Kabanata 2: Ang Paliwanag ni Cassiopea

145 2 0
                                    

Mahal na Bathaluman, bakit kayo nandito? Takang tanong ni Ybrahimm

Ikinulong ako ng aking kapatid, para hindi ko siya mapigilan sa anong gagawin niya
Sabi ni Cassiopea

Tinanggal naman nina Muros at Aquil ang nakatali kay Cassiopea

Avisala Eshma
Pagpapasalamat ng bathaluman

Ang ibig niyo bang sabihin kapatid niyo ang nakalaban niyo kanina
Tanong ni Hitano

Oo, Hitano...... Batid kong kailangan niyo ang tulong ko kaya pumunta tayo sa aking isla at isasalaysay ko sa inyo ang buhay ko
Sabi ni Cassiopea

Sa kabilang dako

Pashnea!!! Saan mo kami dinala?
Nagagalit na sabi ni Danaya

Anong kailangan mo sa amin at bakit mo kami dinala dito??!!
Ang nagagalit rin na Amihan

Nagulat ang tatlong sangre nang makita nila ang kanilang kapatid na si Pirena na nakahandusay sa lupa at duguan

Pirena!!!
Ang sabi ulit ng tatlo

Tumawa ang encantada at hinawakan ang sugat ni Pirena at naghilom ito at muli na ring nagkamalay si Pirena

Aking mga Apwe nasaan tayo?
Tanong ni Pirena

Nag taka ang tatlo kung bakit ginawa niya iyon kay Pirena

Huwag kayong mag saya na binuhay ko ang iyong panganay na kapatid pagkat may kapalit ito
Ang sabi ng encantada

Anong kapalit ang hinhingi mo encantada?
Ang sabi ni Amihan

Sa Lireo

Nunong Imaw, mga diwani, kayo na muna ang bahala dito sa Lireo, pagkat mag iisip ako ng plano para maisalba ang mga sangre
Utos ni Cassiopea

Kasama ko sina Ybrahimm, Aquil, Muros at Hitano sila ang tutulong sa akin
Dagdag pa ni Cassiopea

Kung gayon ay mag ingat kayo at nawa ay makabuo kayo ng magandang plano para misalba ang mga sangre
Bilin na sabi ni Imaw

Ngumiti nalang si Cassiopea at naglaho na sila

Sa kabilang dako

Ang hinihingi kong kapalit ay ang iyong mga brilyante at ang lireo yun lamang
Ang sabi ng encantada at ngumingiti pa

Nag titigan ang mga Sangre

Wala kayong pinag kaiba sa aking ama hangad lang nila na magkaroon ng kapangyarihan na hindi naman sakanila
Galit na sabi ni Pirena at hindi na niya ito mapigilan

Tama ka Pirena, ngunit poltre, hindi namin yan magagawa
Ang sabi ni Amihan

Hindi namin isusuko sayo lahat ng hinihiling mo
Ang sabi ni Alena

Pagkat tapat kami sa Lireo at ang mga brilyante kaya makontento ka nalang kung sino at ano ka
Dagdag ni Danaya

Tumawa ang encantada

Tunay na matatapang at matatalas ang isip ng mga Sangreng ito tumawa hanggang hindi niyo binibigay lahat ng hiling ko habang buhay kayong bibihagin at pahihirapan tumawa
Ang malademonyong pagsabi ng encantada

Sa Isla ni Cassiopea

Nagsimula ng magkwento ang bathaluman

Kapatid ko si Levita ang encantadang tinutukoy niyo pareho kami ng gusto, pero may isang pangarap ng aking kapatid na matagal na niyang inaasam, ang pagiging hara, noong naipatayo ang Lireo ay wala pa silang napiling hara kaya naman ay pumunta kami ni Levita sa Lireo at sa hindi inaasahan ay ako ang napili ng korona na maging hara ng lireo, binasbasan rin ako ni Emre, masakit ang loob ni Levita kaya nagrebelde siya at pinagtangkahan niya ang buhay ko nalaman niyon ni Emre kaya pinarusahan niya ang aking kapatid, pinatapon siya sa malayong lugar ng encantadia, ngunit hindi ko alam kung paano siya nakapunta dito
Paliwanag ni Cassiopea habang tumutulo ang luha niya

Kaya tulungan niyo akong maghanap ng bagong tagapagligtas na may ibat ibang lahi na matatagpuan sa kasuluksulukan ng encantadia sila ang mga nilalang na may munting kapangyarihan sa kanilang kamay, sila lang ang alam kong makapagsasalba sa mga Sangre
Ang sabi ni Cassiopea

Kaya inilabas niya ang mga sagisag ng mga brilyante at inutusan niya na hanapin ang bagong tagapagligtas

Sa Kaharian ni Levita

Sinasaktan ni Levita ang mga Sangre gamit ang kanyang kapangyarihan habang hindi nila ibinibigay ang hinihiling ni Levita

Arghhh....
Arghhh...
Paghihirap ng mga Sangre

Ito ba talaga ang gusto niyo!!!
Ang galit nasabi nito habang sinasaktan ang mga sangre

Sa Lireo

Lira, hindi ako mapakali, ano na kayang nangyari kay ina at ating mga ashti
Pag aalala ni Mira

Pati ako Mira nag aalala ako sa aking ina
Sabi ni Kahlil

Wait lang mga pinsan hah, subukan kaya natin iligtas sina Ina, ano na lang gagawin natin dito mag mumukmok, huwag na lang tayo umasa sa mga iba
Sabi ni Lira na nakahawak kay Mira at Kahlil

Naiilang kana ba Lira, malakas ang encantadang iyon!!!
Sabi ni Kahlil

Ngunit Kahlil, tama si Lira bklang isang sangre kailangan nating gawin ang tungkulin natin, umaasa ako Kahlil na sasama ka
Ang sabi ni Mira

O sige, lalaban tayo para sa ating ina at kay ashti Danaya
Ang sabi ni Kahlil

Okay, tarataralets!!!!
Ang sabi ni Lira

Naglaho na silang tatlo

Sa susunod uli mga apwe
Avisala Eshma
Ecorodio
Uhwe... Uhwe.... Uhwe...










Encantadia II Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon