Kabanata 1: Ang Di kaaya ayang Pagdiriwang

255 6 0
                                    

Nagdiriwang ang mga diwata sa pagbabalik ni Amihan sa encantadia pati na rin ang iba pang namayapang mga diwata katulad ni Deshna, Muyak, at Kahlil, hindi lamang iyon ang ipinagdiriwang nila pati na rin ang pagiging hara ni Alena sa Lireo, ipinagdiriwang rin nila ang mga inaasahang bagong tagapagligtas ng buong encantadia na nayon ay malaki na sila, anak sila ng mga diwata, ang pangalawang anak ni Pirena ay si Cara, si Alena naman ay si Aquihiro at kay Danaya ay si Yanna (Ianna)

at ang sanggol na nagmula sa buhok ni Lira at sa abo ni Amihan ay si Kasandra

Ngayong buo na tayong magkakapatid, gusto ko sanang humingi sainyo ng pabor
Ang nagagalak na sabi ni Alena

Ano iyon Alena, sabihin mo lang
Ang maamong sabi ni Amihan

Gusto ko sanang magpatayo ng kaharian sa Adamya ang sabi ni Alena

Kung magpapatayo ka ng kaharian, sino ang mamumuno? Ang tanong ni Pirena

Ang aking panganay na anak na si Kahlil, siya ang mamumuno sa Adamya ang sabi ni Alena

Kung gayon ay simulan na natin ang pagpapatayo ng kaharian sa Adamya
Ang nagagalak na sabi ni Danaya

Pumunta na ang apat sa Adamya habang ang mga iba ay nagsasaya sa pagdiriwang at hindi nila alam na ang apat na sangre ay pumunta sa Adamya

Beshy, nakita mo ba si inay? Ang nag aalalang tanong ni Lira

Hindi ko sila nakita, bakit? Ang sagot ni Mira

Kanina ko pa sila hinahanap eh
Ang sabi ni Lira

Baka naman nagsasaya silang apat dahil buo na sila
ang sabi ni Mira

Ngumiti na lang si Lira

Sa Adamya

Dito natin ipapatayo ang kaharian
Ang sabi ni Alena

Maganda dito Alena, malawak ang lupaing ito
Ang nagagalak na si ni Danaya

Simulan na natin
Ang sabi ni Pirena

Tumango naman ang tatlo

Danaya, alam mo na kung anong gagawin mo
Ang sabi ni Amihan

Nilabas ni Danaya ang brilyante ng lupa

Brilyante ng Lupa, inuutusang kitang kahitiin mo ng pinongpino ang malalaking bato na nakapaligid sa amin
Ang paguutos ni Danaya

Nahati nga ng pinong pino ang mga malalaking bato

Ako ang susunod
Ang sabi ni Pirena
Brilyante ng apoy inuutsang kitang tunawin mo ang mga napinong bato para makagawa kami ng isang kaharian

Natunaw na nga ito

Ngayon, sama sama nating simulan ang paggawa ng kaharian
Ang sabi ni Amihan

Nilabas nila ang kanilang brilyante at sabay sabay nilang ginawa ang maikling kaharian

Sa Lireo

Masaya pa ring nagdiriwang ang mga diwata nang may lumabas na encantada na kawangis ni Cassiopea, agad namang tinutukan ng espada ang kawal ng lireo, sapiro at hathoria

Avisala mga diwata

Ang sabi niya

Cassiopea???!!!

Encantadia II Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon