048 // ellie's

2.8K 151 41
                                    

kang ellie's

"Kuya, oy, nasaan na kayo?!" Sigaw ko mula sa phone. Tae naman kasi, pagpasok ko sa hotel, wala na sila. Umuwi na sila!

"Relax. Nawala kasi kayo ni Jihoon. Bigay mo 'yung phone kay Jihoon."

Nakangiting nakatingin sa akin pero sinamaan ko siya ng tingin. Pero, shox kinikilig talaga ako. Enebe. Sino ba kasing 'di kikiligin kapag gwapo 'yung nasa harap mo, huh?! Ang umangal, fite me!

Ayun, binigay ko muna 'yung phone kay Jihoon. Medyo lumayo muna sa akin si Jihoon pero dahan-dahan ko siya sinundan at pinakinggan.

"Ako na bahala sa kanya. Ayoko pa po mamatay." Natatawang sambit ni Jihoon. Loko si Kuya, papatayin niya si Jihoon kapag may nangyari sa akin?

Nang matapos na 'yung usapan nila, nagulat naman si Jihoon kasi nakikinig ako sa kanila.

"Mukha kang unggoy na nakikinig sa amin ni Daniel hyung." Natatawang asar sa akin ni Jihoon. Loko, anong unggoy?!

"Ano fite fite me, Jigoo?!" Akmang sasapakin ko na siya ng hawakan niya kamay ko at bigla niya akong niyakap. Shet, what a scene. Nasa beach pa kami. Wow, tapos palubog 'yung araw. Ang tagal din pala naming magkasama ni Jihoon kanina tapos kung saan-saan kami napadpad sa resort.

Pero, shox, hello?! Namumula po ako. Help me.

Kumalas naman sa yakap si Jihoon. 'Di ako makagalaw. Help me talaga.

"Ay, sorry hehe." 'Di naman ako makatingin sa mata ni Jihoon. Tae, ang awkward. Mag-open na lang kaya ako ng topic.

"Bakit nga pala napauwi si Elise kagabi?" Tanong ko sa kanya.

"Ah, emergency." Sagot naman niya.

"Emergency? Bakit? Ano nangyari?!" Sunod-sunod kong tanong sa kanya. Kahit na inaaway ako ni Elise, concern pa rin naman ako sa kanya.

"Ah, 'wag ka na mag-aalala. Ayos na siya." Sagot naman ulit niya. Ba't ba ayaw niya sabihin?! Pero hayaan mo na, basta okay na siya.

"Elisha," Nagulat ako ng bigla niya ako tawagin, "Paano kapag may nagconfess sayo pero may girlfriend siya?"

"Anong klaseng tanong naman 'yan, Jigoo. Pfft, may girlfriend? Ano 'yun two-timer? Syempre, babawalain ko lang 'yun." Sambit ko naman sa kanya kaya napatawa na siya.

"Tara, uwi na tayo. Hatid na kita sa inyo." Sabi ni Jihoon tapos hinawakan niya 'yung kamay ko na ikinamula ko.

~~

sorry, lame.
pero alam niyo bang nag-eenjoy ako basahin 'yung comments niyo HAHAHAHA. lalo na kapag galit kayo kay elise. pero ito muna, point of view muna ni ellie ngayon!

magic | jihoonWhere stories live. Discover now