Chapter 6

91 3 0
                                    


Kanina pa umalis yung iba naming kaklase at kaming tatlo lang ni Brittany at Flin ang naandito pa.Naghahanap kasi kami ng mga bagay na makaktulong sa amin para hanapin kung sino ba talaga ang killer.

Tumingin kami nang tumingin sa mga upuan sa buong classroom pero wala kaming makita.

Pumunta kami sa bookshelves at baka dun kami makakita nang isang bagay na makakatulong sa amin sa pumapatay sa mga kaklse namin.

"Claire doon ka sa mga physics book.Flin dito ka sa books ng girls.Ako sa boys."sabi ni Brittany habang naghahalikwat sa mga books ng boys.

Pumunta na ako sa shelves ng mga physics books.

Yung physics books ay ang mga libro ng school namin.Hindi yun sa amin.Lahat ng books na yun ay tungkol lang sa physics.

Maraming physics book doon since ang pinakagusto ng school namin ay matuto kami tungkol sa physics ngayong 4th year high school na kami.

Hinalikwat ko ang halos lahat ng physics book pero wala akong makita.

Hanggang isang book nalang ang natitira sa shelves.

Tiningnan ko yung book na yun at may nakasipit doon na maliit na papel.

Kulay itim ang border ng papel na yun at may mga tulo nang dugo sa papel.

Nanginginig kong iniabot yun kay Brittany.

'Hindi nyo ako makikilala.At sisiguraduhin kong mamamatay muna kayo bago nyo ako makilala.'

............................

Ken's Pov

Nagsisigarilyo kami dito ni Christopher sa may puno nang mangga sa tapat nang mga lumang classroom.

Parehas kaming gulong gulo at pagod na pagod na sa mga nangyayari.

Namatay na ang aming mga kaibigan.Si Henry at si Ice.

Kaming dalawa nalang ang natitira.

At ako na ang isusunod ng killer.

Pagod na pagod na ako at hindi ko na alam kung anong gagawin ko.

Gusto ko pang mabuhay.

Kahit alam kong walang kwenta ang buhay ko.

"Umuwi na tayo."sabi nya pagkatapos nyang ibuga ang usok ng sigarilyo.

Tumango nalang ako at sumabay sa kanya sa paglalakad nang makaramdam ako na ihing ihi na ako.

"Hintayin mo nalang ako sa labasan ng school Christopher.Iihi lang ako."pagpapaalam ko sa kanya.Nang sumagot sya ay agad akong nagpunta sa CR.

May pakiramdam ako na may sumusunod sa akin pero hindi ko nalang tiningnan dahil ihing ihi na ako.

Nang makarating ako sa CR,umihi na kaagad ako.

May narinig akong tawa sa labas na cubicle.

Nakakakilabot ang tawa nya.

Binilisan ko ang pagihi at binilisan ko din ang paglabas nang cubicle nang makita ko sya.

May hawak syang katana blade.

Kinakabahan ako.

"Ikaw!?Ikaw ang killer!?"

Tumawa sya nang malakas at lumapit sa akin.

Palapit sya nang palapit kaya paatras din ako nang paatras hanggang madama ko na ang dingding sa likod ko.

Itinaas nya ang katana blade at itinapat sa leeg ko.

"Oo.Ako nga.Are you ready?"paanong sya yung killer?Imposible yata.Lahat nang tao gusto sya.

"Teka!Anong nagawa ko sa'yo!?Anong kasalanan ko sa'yo!?"

"Hindi mo alam!?"galit na sabi nya at medyo diniinan ang katana blade sa leeg ko.Ramdam ko na ang sakit at ramdam ko na ang dugong naagos sa leeg ko.

"O-Oo"

Ngumisi sya at lumayo sya nang kaunti sa akin kaya nakahinga ako nang maluwag.

"Dahil doon,kailangan mo nang magpahinga!"

Patawarin nyo sana ako sa lahat ng mga kasalanan ko.

...................................

Christopher's Pov

Bakit kaya ang tagal ni Ken sa CR?30 minutes na syang hindi nabalik at medyo madilim na.

Hindi kaya may nangyaring masama sa kanya!?

Kaagad akong tumakbo papunta sa CR.

Hindi maaari.

"Ken!"

......................

Claire's Pov

"Ken!"

"Ano yun!?"gulat na sabi ni Brittany.

"Si Ken!Sya na yung sunod!Baka may nangyari sa kanya!Tara!"Kaagad kaming tumakbo hanggang makarating kami sa CR.

Naandoon si Christopher at hawak ang ulo ni Ken.

"A-anong nangyari!?"sabi ni Brittany habang nilalapitan si Christopher.

"Si Ken!"sabi ni Christopher habang humahagulgol.

May katana blade sa gilid at kalat na kalat ang dugo sa buong CR.May sirit ng dugo sa dingding at nakahiwalay ang ulo ni Ken sa katawan nya.

Pinasama ko si Flin sa akin para ireport ang nakita namin kay Sir Umillo na kaagad naman nakarating sa CR.

Tumawag na naman sila sa pulis at inalis na kaagad ang bangkay ni Ken dito.

Tahimik na nakayuko si Christopher na ngayon ay puno ng dugo ang kanyang buong katawan.

"Sir Umillo,sa tingin ko po hindi na po magandang paraan ang pagtatago nito sa publiko."naiiyak na sabi ni Brittany kay Sir Umillo.

Ngumiti si Sir Umillo at hinawakan ang buhok ni Brittany.

"Kahit ako ayaw ko na sa nangyayari sa inyo.Naaawa na rin ako sa inyo.Pero wala akong magawa at wala akong magagawa.Ito ang utos ng Principal at ang Directress."

"Sir!Hindi po maaaring hindi ito ilabas sa publiko!"galit na galit na sabi ni Christopher.Hinawakan nya sa kwelyo si Sir.

"Lahat ng kaibigan ko,wala na.At sa susunod,alam kong ako na."mahinang sabi nya.

Siguro hirap na hirap na nga sya.Wala syang masabihan tungkol dito.

Lahat kasi kaming Section A ay malayo sa pamilya namin dahil malayo ang Damen university sa lugar na crowded at maraming mall at trabaho.

Kaya heto kami.Nasa mga dorm,boarding house at apartment.

"Pasensya na Christopher."Mahinang sabi ni Sir Umillo at niyakap sya.

......................

"Nakakatakot yung nangyari kay Christopher."sabi ko kay Flin na ngayo'y nilalaro si Erin.

Nagsimula na naman syang umiyak kaya naisip kong mali pala ang idea ko na sabihin yun sa kanya.

"Natatakot ako Claire.Ayokong maulit yung noon."

Posible kayang kasama sya doon sa nangyari sa Section A 10 years ago?

Malabong mangyari yun.

16 years old lang din sya.

Imposibleng 6 years old palang sya ay kasama na sya doon sa Section A.

The Mystery of Section A (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon