Kabanata 5: Ang Mga Tagapagligtas

110 2 0
                                    

Nandito na rin sina Kahlil, Lira, at Mira sa Lireo at ang kawal na nakakita sa kanila

Lira, Mira, buti nandito na kayo!!!!
Nagagalak na sabi ni Cara at niyakap niya sina Lira at Mira

Aking Apwe, nandito ka na rin, nag alala ako sayo
Nagagalak na sabi ni Aquihiro at niyakap niya rin ang nakakatandang kapatid

Lira, Mira, at Kahlil, bakit niyo sinuway ang utos ng Bathalumang Cassiopea, kailangan na kailangan kayo dito sa Lireo sapagkat kayo ang nakakatanda at maraming alam ukol sa pakikipaglaban
Galit na sabi ni Nunong Imaw

Sorry na po, Nunong Imaw, masyado lang po kami nag aalala kina Ina kaya sinubukan lang po namin na iligtas sila
Paghingi ng tawad ni Lira

Huwag kayong mag alala pagkat nandiyan naman si Cassiopea at ang Bathalumang Emre, hindi nila tayo pababayaan
Paliwanag ni Nunong Imaw at umalis na siya

Magtiwala lang tayo kay Emre at Cassiopea, Lira
Paghabol ni Ilo Paopao at umalis

Lira, Mira, Kahlil, magpahinga na muna kayo nararamdaman kong pagod na pagod kayo.....mamaya ay daldalhan ko kayo ng paneya at prutas para sa inyo
Maamong pagsabi ni Cassandra

Avisal Eshma, Cassandra
Pagpapasalamat ng tatlo

Pumunta na ang tatlo sa kanikanilang mga silid

Sa Kaharian ni Levita

Mga menoveshka, harrrgh.. Napakawalang hiya talaga ang mga sangreng iyon!!!!!
Galit ni Levita at pinagbabasag pa niya ang mga babasaging kagamitan

Mahal na hara, huminahon po kayo, wala po kayong magagawa kung nilalabas niyo lahat ng galit niyo
Panghihinahon ni Sandro sa kanyang hara

.......... Sandro!...... magtungo ka sa Lireo sila naman ang aking pahihirapan hanggat hindi nila binibigay sa akin ang mga brilyante!!! Doon mo ipamalas lahat ng galit ko!!!
Nagagalit na sabi niya

Bakit po ako??!!
Tanong niya sa hara

Sapagkat, walang magbabantay sa Sangre kaya ikaw muna ang bahala sa Lireo........ Bibigyan kita ng pansamantalang kapangyarihan para may magamit kang magwala sa Lireo
Sagot ni Levita na nagagalit pa rin

Sumunod agad si Sandro at nagtungo siya sa Lireo

Sa Parte ng Etheria

Mga Encantado at Encantada, dinggin niyo ang aking importanteng sasabihin sapagkat ang bilang ng ating mga kawal ay nababawasan dahil sa digmaan kaya kung sino ang interesadong ipagtanggol ang ating kaharian ay lumapit lang kayo sa akin para kayoy sanayin.... Sino ang interesado?
Ang sabi ng Rama ng maikling kaharian na ito
na umaasang may lalapit sa kanya

May isang encantada ang lumapit sa Rama

Ako, mahal na Rama interesado ako sa iyong hiling
Matapang na sabi ng encantada

Natulala ang Rama sapagkat hindi niya inaasahan na babae pa ang lumapit sa kanya upang maging kawal, nagsitawanan naman ang mga encantado may nag sasabing

Madali lamang siyang paslangin ng mga kaaway

Hindi siya karapat dapat

Naging masama ang loob ng encantadang iyon kaya siya nagsalita

Buti nga akong babae ay interesado, kayong mga lalake nakatayo lang kayo sapagkat naduduwag kayo!!!
Galit na sabi niya at tinaasan pa niya ng kilay ang mga encantado at muling humarap sa Rama

Encantadia II Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon