••••||••••
JEKKA POV
Matiwasay akong nakarating sa bahay namin. 2 storey house ang bahay namin, hindi masyadong maganda pero malinis naman. Apat ang kwarto dito sa bahay. Tig-isa kami ni Owen o Oliver Wendell Tizon. Tapos kay Tita Wena naman ang isa at kay mama.
Magkapatid yung tatay namin. Wala na yung tatay ni Owen kaya nandito na sila nakatira ng mama nya sa bahay namin. Si papa naman ay nasa barko, seaman. Sapat lang ang pinapadala nya para samin, panggastos.
Nagtutulungan naman si Mama at Tita sa maliit na tindahan sa palengke. Gaya ng sabi ko, sakto lang ang pamumuhay namin. Kumpara sa lifestyle ni Hessa, yamanin ang besprend ko na yun. Nagtatrabaho sa bank ang mommy nya tapos may negosyo naman ang daddy nya.
Sosyal din ang mga kapatid nun, pare-parehong may itsura at nag-aaral sa Ateneo. May crush nga ako dun eh si Kuya Hiro. Hihi. Kelan kaya ako ulit magsesleep over sa Mansion ni bessy!!
Pagpasok ko sa bahay ay naabutan ko si Mama at Tita Wena. Nagbless ako aa kanilang dalwa.
"Ta, Ma! Ang aga nyo naman po ngayon.." Umupo ako sa sofa. Nanonood sila ng TV, nakinood na din ako.
"Maagang naubos ang paninda kaya maaga din kaming nakauwi. Kumusta klase?" Si Mama.
Naalala ko nanaman yung nangyari kanina. Patay suspended nga pala ako. Pano ko nga ba to sasabihin?
"Ma, ano kasi... Kasi.. Ano... Eh.."
"Tigil tigilan mo ako sa kakaano mo ha baka maano kita dyan. Wag mong sabihing suspended ka nanaman JENNIKA KATE! Ay aba hagya na ngang mabayaran ang tuition mo dyan ng papa mo eh ganyan pa ang attitude mo. Kung ilipat na lang kaya kita sa public ng hindi masayang ang pera na pinapadala ng papa mo. Ha?!." Litanya ni mama. Sanay naman ako dito. Ganyan sya ka-sweet.
"Eh kasi Mama at Tita, si Owen po kasi at ang barkada nya ang may kasalanan. Sila yung sumugod sa room namin at kung anu-anong sinabi. Ayun napapunta kami sa principal's office at syempre di naman kami pinakinggan kaya may suspension nanaman kami.." Inis na sabay ko.
Sakto namang dating ng napakagaling kong pinsan. Napakasupportive sa lahat ng bagay. 😑
"Oy! Owen ano nanaman itong sinabi ni Jekka. Imbes na tulungan mo ay ikaw pa ang naglalaglag. Baka nakakalimutan kong pinsan mo to! Ha?" Litanya naman ni Tita.
Hehe. Buti nga. Binelatan ko pa.
"Eh pano naman kasi napaka-ingay ng babaeng yan. Kung hindi sya pakialamera ay hindi naman yan nadadamay sa gulo. Tss.." Dire-diretso si Owen na umakyat sa room nya.
"Hoy! Owen kinakausap pa kita. Haisst! Mana ka talaga sa tatay mo. Sumalangit nawa ang kanyang kaluluwa.."
"Hay kayo talagang magpinsan, dadalawa na nga lang kayo hindi pa kayo magkasundo. Ikaw naman kasi Jennika, kung maaari ay iwasan nyo ang gulo. Tsaka mag-aral ka naman ng mabuti ng matuwa naman ang papa mo sayo.. Gayahin mo si Owen kalalaking tao ay maayos sa gamit at masipag mag-aral. Kita mong full scholar sa school. Mabuti pa tong tita mo, walang gastos"
Nagpaalam nakong magbibihis bago pa humaba ang litanya ni mama.
HESSA POV
Kakapark lang ng driver ng kotse. Bumaba agad ako at umakyat sa taas. Sinilip ko muna si Kuya Hiro kung nasa room na nya, waley pa. Sinunod ko si Kuya Heno, wala pa din. Last na si Kuya Henzel, yes nandito na sya.
"Hello kuya! Sorry pumasok na ako. Miss na kita eh.." Umupo ako sa kama nya at tiningnan ang ginagawa nya.
Nagdadrawing si kuya ng plate nya. Architecture kasi ang kinukuha nyang course.
"Hello Princess! How's school?"
Napasimangot ako at kinwento ang nangyari.
"Sino ba yang mga lalaking yan. Pag nakita ko yan makakatikim yan sakin."
"Hay. Mukha ngang kasalanan ko. Suspended nanaman ako. Bakit pa kasi hindi ako naging matalino. Ampon lang ba ako kuya?? Lahat kayo grumaduate na kung hindi valedictorian ay salutatorian. Samantalang ako. Laging special award lang, kundi Most Responsible ay Most Industrious." Nakasimangoy ko pa ding saad.
Ginulo ni kuya ang buhok ko.
"Ayaw ko ng mariring na kinukimpara mo ang sarili mo samin Hessa, okay? Maganda ka at matalino. Yan lagi ang iisipin mo okay. Ikaw kaya ang beauty queen ng family. You should always be treated like a Princess.."
Pinagaan nanaman ng isa mga kuya ko ang loob ko. Masaya akong pumunta sa room ko at nagpalit ng damit.
••••
"Bessy! Buong araw ba nating gagawin ito? Pagod nako.."
Kasama ko si Bessy ngayon, nasa ilalim ng sikat ng araw at nagpupulot ng mga plastik dito sa bermuda ground. Si Boogy at Bogart naman ay na-assign sa CR BOYS. Buti nalang at di kami sa CR Girls.
"Wag ka na nga magreklamo bes, mas okay na'to kesa sa cr noh!"
"Anong okay dito! Masusunog ang balat natin bes, sayang ang lotion! Imagine 3 days nating gagawin ito. Di ko kerii!!"
Medyo malinis na din naman ang ground kaya inaya ko na si Bessy sa may ilalim ng puno para makapagpahinga.
"Hayy nakakapagod talaga!"
"Yap! Tulog tayo.." Aya ko.
Hindi ko alam kung ilang oras kaming nalatulog perp nagising ako ng may tumatapik sakin.
"Ano sa tingin nyo ang ginagawa nyo? Kung isumbong ko kaya kayo kay Miss Luciana!" Nakasmirk na sabi ni Chino.
••••||••••
A/N: Vote's and Commetn afe highly appreciated