung bottle tapos tumapat kay Louise.

"Truth or dare?" Tanong ni Renz kay Louise

"Truth." Sagot ni Louise.

"Naka move-on ka na ba?" Deretsong tanong ni Renz

"Gago ka ba? 2 months pa lang. 14 months kami. You can't easily forget everything sa loob ng dalawang buwan, bro. I'm getting there but it's hard. So damn hard." Sagot ni Louise. Ooooh juicy.

Ang matindi pa, habang sinasabi niya to, unti unti siyang nakipagtitigan kay Kae. Nako wag si Kae, marupok yan.

"okay next na!! WHOOOO!!" Sigaw ni Kae. To lighten up the mood, I guess?

Pagkaikot ni Louise, sakin na tumapat. Daaaaamn

"Truth or Dare?" Tanong ni Louise

"Dare" let the games begin.

"5 seconds mo si Renz, torrid." DAMN?????

Nagkatinginan kami ni Renz. Naguguluhan. Si Kae medyo tumatawa tawa pa. Si Louise naka smirk.

"OOOPS! BAWAL KJ!" Sabi ni Kae

"Game." Sabi ni Renz

Ah palaban.

Kumandong ako sa lap ni Renz. Nakaharap sakanya. Nagkakatitigan na kami.

Unti-unti kong nilapit yung mukha ko sa mukha ni Renz. Nakakarinig na ako ng tawa nung dalawa na umapir pa.

Napapikit na ako ng nararamdaman ko ng malapit na. Hanggang sa isang iglap magkadikit na ang mga labi namin, unti-unting gumagalaw. This isn't new to us anyway, pero para sa mag-ex? Damn.

"...3, 4, 5!!!! HOY TAMA NA MASYADO KAYO NASARAPAN" sigaw ni Kae.

"Tangina Kae yung bibig mo!" Sigaw ni Louise.

Pagkatapos ng mini make out sesh, ako naman nagikot ng bottle. Siyempre tumapat kay kae. Wala pa akong sinasabi pero sumigaw agad siya.

"DARE SIYEMPRE MGA WEAK LALAKI PA TRUTH TRUTH PA EH! ULUL NIYO!" Parang gagong sigaw ni Kae.

Nagtawanan naman yung boys kasi it's a sign na lumalakas na tama ni Kae.

"Kandong ka kay Louise, all night. Pag-uuwi na tayo tsaka ka lang aalis." Dare ko sakanya.

"Omg easy??" Sabay tayo niyang sabi at kumandong kay Louise. Halata namang nagulat si Louise.

Pagtingin ko kay Renz, di na mapinta mukha niya.

"Bago mag spin shot muna tayong lahat hoy!!" Sabi ni Kae.

Sinunod naman namin siya at nag shot kaming lahat.

Napapansin kong nagpipigil na tong si Louise. Pano ba naman kasi tong si Kae naglalapdance kay Louise. Wild talaga tong babaeng to eh.

After ilang rounds ng spin the bottle na puro dare lang naman ang nangyari, si Kae ang pinakatinamaan sa lahat. Si Louise kasi mataas taas ang tolerance sa alcohol kaya onti lang ang tama. Ako hindi naman masyadong nakainom since ang nangyari, nakakandong din ako kay Renz. Si Renz naman medyo may tama na din pero kinakaya pa.

"Let's go home na please." Pagod kong sabi sakanila.

"Oo nga tara, likot likot netong si Kae parang bulate" sabi ni Louise. Sabay karga kay Kae bridal style!

Napalingon ako kay Renz, napaigting nalang siya ng panga. Selos.

"Pre ikaw na ba maghahatid kay Kae?" Tanong ni Renz.

"Oo, ako na." Sabi ni Louise

Ano pa nga ba, eh pag lasing si Kae si Louise ang naguuwi jan. Kahit nung wala pa sila.
Siya din naman ang sunod na kilala sa kanila bukod sakin. Siyempre, I'm the bestfriend.

Paglabas namin nakita kong tinanguan na ni Louise ang mga BG. Sign na magsibalik na sa van at maguuwian na. Kawawang mga Body guard, puyat na naman dahil samin.

"Uhm, take me home? Hehe" nahihiya kong sabi kay Renz.

My plan worked naman, alam ko ng nagkakagusto na si Renz kay Kae. Si Louise nga lang hang-up pa din kay Kae at ako? Wala! Masaya single life!

"Let's go." Sabi ni Renz sakin.

Nakatulog na ata ako kasi pagkagising ko malapit na kami samin.

Nakatira ako sa condo, siya naman sa kabilang street lang yung may bagong subdivision.

Pagkahinto niya sa harap ng condo tinignan niya ako.

"Thanks for the ride, Renz." Pagpapasalamat ko sakanya.

"My pleasure, Gab." Cold niyang sabi.

Pagod siguro, o sadyang nasaktan lang sa nangyari. O nagselos? Hay ewan!

Pagkaakyat ko sa unit ko, natulog na din ako. Hay nako, kapagod ha.

TwistedWhere stories live. Discover now