Chapter 1.5

52 3 0
                                    

••••||••••

HESSA POV

••• At The Principal Office •••

"Kindly explain what really happened Mr. Fernandez.." Sabi ng Principal.

"Maingay po sa kabilang section Ma'am kaya sinaway po namin.." Seryosong sabi ni Chino.

Nakangiting tumango-tango si Ma'am Principal na tiwalang-tiwala sa sinabi ni Chino. After nun ay matalim naman ang ipinukol sa direksyon namin.

"And you.. (Tinuro kami ni Mam) Imbes na manahimik ay gumawa pa ng gulo.. Am I right?"

"Mam kung hindi naman po kasi kami nilait nang mga ----" sabat ni Jekka na pinutol ni Mam.

"Did I tell you to explain Ms. Forteza?" Napayuko nalanh si Jekka.

Nakangiti ulit syang bumaling sa group nila Chino.

"I believe you boys, and thank you for being a model of this school NA DAPAT TULARAN ng mga ESTUDYANTE (sabay tingin samin). Bueno! Makakaalis na kayo at baka mamiss nyo pa ang klase nyo.."

Nakangisi pa si Owen at Johny samin, mukhang pinagtatawanan kami.

Eh kasi naman, napaka galing ng Principal na ito! Hindi fair! Hindi manlang pinag explain ang side namin. Favoritism!!

Nakaalis na ang Star Margarine Boys! ( magmula ngayon yan na pangalan nila! ) kami nalang ang naiwan dito. Kasama ko pala si Jekka tapos si Boogy at Bogart.

"Dahil sa ginawa nyo, girls (tingin samin ni Jekka) at boys (tingin naman kila Boogy at Bogart).... Suspended kayo for 3 days."

Wala na kaming nagawa kundi tanggapin ang punishment daw. Lugo-lugo kaming bumalik sa room.

Puro naman sorry si Boogy at Bogart dahil kundi di daw sila nadala sa emosyon ay hindi magkakagulo. Wala naman silang dapat ihingi ng tawad dahil grabe naman kasi ang sinabi ng Star Margarine Boys. Below the belt naman yun eh!

"Bess, okay ka lang ba?" Sabi ni bessy.

"Mejo lang. Eh kasi feeling ko wala tayong kwentang officer. Di manlang natin naipagtanggol ang section natin.." Malungkot kon saad.

"Oo nga! Di dapat tayo papaapi... Ang kakapal ng Star Section na yan. Akala mo kung sino kung makaasta. Nakita mo ba na halatang kinakampihan sila ni Mam Principal.." Naiinis na saad ni Jekka.

"Alam mo namang badshot tayo sa lahat ng teachers dito! Syempre hindi talaga tayo papanigan. Ang kailangan nating gawin ngayon ay mapatunayan natin sa lahat. Na hindi tayo gagraduate na worst section!"

Pagpasok namin sa classroom namin ay nagulat kami na tahimik lahat, maayos ang classroom at pwede ka ng magsalamin sa sobrang kintab ng sahig. Anyare?

Nakaupo ng maayos ang classmates namin tapos may nakasulat sa board na malaking SORRY.

Napangiti naman kami ni Jekka. Isa-isa kasing nagsorry ang mga classmate namin, katulad ni Boogy at Bogart ay guilty daw sila dahil nasuspend kami. Sinabi naman namin na wala yun, basta sa susunod ay makikinig na sila na pag sinabing hinaan ang boses ay hinaan nalang nila.

Dahil sa nangyari kanina ay nabawasan ang pagkakacrush ko kay Chino. Grabe naman kasi, totoo pala talagang harsh sya magsalita. Tunay pala yung kumakalat na chismis.

Papalabas na kami ni Jekka dahil 5:00 pm na din. Uwian na ng school.

Nakasalubong namin ang Star Margarine Boys! Maliban kay Chino. Nasan kaya yun.. Hindi naman namin pinansin ang ibang boys. Badtrip pa di kami.. Syempre!

"Oww! Nakita nyo yun! Galit ata ang mga taga-lowest section. Suspension nanaman ba?" Nang-aasar pa na sabi ni Johny. Sa lahat talaga ng Star Margarine Boys ay ito ang pinaka-bully. Kakainis!

Syempre kung ako nakakapagtimpi. Si bessy hindi. Short Tempered kasi ang babaeng ito.

"Ang panget mo na nga! Ang sama pa ng ugali mo!! Tseh!!" Hinila ko na si Bessy bago pa kami mapahagis nanaman sa Principal Office. Quota na kami ngayong araw sa punishment. Next time nalang ulit!

"Lika na nga, troublemaker ka talagang babae ka.."

"At ikaw Owen! Akala mo di makakarating kay Tita ang ginawa mo samin. Susumbong kita.." Sabat pa ni Bessy kay Owen. Pinsan nya kasi ito at nasa iisang bahay lang sila nakatira. Obviously! Hindi sila close.

"Edi magsumbong ka! Samahan pa kita gusto mo?"

"Arghhh!!! Nakakainis.."

Tuluyan ko ng hinila si Bessy. Sakto naman na may trike na kaya nakaalis na sya agad. Ako maghihintay pa sa shed dahil hinihintay ko pa yung driver namin.

Ayaw kasi ni Mommy na nagcocommute ako. Well, unica hija kasi ako sa bahay. Nag-iisa lang akong babae tapos may tatlo akong kuya. College na silang tatlo, ako nalang ang HS.

Habang naghihintay ay nakita ko si Chino.. May kasamang babae.. Si China... Joke... Si Anna Marie pala. Classmate nya yan, maganda at matalino. Top 2 ng Star Section. Balita ko nililigawan ni Chino.

Binuksan ni Chino ang kotse nya at pinasakay si China este si Anna Marie. At unti-unti na itong nawala sa paningin ko. Hayy.. Hindi ko maiwasang hindi mainsecure. Bakit kasi hindi ako naging matalino?

END OF CHAPTER 1

••••||••••

Star Section Vs. Lowest SectionWhere stories live. Discover now