•••
HESSA POVMaaga akong gumising para makapagready sa school. Ewan ko ba pero ang lakas ng fighting spirit ko ngayon. May quiz kami mamaya sa Geometry kaya nag-aral talaga ako kagabi. Nagpaturo din ako kay Kuya Heno, sobrang galing nun sa Math kaya mas nagets ko pa.
Hayy nako!! Bakit kaya ganun noh! Mas feel mo pa na iba ang magturo sayo dahil mas maiintindihan mo pa kesa teacher namin.
New Look din pala ako. Nagpakulay ako ng medyo brown at may see through bangs na din ako. Wala!! Feeling ko kasi kailangan ko ng something new sa katawan and besides, symbol din ito ng pagmomoveon.
Hahaha!! Naranasan mo na bang magmove on kahit hindi naman naging kayo??
Mabilis akong nakarating sa school dahil na din sa may kotse kami.
Napansin kong napapalingon ang mga students na nakakasalubong ko.
Hindi ko alam kung dahil ba sa new hair cut ko or what??
Pero nagkamali ako ng narinig ko ang bulungan..
"Maganda nga siya pero hindi sapat yun kay Chino. Duh. Ang bobo nya kaya.."
"True. Kahit anong gawin nyang pagpapaganda. Wala pa din. Kung napapaauos lang din sana sa salon ang utak noh. Mayaman pa naman.."
Hindi ko na napigilan ang sarili ko.
"ANONG SINABI NYO??"
Tumigil ang dalawang nagchichikahan at lumayas na sa harap ko. Mukha nga.
Pinagkalat na ni Anna Marie ang threat nya sakin. Last time. Pashnea talaga ang babaeng yun! Di pa nakuntento sa pagkukulong saken. Pinagkalat pa yalaga! Anong nalang ihaharap ko sa lahat.
Huhuhuh!! Hahayaan ko nalang siguro huhupa din nan siguro yun.
Pumasok ako sa room at agad akong sinalubong ni Jekka.
"OMMGGG!!! BESSS!! Whats happening to your hair?? At alam mo na ang chismis in this school thats already spreading, may crush ka daw kay Chino. Who is the witch that did that to you.." English pa niya.
Natawa naman ako kahit badtrip sa chismis sa school. Like what i've said, titigil din sila. Napapagod di naman ang taon at walang exception dun.
Natawa talaga ako kay Bess. Trying hard talaga si Bess, mag-english. May crush kasi yan eh, sa pinsan ko. Nasa America nag-aaral tapos tuwing summer lang umuuwi. Baka daw hindi sila magkaintindihan kaya push na push daw sya mag-aral ng pag-eenglish.
"Wala.. Tsaka hayaan mo na yan. Like I care.." Giit ko at naglakad na din sa upuan ko.
Nakiisyuso naman ang nga classmate ko sakin. Nagtanong ng kung anong meron at bakit daw ako nagpagupit. Pare-parehas lang naman ang sagot.
Wala. Trip ko lang.
Wala nang nagbring up ng topic sa chismis na kumakalat sa school. Hindi naman kasi ganjn ka chismos mga classmate ko depende nalang kung mga chicks and hot guys ang topic.
Ilang sandali ay dumating na ang Geometry Teacher namin.
"Okay, class!! Put your bag in front and make sure na nasa bag din pati cellphone. If I caught you cheating nor chatting with your seatmate, I will send you to the guidance. Understand??"
"Yess! Mam." Sagot namin.
"Okay. Lets start. After 40 mins, Submit your paper finish or not.."
After ng go signal ni Mam Geometry ay nagsimula na kaming sumagot ng quiz, long quiz.
Mahirap yung exam actually, lalo na sa katulad kong di magaling sa Math, pero kahit papano ay may nasagot naman ako at confident akong pasado naman ako.
Salamat talaga kay kuya Heno, na henyo. Lol.
• after 40 mins •
"Pass your paper and you can now take your recess" sabi ni Mam.
Pinasa na namin ang papel namin. Si Bess naman ay napapakamot pa sa ulo niya. Badtrip nanaman siguro dahil..
"ANO BA YAN, TANGNA, ZERO NA NAMAN AKO!!" Malakas na sigaw ni Jekka.
Hahaha. Hindi niya napansin na hindi pa nakakaalis si Mam Geometry.
"Miss Forteza! Do you want me to send you to the discipline office??"
Napapayuko pa si Jekka.
"Sorry Mam hehehe di na po mauulit pramis."
Pinandilatan sya ng mata ni Mam.
"Actually Class, napakadali ng exam yun ay kung... NAG-ARAL KAYO.." Sabi ni Mam bago bumaling kay Jekka. Napayuko nalang si Bess.
Umalis na din si Mam after nun..
Sabay na kami ni Bess lumabas para pumunta sa canteen...
Habang naglalakad...
"Nakakainis naman si Mam Geometry!! Bagsak na nga ako sa quiz napahiya pa ako.." Maktol nito.
"Hayy. Nako. Bumawi ka nalang next time Jekka sa periodical exam. Don't worry sabay tayong mag-aaral sa bahay. Sleepover tayo.." Napatingin sya sakin at hinawakan ang leeg ko.
"Wow!! Big word naman ang term na pag-aaral sayo ah. Bakit inspired ka na bang mag-aral ngayon dahil kay------" tinakpan ko ang bibig niya.
Napakadaldal naman kasi ng babaeng toh. Alam na nga na nagmomove on ako gusto pa ata i bring up ang topic na yun.
"Tumigil ka nga Jekka! Nagmomove on na ako kaya tumigil ka na dyan.."
"Huh!! Kaya ka pala may new haircut nagmomove on ka pala hahahaha kala mo naman nagkaroon ng relasyon eh nohh.." Hindi nako tinigilan ni Jekka sa pang-aasar hanggang makapasok kami sa canteen.
"TUMIGIL KA NA! BASTA MOVE ON NAKO KAYA PWEDE BA----" napalakas ang sabi ko at napatigil din yun ng lumingon ang lalaking nasa unahan namin.
Nakapila kasi kami at hindi namin namalayan na ang Star Margarine Boys ang nasa unahang pila namin.
"Ang bilis mo namang mag-move on! Di pa nga nagiging tayo..." Nakangising saad ni Chino.
Pinamulahan ako ng mukha.
What the!!!
•••
END OF CHAPTER 10
A/N: Vote's and Comment are highly appreciated.
![](https://img.wattpad.com/cover/109850085-288-k412644.jpg)