Chapter 2 - Seeing you again

10 3 1
                                    

Nag-uwian na pero di na ako pinatawag pa ng Dean...Psh. siguro nagbago na ng isip!

"Hey! Frell, wait!" Napalingon ako sa likod. Si Erin 😔 sino pa nga ba? bat ka ba nagkakaganyan Frell!? Bakit parang nawalan ka ng pag asa ng malaman mong si Erin yun!? "Bakit parang wala ka sa wisyo!?" Napakunot naman ang noo ko. Bakit nga ba wala ako sa mood!? Dahil ba hindi sya yung inaasahan kong lalapit sakin? eh sino ba ang inaasahan ko!? Isang estudyante na magsasabing pinapatawag ako ng Dean!? "Hoy! ano ba!? parang wala akong kausap ah! bakit tulala ka dyan?"

"H-ha?

"Tanong ko tanong mo rin!? anyare sayo teh?"

"Ah...wala" inirapan lang nya ako. Alam ko namang di ito titigil hanggat di ko sinasabi eh. Tss. "Eh kasi nga, sabi ng Dean ipapatawag nya nalang daw ulit ako, kaso hanggang ngayon wala pa rin" malumanay na sabi ko.

"Tungkol ba yan don sa tutorial thingy na sinabi mo sakin kanina?"

"Yeah."

"Excited much teh? Ano bang pagkakasabi sayo? ipapatawag ka nya pagkadissmisal o ano?"

"Sabi lang ay ipapatawag nya nalang ulit ako."

"Oh ganon naman pala eh! You're acting like you're so excited... ahm, sabi mo wala kang pake sa mga Fes ng mga itututor mo? eh bat parang masyado ka namang excited? Yieehhh!"

"Shut up Erin. Lets go!" Hinila ko na sya palabas ng Campus.

*KINABUKASAN*

"FRELL! FRELL! FRELL! Mabuti at nakita na rin kita!" papalakpak palakpak pang aniya habang nagsasalita.

"Oh?" 

"Ipinatawag ka na ba ulit?" halatang excited na sabi nya.

"Excited much Teh?" Kumunot naman ang noo nya. HAHAHA 😂

"Line ko yan ah!?" Nagtatampong aniya. "Ano nga?"

"Hindi pa! ang Aga-aga pa diba?"

"Hahaha oo nga noh? sige tara na sa room!"

"Anong oras na ba?" Napatingin naman sya sa wrist ko.

"Nasan yung relo mo?"

"Nasira. Haha nalaglag ko. Hayain mo na!" agad naman syang tumingin sa relo nya.

"7:09, bakit?"

"Ang aga pa."

"Oh? Eh anong plano mo?"

"Tara muna sa Canteen, di pa ako nag aalmusal eh."

"Sige, pero halos mga seniors ang nandon kapag ganitong oras diba? Di rin tayo makakakain."

"Edi bumili nalang tayo tapos sa Garden nalang tayo kumain. Game? hahaha!"

"Game!" aniya sabay lakad.

Nakabili na kami ng pagkain at kasalukuyan na kaming lalabas ng Canteen ng biglang tumigil sa paglalakad si Erin.

"Wait Frell!"

"Bakit? may problema ba? may nakalimutan ka bang bilhin?"

"Si ano…" ano na namang kalokohan ang nasa isip nito?

"Anong si ano? Sino?" nanlalaki ang mata nya habang nakatingin sa may bandang likuran ko.

"Si Dexter…" natigilan ako ng banggitin nya ang pangalang yon.

"Ano na namang kalokohan yan Erin! hindi ka nakakatuwa ha!"

"Si Dexter nga! hindi ako nagbibiro Frell."

Sabi nya sabay turo don sa kanina nya pang tinitingnan. Dahan-dahan naman akong nilingon yun. Si Dexter nga! Di ko alam kung matutuwa ba ako o maiinis. Halu-halo nararamdaman ko.

"Anong ginagawa nya dito?" Parang lutang na tanong ko.

👇👇👇👇👇👇 To be Continue…

Back For You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon