Chapter 1

219 4 0
                                    


"Ma.Bakit ba kailangan kong lumipat ng school?"

"Para sa'yo din to anak.Next year kasi magcocollege ka na kaya kailangan mong pumasok sa mas malaking school."

Ayoko naman talaga lumipat kasi naandoon sa dating school ko yung mga bestfriends ko.

"Atsaka dito pumapasok si Irene.Kailangan mo syang samahan dito.Alam mo naman ang pinapagdaanan nya diba?"

Pinsan ko kasi si Irene at namatay last year si Jeirra kaya gusto ni mama na dito ako pumasok.Para daw may magalaga kay Irene.

"O naandyan na pala tayo.Bumaba ka na.Ingat and Goodluck."sabi ni mama habang inaabot sa akin yung bag ko.

Kinuha ko naman yun at lumabas na ng kotse.

Kita mo talaga sa labas palang na ang ganda ganda ng school na to.Sobrang laki ng school at ang daming estudyante na napasok.

Maganda ang uniform nila.

Nakalong sleeves sa loob at sa labas ay may suot pang suit na may patch sa gilid ng Damen University.Plain Black lang ang palda at medyas na color black.

Pero may kakaiba sa suot ko sa suot ng ibang estudyante.

Yung patch ng mga estudyante,nasa kanilang necktie.

Pero yung sa akin nasa gilid lang ng suit.

Nagpatuloy nalang ako sa paghahanap ng classroom namin.

Nakita kong palayo na pala ako nang palayo sa may entrance ng school.

Hindi ko alam kung bakit pero nakahiwalay itong classroom ng Section A sa mga ibang classroom.

Nasa pinakadulo sya ng school at may garden pa sa paligid.Sobrang layo nya sa mga estudyante sa school.

Inaaninag ko yung loob ng classroom.

Parang ang dilim naman yata sa loob?

"Hi!"

"Ahhh!"

"Grabe ka naman!Nakakatakot ba ang mukha ko?"Sabi nang isang babaeng nasa harap ko ngayon at nakangiti sa akin.

Maganda sya at mapayat.May mahaba syang buhok at mataray na mata.Pero halata mo naman sa ngiti nya na mabait sya.

"H-hindi.Nakakagulat ka kasi."sabi ko at napayuko.

Ano ba naman yan.First day of school palang ang awkward na.

Ngumiti sya at hinawakan ang kamay ko.

"Ako nga pala si Brittany."

"Uhm..Claire."

"Ano bang ginagawa mo dito sa labas?Malelate na tayo pag hindi pa tayo pumasok."Pumasok na nga kami sa loob.Malinis yung class room at may parang mini sci lab salikod ng classroom.

Maganda yung upuan.Yung parang upuan at lamesa sa korean dramas.

Kaunti palang yung mga tao at nagkwekwentuhan sila.

"After 2 years.Sa wakas nagkaroon na rin kami ng transferee."sabi sa akin ni Brittany habang nakangiti.

"Bakit?"

"Ito kasing section A ang pinakaspecial na section dito sa Damen University.Lahat kasi tayo,scholar.Lahat tayo matatalino.Kaya libre lahat tapos ito pa,special tayo."

Special.

Kami yung pinakaspecial section.

"Talaga?"

The Mystery of Section A (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon