Dedicated to my Bespren. Cheers to forever. ©
+++
We all need a special friend; a special person in our life. The person whom you can trust, whom you can laugh with, whom you can do stupid things, whom will be in your side forever. And of course, whom you will fall inlove with and will love you back. Whom you can call, Bestfriend.
"Ako po si Ysabelle Chestin Deramos. Anim na taong gulang at nakatira sa Tamad-Matakaw St. Pwede nyo po akong tawagin na Ysa o Chestin. Mahilig po akong sumayaw at kumain. Kahit na di ako mahilig mag-aral, ako'y malusog naman! I, Thank you!"
Tandang-tanda ko pa ang speech ko para sa pageant noon sa school namin. May kaaway kasi ako non, hinamon nya ko na sumali. Edi ako, payag naman. Gusto kong ipakita sa kanya na kaya kong manalo.
"Hi, My name is Princess Mikaela Mariano. 6 years old and I'm living in Maganda St. My favorite sports are Tennis, Golf and Bowling. Maarte man sa inyong paningin, panget pa din naman kayo sa salamin. Thank you!"
Sya yon, si Princess. Mayaman, sosyal, madaming kaibigan at maraming nagkakagusto sa kanya. Magaling pa mag-English. May BFF (BestFriend Forever), na kalaban din namin dalawa sa pageant.
"Hello everyone, I'm Louise MaryGrace Dimaculangan. 6 years of age, living in Plastic St. Kapag sinabihan ka ng Plastic, sabihan mo naman sya ng goma. Para kapag sinunog, masama na nga sa paligid, mabaho pa. Thanks!"
Nang dahil sa pageant, lagi na silang nagaaway dalawa. Di na daw sila BFFs. Isa lang naman mananalo at bibigyan ng korona. Actually, wala akong pakielam kung manalo ko or hindi.Gusto ko lang magkaroon ng experience na makasali sa isang pageant.
Hindi ako nanalo nun, hindi rin si Princess o si Louise. Kundi si Gertrude. Maganda sya pero mahinhin. Di namin yun inaasahan, pero siguro ganun talaga. Pang 3rd naman ako kaya ayos na.
Nung sumunod na araw, dumaretso ako sa tambayan ko. Lagi ako don dumadaretso pagkauwi ko sa school. Siguro, kakain muna ko at magpapalit ng damit.
Aaminin ko, nalungkot ako nung araw na yon. Hindi ko lang pinapakita dahil alam nilang "always positive" ako. Umiyak ako nun sa tambayan, sa may ilalim ng puno. Doon ko nalaman na, masakit pala kapag di ka nanalo kahit pati yung best mo binigay mo na. Hindi kasi dapat ikaw na lang palagi. Na sayo na lang palagi.
Nagkaroon ako ng kaibigan. Hindi sya Pinoy, isang Koreano. Hindi ko alam kung paano nya nalaman ang tambayan ko. Di ko naman sya matanong dahil di ako marunong nun magEnglish. Naniniwala kasi ako non sa kasabihan na, "Why speak English, if you're a Filipino?" Di ko alam kung kasabihan ba yan o ano pero yan ang lagi kong sinasabi.
Si Seung-hyun. Ang kauna-unahan kong kaibigan. Tinuturuan nya ko ng mga Korean words araw-araw sa tambayan naming dalawa. Feeling ko nga, nagd-dugo na ilong ko minsan eh.
Annyeong! Hi/Hello pala meaning non. At Saranghae naman ay I Love You. Minsan nga, Saranghae ako ng Saranghae sa kanya eh. Wala lang, trip ko lang.
"Seung, what your-- Teka, mukhang mali ang grammar ko. Amm, What's yours nicknames?"
Sabi kasi ng teacher ko, kapag daw singular lagyan ng 'S' sa dulo. Kapag daw plural, di lalagyan. So, ayan. Sinunod ko naman yun, kaso mukhang mas lalong mali.
Di naman ako mahilig magaral dati. Let's say, tamad na ko simula grade 1 pa lang. Natutulog sa klase, Nagc-cutting clases, Nangongopya. Hindi naman kasi lahat ng pagaaralan mo, gagamitin mo sa buhay.
Hahanapin mo pa ba si "X" kung gusto mo na magmove on? Diba hindi na? See. Tinatawanan lang ako ni Seung kapag wrong grammar ako. Di ako nagagalit, natatawa lang din ako. Bakit? Ang trying hard ko kasi.
Until one day, hindi ko nakita si Seung. Pati na ang anino nya. Pumunta pa nga ko sa bahay nila non napakalaki pero hindi ako pinayagang pumasok. Hindi daw ako nababagay doon. Sayang, hindi ako naniwala simula palang kanila Mama.
