IM NOT A MODERN GIRL
Written by: OneandOnly ( Neza Baluyot )
PROLOGUE:
Sa mundo natin walang permanente sa bawat pagtakbo nang oras merong pwedeng may magbago.
Ngunit, kasabay nga ba nito ang pag babago rin nang mga tao sa paligid mo ??
Sabi nga nang mga matatanda ngayon ang mga babae noon ay parang MARIA CLARA
pero, ngayon marami narin ang mga MAGDALENA.Pero, dapat ba natin silang husgahan ?
Dahil lang sa panlabas na kaanyuan ?
sana po makakuha kayo nang aral mula sa story na ito .Sinandya ko po itong gawin para
sa lahat nang nawawalan nang pagasa .
CHAPTER 1:
< pitchie's POV >
Naglalakad ako ngayon sa kalsada papasok nang school kasabay nun ang pagtitig sakin nang mga tao
sari saring comment ang naririnig ko mula sa kanila .
"Ano ba naman yan dalaga na hindi parin marunong mag ayos ng sarili nya ! sabi ni ale 1
"kasi nga dakilang dukha ! walang pambili nang pampaganda tsaka aanhin naman nya yun e
hindi rin naman siya marunong mag ayos e . Haha . Ale 2
" Si Pitchie losyang ! Haha . Ale 3
Ganyan sila sa tuwing dadaan ako hindi ko na lang sila pinapansin dahil nasanay narin siguro ako
naglalakad akong nakayuko suot ang luma at mahabang palda na mula pa nung kabataan ni nanay ang
Blouse na dapat puti ay naging dilaw .Hindi ko naman ikinahihiya yun mas pinag mamalaki ko pa nga
kasi galing sa nanay ko .
"Pitch ! Tawag sakin ni Lucio ang bestfriend ko simula nung grade 1 pa lang ako .Tagapagtanggol ko
siya sa mga taong nanglalait sakin .
"ui nandyan ka na pala akala ko hindi ka papasok e. sabi ko
"Bakit naman ? Pwede ba yun ? syempre di ko pwedeng iwan ang super bestfriend ko baka mamaya may
umaway na naman sayo e.
"Haha ikaw talaga wag kang magalala hindi ko naman sila papatulan e.
"Kaya nga nandito ako e . bubugbugin ko sila . Wah ! sabay acting niya na parang nanununtok .
Haha ikaw talaga ! pero, best thank you ah ?
"Haha para saan naman ? Tanong niya
"Kasi lagi kang nandyan para sakin ! Lagi mo akong pinagtatanggol .
"Syempre nu trabaho ko kaya yun bilang bestfriend mo !
"haha hindi mo trabaho ang mabugbog lagi nu !
Sige na . sige na tara na nga ! Then inakbayan niya ako at nag patuloy na kami sa paglakad .
Ako nga pala si Pitchie Vasquez 16 Years old at isang 3rd Year High school student sa isang
private school. Mahirap lang kami at hindi sosyalera gaya nang iba nakapag aral lang ako sa private
school dahil sa scholarship ko .Aaminin ko hindi masaya ang buhay doon lagi kasi akong binubully