Chapter 1

110 7 0
                                    

••••||••••
Simula.

•WAHHH!!•

•BOGGSHH!!•

•BLAG! BLAG!•

Mga ingay na nagpainis sa Star Section. Lumabas si Chino Liam Fernandez. Ang President ng Section 1. Sumunod si Owen Tizon, VP at Johny na Sgt. At Arms.

Dire-diretso silang pumasok sa maingay na katabing room at naabutan ang isang palengke.. Este napakagulong classroom ito ay kung matatawag pa itong classroom.

"HINDI BA KAYO MARUNONG RUMESPETO? BAGAY NGA KAYO NA MAGING LOWEST SECTION DAHIL COMMON SENSE NA NGA LANG DI NYO PA ALAM.." Nakakabinging sigaw ni Johny na nagpatahimik sa klase.

"What did you.. Ahm.. •silence• What did you........" Sagot naman ni Jekka na hindi matapos-tapos ang gustong sabihin.

"Bes, magtagalog ka nalang kasi.." Bulong ni Hessa sa besprend nya na hindi naman maituturing na bulong kasi malakas.

"PAKEALAM NYO BA?!" Tangi nalang nasabi ni Jekka. Pasimpleng nagtawanan ang mga kasama ni Johny.

"Simple english hindi mo manlang ma-construct. What an idiot!" Sabat naman ni Owen.

"Idiot daw guys! Ibig sabihin nun ang gwapo naten.." Sabat ni Boogy, taga-lowest section. Sinabi nya pa ito sa mga kaibigan nya at nagpasalamat pa kay Owen.

Lalong naghalakhakan ang mga boys from Star Section. Napailing-iling pa ito sa isa't-isa.

Napahawak sa noo si Hessa. Hindi na nya makayanan ang kahihiyan nila sa harap pa ng crush nya... Si Chino. Mabuti at tahimik lang itong nakatingin sa section nila.

"Guys, tama na. Wag nalang tayong maingay.." Nahihiyang sabat nalang ni Hessa.

"Bes, ano ba naman yan! Papayag ka nalang ba maliitin tayo ng mga lalaking to dahil lang sa Star Section sila, eh matalino nga ang sasama naman ng ugali. Ang yayabang pa.." Galit na saad ni Jekka.

Pinigilan na ni Hessa si Jekka.

"Eh kesa naman sa inyo, parang mga lata. Maingay kase walang laman." Sumbat ni Johny.

"Ano? Anong sabi mo! Aanhin mo yang utak mo eh panget ka naman.." Sabat ni Bogart. Kakambal ni Boogy.

"Ha? Panget etong mukhang ito panget? Hahaha... Hindi na nga magamit yang utak mo... Pati ba naman mata mo? Ano yan display.." Sabat ni Owen.

Mukhang nagkakainitan na ang magkabilang Section.

Lumapit na din si Boogy kay Bogart at nagkagirian na sila ni Owen at Johny. Lamang sa kagwapuhan si Owen at Johny pero ang lamang ng sampung beses ang katawan ni Boogy at Bogart dahil matataba sila at matatangkad.

"Oh ano? Mahina ka pala eh.."

"Lumapit ka dito!"

"Ikaw ang lumapit dito, takot ka pala eh.."

"Sinong takot? Baka ikaw.."

Nahihiya man ay nagsalitang muli si Hessa. Nagkakagulo na kasi.

"TAMA NA SABI! BOOGY AT BOGART ITIGIL NYO NA YAN.."

"Sorry kasi maingay ang section namin, ako na ang himihingin ng paumanhin bilang presidente ng room namin. Pero hindi ibig sabihin nun ay pwede nyo na kaming lait-laitin porkey nasa Star Section kayo.." Saad pa ni Hessa na nagpatahimik sa lahat.

Hindi nya inaasahan na sasabat ang crush nya. Si Chino.

"Bakit alin ba ang hindi totoo sa sinasabi ng classmate ko? Masama na bang magsabi ng totoo.."

Namumula ang pisngi ni Hessa. Nahihiya dahil sa wakas at nakakausap na nya ang crush pero naiinis sa kayabangan nito.

"May sinabi ba ako? Ang akin lang, wag nyo kaming laitin porkey nasa lowest section kami. Hindi kame walang halaga sa school na'to, kung hindi mo alam ay talented ang section namin, magagaling kami sa extra curricular activities. Mga classmates ko ang ang MVP ng Basketball, Soccer at Volleyball.. Kaya wala kayong karapatang sabihin yan.."

"Kumusta naman ang Class Standing nyo? Tandaan nyo na pumasok kayo sa school para mag-aral at hindi para maglaro.." Namula lalo ang pisngi ni Hessa pati nila Jekka.

"Ang yayabang nyo talaga, kainin nyo yang matataas nyong grades. Try nyo na ding ipambili kung kaya nyo.." Sabat ni Jekka.

"WHAT'S HAPPENING HERE? ALL OF YOU..IN MY OFFICE...NOW!!" Nakakabinging sigaw ni Mrs. Luciana Lagindanum. Principal.

••••||••••

Star Section Vs. Lowest SectionWhere stories live. Discover now