Chapter 4 - Boyfriends!

15 3 2
                                    

Nakalipas na nga ang ilang araw... now its Friday 😊 and 2 days before the tutorial... di naman ako halatang excited noh? 😂

~Flashback~

"Are we clear Ms. Cedon?" Nakangiting paninigurado naman ng Dean.

"Yes po, We will start on Monday after class. And it will end in exact 7:00 pm. It will happen in your Grandson's ." Pag uulit ko sa mahahalagang bagay na napag usapan namin.

"Okay..thank you again Ms. Cedon."

"Sige po una na po ako."

"Okay then goodbye."

~End of Flashback~


*Tok tok tok!

"Anak, halika na dito. nakapagluto na ako ng hapunan. kakain na tayo."

"Susunod na po ako mommy. Tatapusin ko lang po itong ginagawa ko." Sabi ko sakanya kahit na wala naman talaga akong ginagawa.

"Okay." tugon ni mommy.

Mga ilang minuto lang ay bumaba narin ako at sumabay sakanya kumain.

"May sasabihin nga pala ako sayo…" pagbasag ni mommy sa katahimikan. Lumingon naman ako ng nagtatanong na tingin. "Si Dex---"

"Ahm yeah nagkita na po kami sa School."

"Ahh okay. Sorry di ko na nasabi sayong sakanya galing yang mga yan." sabay turo nya dun sa mga nakabasket na Chocolates.

"Ho!? Sakanya?" Bakit nga ba di ko natanong kung kanino galing yan eh di naman mahilig mamili si mommy ng ganyan. At ang dami pa! Siguro isang linggo na yan dito. Ibigsabihin----

"Yeah di mo pa pala alam? pumunta sya dito last week. Sorry di ko nabanggit agad sayo."

"Okay lang po… so, ano pong sinabi?"

"Nangamusta lang pero hinanap ka nga, eh wala ka naman dito. Saktong nag alis ka non dahil pumunta ka nga kila Erin."

"Ahh okay po." muling namutawi samin ang katahimikan hanggang sa matapos na kami kumain.

*SUNDAY*

"Where are we going now?" Tanong ni mommy saktong paglabas namin ng simbahan.

"Just like before. Hehe!"

"Okay let's go." Aya nya sakin.

Dumiretso kami sa Mall tulad ng dati naming ginagawa pagkatapos sumimba.

"Were here." Anunsyo ni mommy pagka park nya ng kotse sa parking lot.

~Si mommy yung tipo ng magulang na talagang malapit na malapit ang loob sa mga anak. Tinuturing ko sya bilang Isang kaibigan. Sinosuportahan nya ako sa lahat ng bagay.

"Let's eat first. Where do you like?"

Tinuro ko yung Greenwhich. "Yung katabi po non. Haha"

"Okay lets go. haha may paturo turo ka pa sa Greenwhich! sa Chowking naman pala."

"haha sorry… trip ko lang hehe!"

"Loko ka!" natatawang sambit naman ni Mommy.

Pumasok kami sa loob non. At humanap ng mauupuan.

"I'll just order. Ano bang gusto mo?"

"My Favorite hehe."

Alam na ni mommy yun! haha 😂

"Naka order na ako. Let's just wait for a while." ang bilis naman nya! Napatingin ako kung san sya galing kanina. Psh wala naman palang nakapilang iba eh.

"Okay."

"Wait…Frell si Dexter yun diba?" Sabi nya sabay turo sa bandang likod ko.

"H-huh?" Napalingon naman ako don.

"Si Dexter nga! teka puntahan ko." Sabi nya sabay tayo.

~Kung di ko lang to nanay iisipin kong may gusto sya kay Dex. Psh!

"Dexter!" dinig kong tawag ni Mommy. "Here Dexter!" Ulit pang sigaw ni Mommy.

Di na ako nag abalang lumingon pa! Nilabas ko nalang ang Phone ko at nag umpisang magLaro hahaha 😂

"Frell anak!" Rinig kong tawag sakin ni Mommy. Pero nagpanggap akong di ko iyon narinig. Hanggang sa Marinig ko na ang yabag ng mga paa ni mommy palapit sakin. Psh.

"Mommy!" suway ko sakanya nang maramdaman kong ipatong pa nya ang kamay nya sa balikat ko. "Naglalaro ako. Baka ako ma-out." Malumanay parin na suway ko. Syempre si Mommy yun ayoko sigawan.

"Zcar…" teka! hindi si mommy ang nasalikod ko? si---

"Dex." Sabay lingon ko dito.

"Here's your order." biglang may nagsalitang lalaki sa harap ko. Di ko naman inintindi yung mga sinabi nito kahit na nakatingin ako dito. Nag iisip ako kung ano ba ang gagawin ko? Nakita ko na naman si Dex. "Enjoy your meal." Yun nalang ang narinig kong sinabi nito sabay alis.

"Si Ninang…nag Cr lang." Muli syang nagsalita dahilan para mapalingon ulit ako sa kanya.

"O-okay." nauutal na tugon ko naman sabay ayos ulit ng upo. Bumalik ako sa paglalaro ko.

"Zcar…" tawag nya ulit.

"What?" painosenteng tanong ko habang patuloy pa rin sa pag lalaro.

"Ahm---"

"Oh! Nandito na pala yung mga foods." Biglang sambit ni mommy pagkakita sa mga foods. "Dexter anak, sabay ka na samin!" Aya ni mommy sabay tayo at kumuha pa ng isang upuan sa kabilang table. Malaki naman kasi yung table namin dalawa lang talaga ang nakalagay na upuan.

"Ahh hindi na po. May kasama din po kasi ako"

"Ayy ganon ba? edi tawagin mo na at sumabay na din dito." nangunot naman ang noo ko kahit nakatuon pa rin ako sa paglalaro ko. Masyado namang mabait si Mommy! Psh. "Sino bang kasama mo ijo?" Tanong niya. Sino nga kaya ang kasama nya? Girlfriend!? psh.

"Kaibigan ko lang po. dalawa po sila" kaibigan? baka Girlfriends!?

"Ayy sige. Tawagin mo na at sumabay na kayo samin."

"Sige po. Teka lang." sandali itong umalis.

"Frell anak, stop using your phone." Suway sakin ni mommy. Napapitlag naman ako. At dali daling tinago yung phone ko.

"Zcar, Ninang…mga kaibigan ko po." napatingin naman ako sa dalawa nyang kasama. Psh.

~Boyfriends pala! 😂

Di ko alam kung bakit ako natawa sa naisip ko haha pangit pakinggan eh.

"Why are you laughing?" Masungit na sita nong isa.

"What!? Im not!" tanggi ko.

"Hey Jazz. Wag mo dito dalhin yang pagkabipolar mo!" Sita naman nong isa dito sa Jazz nga daw.

"Shut up!"

"hey wag nga kayong maingay!" Sita ni Dex don sa dalawa. "Zcar, Ninang, mga kaibigan ko po. Si Jazz at Nhate."

"Jazz! Nhate! Ninang ko and her daughter Zcar." Dagdag nya pa.

"Hello Tita. And hello Zca--"

"Frell nalang." Utos ni Dex don sa Nhate.

👇👇👇👇👇👇 To be Continue…

Back For You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon