Prologue

49 8 5
                                    


[ P R O L O G U E ]

Nangangatog ang aking mga daliri habang pinipindot ko ang number ni Claire para matawagan ito.

"H-Hello?" kinakabahang bati ko. Hindi ko alam kung bakit, pero may kung anong takot na bumalot sa akin ng makita ko ang poster na iyon. Marmaing tanong rin ang tumatakbo sa aking isipan.

"Kirsten? Okay ka lang?" tanong nito sa akin. Halata mo sa boses niya ang pag-aalala.

"May nakuha ka bang poster?" ani ko. Ang poster na nakuha ko ay masyadong misteryoso. Yet somehow, alam kong parang delikado rin ito. Hindi ko alam kung paano nakapasok ang poster na ito sa bag ko. Nakita ko na lamang ito, kasama ang aking gamit.

"Ha? Anong poster?" sambit niya. Masama ito. Ability? Skill? Talent? Ngunit hindi kasali si Claire? Baka namali lang sila ng bigay.

"About sa Camp Dark Blood," sabi ko. Gulong-gulo na ang utak ko. I guess I'm overthinking this. Pero alam kong laging tama ang feeling ko. Feeling ko ay may masamang mangyayari dito.

Nakikita ko lahat ng klase ng emosyon. Nararamdaman ko ang love, friendship at betrayal na umaaligid sa camp na ito. Sasama kaya ako?

"Kirsten. Andiyan ka pa ba?" tawag sa akin ni Claire mula sa phone.

"Ah sorry. Anong sabi mo?" Napagtanto kong ilang minuto na pala akong lutang.

Sa mga minutong iyon, nagsearch si Claire about sa Camp Dark Blood. Wala raw siyang nahanap bukod sa isang balita. Ang Camp Dark Blood ay nagtataglay ng isang prophecy. Annual ang naturingan na Camp Dark Blood. Ito ay hinahawakan ng dalawang masamang mag-asawa. Hindi sila nagkakaroon ng anak dahil baog ang babae. Ginagawa nila ang camp na ito upang makakuha ng dna at abilities sa iba't ibang tao. Kaya pinapatay nila ang karamihan na pumunta sa camp na ito. Isa lamang ang makakapagpigil sa kanila, ang magiging Queen ng camp na ito. Siya lang talaga ang may ability para matalo sila. Kasalukuyang hinahanap ng mag-asawang ito ang Queen.

Ako kaya ang Queen? Siyempre charot lang.

"Kirsten."

"Hmm?"

"S-Sila ang pumatay sa ate mo. Kay Ate Jazz."

Hindi ko namalayang nahati ko na pala yung unan ko. Nangangalaiti ako sa sobrang galit.

Camp Dark BloodWhere stories live. Discover now