Pumunta na lang ako sa tambayan at pinagmasdan yung inukit namin sa puno. Ang pangalan ko at ang pangalan nya. Inisip ko na lang na, baka busy sya sa school. Baka babalik sya bukas.
Tuwing matutulog ako, I always pray to God. Na sana pagpunta ko ng tambayan, andun na ang bestfriend ko. Na andun na si Seung. Yung chinito. Yung nangakong bestfriends forever kami.
Asan ka na ba Seung? Hanggang ngayon, inaantay pa rin kita. Alam mo naman siguro kung saan. Kahit lumipas na ang 8 taon, iniintay pa rin kita sa tambayan natin na tayo lang dalawa ang nakaka-alam.
"Seung-hyun + Chestin = Bestfriends Forever <3"
Graduation namin ngayon. Sa wakas, college na ko. At may bonus pa, Valedectorian pa ang bruha. Nagaral ako ng mabuti para makapunta ako ng Korea. Sabi kasi nila Mama, habang tulog pa daw ako, umalis daw sila Seung.
Nagpadala sya noon ng letter. Siguro nung mga first year pa ko or grade 6. Di ko lang maintindihan dahil pang koreano ang sulat. Saklap. Hindi kasi English eh, sayang magaling na ko don. Pero masaya na ko dahil hindi pala nya ko nakakalimutan bilang bestfriend nya.
"Ate! Congrats! Pahiram ng utak mo minsan ha!"
Biro ng kapatid ko sakin nung makauwi na kami sa bahay. Dito pa rin naman kami nakatira, ayaw kong iwan ang tambayan. Iyon na lang ang natitirang memories ni Seung sakin.
Nagpalit na ko ng damit at pumunta sa tambayan. Umupo ako malapit sa isang lawa don. Tumingin lang ako sa kawalan.
"Ano ba yan, Seung. Bakit ka ba umalis ng walang paalam? Tanggap ko naman eh. Kasi sa ikakabuti nyo yon. Sabi mo kasi, walang iwanan. Pero ayun ka, nangiwan ka na lang bigla. Alam mo ba, grumaduate na ko ng highschool. Valedectorian ako, masaya pero mas masaya kung andito ka. Nakagraduate na ko ng elementary at highschool pero wala ka pa din. Tsk, umiyak na tuloy ako. Miss na miss na miss na kasi kita eh. Ako kaya? Hahaha. Ang feelingera ko talaga."
Pinunasan ko yung pisngi ko. Wala namang masama kung aasa ako eh, kasi nangako sya. Alam kong babalik sya kase nangako sya sakin. Ewan ko, mahal na mahal ko ang bestfriend ko. Sobrang mahalaga sya sakin.
"Kaylan ka ba babalik? Pag gumunaw na ang mundo? Pag nagkatotoo na ang Walking Dead? Or Kapag sinakop na tayo ng mga kalahi ni Kokey? Di naman ako galit sayo eh. Di ko kayang magalit sa taong mahal ko. Hindi bilang kaibigan kundi yun. Basta yun! Ang hirap pala ng Long Distance Relationship, pero ako lang ang umiibig. Saranghae, I love you, Mahal kita. I miss you so much, Seung. Andito lang ako palagi, hinding hindi ako titigil na antayin ka. Bestfriends Forever nga diba?"
Tumayo na ko at nagulat ako ng may tao sa harap ko. Tumigil sandali ang tibok ng puso ko at ng pagikot ng mundo ng makita ko kung sino ang taong nasa harap ko ngayon. Nanaginip ba ko? Si Seung-hyun kasi to eh. Mas lalo syang pumogi, mas lalo akong nainlove.
Tuluyan ng bumagsak ang mga luha ko. Yinakap nya ko ng mahigpit. Ramdam kong miss na miss na rin nya ako. Pero, totoo. Hindi ito panaginip. Andito sya mismo, sa harap ko. Yakap-yakap ako.
Bumitaw sya sa yakap at pinunasan ang pisngi ko. Tinitigan nya ko sa mga mata ko at ngumiti. Yung ngiti na pinakita nya sakin palagi kapag magkasama
"Hi. You know what? Beautiful girls don't cry. Because it makes them ugly. Stop crying already. I'm here to be your friend- Your bestfriend."
Yinakap ko sya ng mahigpit. Yan yung sinabi nya sakin nung nakita nya kong umiiyak sa ilalim ng puno dahil natalo ako sa pageant. Gah, I miss him so much.
"Mahal din kita, bestfriend."
<3+<3+<3+<3+END+<3+<3+<3+<3
March 09 2014 ©
IstobeliKeyk
