narration pt. 1
"Uy, omg, Ellie! Si Jihoon!" Nagwawala naman 'tong si Elise na katabi ni Ellie.
Kilalang-kilala ni Ellie si Jihoon dahil membro nga ito ng Broduce 101 dahil nga rin sikat sila sa school. Pero 'di aakalain ni Ellie na ang kuya niya pala sikretong membro ng Broduce 101.
-
"Jimin hyung, may crush ako sa school." Masayang sabi ni Jihoon sa hyung niya habang kumakain sila ng dinner.
"Oh? Ano pangalan niya?" Tanong naman ni Jimin.
"Hindi ko alam eh. Tatanungin ko pa lang si Daehwi. Maraming kilala 'yun sa school." Natatawang sambit ni Jihoon bago sumubo ng pagkain.
-
"Daehwi! Daehwi!" Napalapit naman si Daehwi kay Jihoon at tumabi sa kanya sa canteen.
"Anong pangalan nun?" Tanong ni Jihoon at tinuro si Ellie.
Pero nagkamali si Daehwi. Akala niya ang tinuro ni Jihoon ay si Elise kaya ang nasabi niyang pangalan ay Elise Yoo.
Dumating ang foundation week kung saan dun nagsimula ang lahat. Sa may confession booth.
"Meron nga palang shoutout galing kay Park Jihoon!" Masayang sambit ng host sa confession booth, "Kung sino man si Elise Yoo, pumunta ka sa rooftop ngayon din."
"Taena, bes! Narinig mo 'yun, si Park Jihoon?! Park Jihoon 'yun!" Nagwawalang sigaw ni Elise, "Teka lang, Ellie ah? Punta lang ako sa rooftop." Tumango-tango na lamang si Ellie.
Pagkarating ni Elise sa rooftop, nakita na niyang si Jihoon na nakatalikod.
"Jihoon!"
Lumingon naman si Jihoon sa babaeng tumawag sa kanya. Nadismaya siya sa nakita niya. Hindi siya 'yung babaeng gusto niya.
"Alam mo bang matagal ko ng gusto mangyari 'to?" Kinikilig na sambit ni Elise.
"Ha, teka. Sorry pala, Elise. Teka, ikaw ba si Elise?" Paninigurado ni Jihoon sa kanya.
"Ah, oo! Duh? 'Di naman ako aakyat dito kung 'di ako si Elise Yoo, diba?"
"Sorry, Elise. Nagkamali pala ako. Sorry talaga."
~~
yoko na, sorry ang pangit huhu. may pt. 2 pa guys hehe.
YOU ARE READING
magic | jihoon
Fanfiction❝Gusto mo ng magic?❞ ❝magic❞ ➳ park jihoon ➳ wannanana one series ➳ completed. ➳ #1 in short story | 170524 ➳ neozity epistolary.