[ warning : plain update ]
Kana
Hindi ko na alam kung gaano ako katagal na nakatitig sa blankong papel sa harapan ko. Pinapasulat kami ng reaction paper tungkol sa binasa naming poem kanina. Hindi ko nga naintindihan kung ano ang binasa kanina. Inaamin kong lutang ako habang binabasa ko iyon. 'Yung tipong, alam ko sa sarili ko na binabasa ko ang nakasulat pero walang pumapasok sa utak ko. 'Yon ang naranasan ko kanina. At dahil wala akong naintindihan, wala akong maisulat sa papel ko.
Tinignan ko ang kabuuan ng klase at halos lahat sila ay nakayuko sa harapan ng papel nila. Maririnig rin ang tunog ng paglapat ng ballpen sa sa mismong papel na pinagsusulatan nila.
Tahimik ang buong klase pero ang utak ko, sobrang ingay dahil puting-puti pa ang papel ko. Malapit na rin ang oras ng pasahan kaya mas lalo akong kinakabahan.
Masungit pa naman si Sir Domingo.
'You haven't written anything yet?'
Napatingin ako sa paligid ko. Tahimik pa rin ang mga kaklase ko kaya baka namamali lang ako ng rinig.
Bumalik ako sa pagtitig sa blanko kong papel at pursigido na akong magsulat ng kahit ano nang may marinig ulit ako.
'Don't you know how to answer when you're being asked?'
Mabilis akong napaangat ng ulo ko at napansin naman ako ni Sir Domingo. Napalunok ako nang tignan nya ako. Kaagad naman akong umiling.
"May problema ba Miss Yamaguchi?" Tanong ni Sir kaya mas lalo kong binilisan ang pag-iling ko. "Don't you dare look at your classmate's paper if you don't want a failing grade young woman." Banta pa nito.
"Nawalan lang po ng tinta ang ballpen ko." Please mag-work ka.
"Use mine." Sabi pa ni Sir kaya kaagad akong napatayo at nagmadaling pumunta sa table nya.
"Five minutes left class, before I dismiss y'all." Sabi nya pa pagkatanggap na pagkatanggap ko ng ballpen nya.
Napamura naman ako sa isip isip ko. Ilang sentences ang maisusulat ko sa loob ng five minutes? Syempre kailangan ko pa ring mag-isip kahit papaano.
Bumalik ako sa desk ko at mabilis akong umupo para magsulat. Hanggang sa mapansin ko na may kakaiba sa likuran ng papel ko. May mga bumakat na tinta sa likuran nito.
Binaliktad ko ang papel at nagulat ako nang makita kong may nakasulat doon.
"The Road Not Taken a poem by Robert Frost; Reaction"
'Yon ang nakasulat sa itaas at gitnang papel. At kasunod 'non ay ang content ng paper which is yung reaction. Tinignan ko 'yon nang may halong pagtataka lalo nan nang makita kong may pangalan ko sa ilalim. Complete name na akala mo ay ako talaga ang gumawa nitong reaction paper.
Napatingin ako sa katabi ko at nakita ko syang seryosong nakatingin sa harapan. Nakalapag na rin ang ballpen nya sa ibabaw ng desk nya. Naka harap naman ang papel nya kaya tinignan ko 'yon. Tinitignan ko kung pareho ang sulat pero magkaiba. Panglalaki ang sulat sa papel nya. Capitalized lahat medyo dikit-dikit pero maayos ang sulat. At nang tignan ko ang sa akin ay masyado 'yong pambabae. Malinis tignan at dire-diretso na akala mo may pinagbakatan na pantay na linya sa ilalim. Hindi pumupunta sa sa kung saan ang sulat, hindi tumabingi.
Sino ang gumawa nito?
'Lame excuse.'
At ngayon sigurado na ako kung sino ang kanina pang kumakausap sa akin. Walang iba kung hindi ang katabi ko. Si Taro.
BINABASA MO ANG
Himitsu Academy II
Mystery / Thriller'The group is broken, and the academy has fallen.' HIMITSU ACADEMY II