C3: Crestfallen

12.6K 547 546
                                    

Kana

'Who is this guy?'

Is he one of us? But how come the color of his eyes were a lot different? Sa pagkakatanda ko pula at bughaw lang ang kulay ng mga mata namin, bakit naiiba ang sa kanya?

Galing ba sya sa ibang grupo?

Kaya ba marami syang alam kasi minamanmanan nya ako? Kami? Kung tama ang hinala ko, saan syang grupo nabibilang? Sa Junju? Alam kong hindi sya isang Ragi dahil nakasalamuha na ako ng mga Ragi. Isa ba syang Chitaen? Napaatras ako.

O baka naman may iba pang grupo? Napalunok ako habang titig na titig sa kanya.

"Namumutla ka. Bakit parang may nakita kang multo?" Biglaan nyang tanong.

Hindi pa rin nagbabago ang kulay ng mga mata nya. Mas lalo pa iyong tumitingkad at kung tititigan mo ng mabuti ay para na iyong nagbabaga.

"Who are you?" Iyon ang unang lumabas sa bibig ko matapos kong makita ang mga mata nya.

"Akala ko ba, Ang alam ko tungkol sayo, kina Ken, at tungkol sa academy ang gusto mong malaman?" Kitang-kita ko ang pagporma ng labi nya sa isang nakakalokong ngisi. "One at a time, Kana."

Bakit kung banggitin nya ang pangalan ko ay parang kilalang-kilala nya ako? Na para bang close kami at matagal nang magkakilala. Naniniwala naman ako na ngayon ko lang talaga sya nakita.

"Anong alam mo tungkol sa akin?" Seryoso kong tanong.

Medyo lumayo pa ako ng kaunti sa kanya dahil hindi ko pa rin alam kung kalaban ba sya o kakampi. Wala akong pakialam sa ngayon kung kalaban ba sya basta ang alam ko ay kailangan ko ang impormasyong nalalaman nya.

"All that you know about yourself. I'm getting bored." Umirap sya sa akin. "Next question please."

All that I know about myself? Ano sya stalker ko? Hindi nya manlang sinagot ang tanong ko ng maayos. Bahala na. Wala namang importante sa akin.

"Paano mo nakilala sila Ken? Anong alam mo tungkol sa kanila?" Sunod kong tanong.

"I said one at a time." Inis nyang sabi.

"Paano mo nakilala sila Ken." Sineryoso ko ang sinabi nyang one at a time. Dahil baka kapag hindi ko sineryoso ay hindi nanaman nya seryosohin ang isasagot nya sa akin.

"Kilala ko na sila noon pa Kana at kilala rin nila ako." Deretso nyang sagot sa akin at ngumiti pa.

"Kaibigan mo sila?" Gulat kong tanong.

"Hindi." Mabilis nyang sagot na walang halong pag-aalinlangan. Umiiling pa sya.

"Alam mo ba kung nasaan sila?" Siguro ay maiinis na sya sa sunod-sunod kong tanong pero wala na akong pakialam doon.

Nakita kong humikab sya at umayos ng upo sa bench.

"Bakit ba ang layo mo? Natatakot ka ba sa akin?" Tanong nya na ikinagulat ko. Napansin nya pala na ang layo ko sa kanya.

"S-syempre! Hindi kita kilala! Malay ko ba kung kalaban ka." Depensa ko.

Malakas syang napatawa at tumingin sa akin. "Mukha ba akong nakakatakot Kana?"

Kung itsura ang basehan, mukha syang presentable at mukhang hindi gagawa ng masama. Pero marami na ngayong kalaban mo pala pero wala sa itsura.

Masisisi nya ba ako? Kailangan ko lang magsigurado.

"Teka nga. Iniiba mo yung usapan." Puna ko dahil parang ako yung nagtatanong kanina. Bakit parang nabaliktad ang sitwasyon namin?

"Alam ko kung nasaan sila." Pag-amin nya. "Pag-isipan mo nang mabuti ang sinabi ko sayo kanina Kana." Ang alin? Ang wag na silang hanapin?

Himitsu Academy IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon