Kana
Dumiretso ako sa CR pagkagaling ko sa office ni Ma'am Annie. Dali-dali kong binasa ng tubig ang mukha ko para naman mahimasmasan ako kahit papaano.
Masyado akong maraming iniisip at kailangan ko pang bumalik sa loob ng classroom. Hindi ako dapat ma-late ulit sa pangalawang subject ko. Baka malaman nina mama na hindi ako pumapasok at maghinala pa sila sa akin.
Minadali ko ang paglalakad pabalik ng classroom at sakto naman na wala pa ang teacher namin sa subject na iyon.
Naupo ako sa upuan ko at hindi nakatakas sa paningin ko 'yong bagong estudyante na humawak ng kamay ko kanina. Nakasubsob pa rin sya sa desk nya at parang hindi manlang gumalaw.
'May sakit kaya ang isang 'to?'
Tinignan ko sya ng maigi. Parang may ka-postura sya pero hindi ko naman mapangalanan kung sino. Napakamot ako sa ulo ko at umupo nalang ng maayos.
Maingay ang buong klase dahil wala pa ang teacher. Naungkat nilang pag-usapan ang tungkol sa pagkamatay ni Ma'am Akira. Hindi ko naman maiwasang hindi makinig. Gusto ko pang makakuha ng impormasyon kahit na alam kong kakaunti lang din ang alam ng mga kaklase ko.
"'Yon ang sabi ni dad." Narinig kong sabi ni Dave.
"Sabi ng dad mo? Bakit ano ba ang dad mo?"
"My dad's a detective at kasama sya sa mga nag-imbestiga ng case ni Ma'am Akira."
Tumingin ako sa kanila para mas maintindihan ko ang pinag-uusapan nila.
"Ano nang balita Dave? Nalaman na ba talaga yung ginamit? Nahuli na ba yung mga suspects?" Tanong ni Hanna.
Kita ko naman ang pag-iling ni Dave sa mga kausap nya.
"Ang hina pala ng team ng daddy mo eh. It's almost three months at hindi pa rin nalulutas ang kaso? Ano yun?" Tatawa-tawang sabi ni Wendell.
Nakita ko naman na kumunot ang noo ni Dave dahil sa sinabi ni Wendell. Napailing nalang din ako. Walang duda talaga na magaling mang-asar si Wendell at kung pikuning tao ka, baka masuntok mo sya.
"My dad's a great detective. For your information si dad ang nakalutas ng kaso nila Senator Galvez noon, and he solved it in just a span of two days." Pagmamalaki ni Dave.
Balitang-balita nga ang tungkol sa pamilya nina Senator Galvez noong third year kami. At nakakamanghang malaman na ang daddy pala ni Dave ang nakalutas ng kaso. Laman 'yon ng balita sa TV at dyaryo noon dahil pagkatapos ng imbestigasyon ay hinuli na kaagad si Senator.
"That is the point Dave. Nasaan na ang galing ng daddy mo ngayon? Bakit hindi nya matapos tapos itong kay Ma'am Akira?" Nanghahamon na tugon ni Wendell.
Natahimik ang buong klase at napatingin lahat kay Dave at lahat nag-aabang ng isasagot nya. Hindi nakasagot kaagad si Dave at ibubuka nya palang ang bibig nya ay nagsalita na ang taong katabi ko.
"Hindi magandang pinag-uusapan ang taong patay na. At mas lalong hindi magandang pag-usapan ng mga kagaya nyong wala namang alam sa totoong nangyari." Malamig ang tono ng boses nya. Hindi rin sya nakatingin kila Dave nang binanggit nya ang mga sinabi nya.
Tinignan ko ang tinitignan nya pero deretso lang syang nakatingin sa blackboard.
"Uhm, class, Mrs. Valdez and Mr. Agustin won't be able to attend class today, you're free to go out of the classroom." Sabi ng checker na nakasilip sa pinto ng classroom. Agad din naman iyong umalis nang masabi nya ang pakay nya.
BINABASA MO ANG
Himitsu Academy II
Mystère / Thriller'The group is broken, and the academy has fallen.' HIMITSU ACADEMY II