Kirsten Salva ^.^[ C H A P T E R O N E ]
[ U N A N G K A B A N A T A ]The Ride
•Kirsten Jade Salva•
TUMULO ang luha ko sa papel na aking hawak ngunit nanatili ang mapait na ngiti sa aking labi.
Ate Jazz...
Miss na miss na kita. Sobra.
Inilapag ko ang papel na hawak hawak ko kanina. Litrato 'yon noong Grade 3 palang ako at si Ate Jazz naman ay Grade 6. Umiiyak ako noon at si Ate Jazz ay nakatawa dahil yung ice cream niya ay pinahid niya sa mukha ko. Napabuntong-hininga naman ako. People fade, but memories last.
Pinahid ko ang luha ko mula sa aking mata at nagsimula ng mag-empake. June 1 na ngayon at alam kong anytime ay pupunta na dito ang bus upang sunduin ako.
Nilagay ko lahat ng damit ko sa bag ko. Organized akong tao, kaya kung papasok ka dito sa kuwarto ay wala kang mahahanap na pintas dito.
Matapos kong mag-impake ay naligo na ako at nagbihis. Kinuha ko ang pistol ni ate sa kuwarto niya at tinago ito sa leather jacket ko.
Hindi nagtagal ay dumating na rin ang bus na ito. Pumunta ako sa kuwarto ni Mom kaso wala siya doon. I left a note explaining why I left. Pumunta din ako sa room ni Dad pero wala din siya. Nagmadali nalang akong umalis since alam kong wala namang pakialam sa akin si kuya.
Paglabas ko, nakita ko ang silhouette ng mga taong nag-uusap-usap sa loob. Parang masaya sila. Pero noong nakapasok ako, nabigla ako noong lahat sila ay nakatingin lang sa akin. Walang bahid ng emosyon sa kanila. Dalawa lang ang hindi nakapoker-face sa kanila. Yung isa ay nakangiti sa akin sincerely, at yung isa naman ay masisilayan mo ng nakakalokong ngiti na naglalaro sa kanyang maitim na labi. Kung hindi ako nagkakamali, hindi ito lipstick. Natural ito.
Wala akong ibang choice kung hindi ay umupo sa tabi noong lalakeng nakangiti sa akin ng sinsero.
Madaming tanong muli ang dumayo sa utak ko. Ano kaya yung nakita ko kanina? Bakit biglang nawala yung kasiyahan nila? Bakit sila natahimik nung dumating ako? Bakit lahat sila ay nakatingin sa akin? Paano naging itim ang labi noong babae sa dulo?
Naputol lahat ng iniisip ko nang kausapin ako ng katabi ko. "Hello. Bago ka ba sa camp?" tanong niya sa akin.
"Ah oo," walang ganang sagot ko.
"Pareho pala tayo. Ako si Dion Iglesias. Ikaw?" nakangiting pagpapakilala niya. Lalong sumisingkit ang mata nito dahil sa pagngiti niya.
"Kirsten. Kirsten Salva," sabi ko. Nabigla ulit ako ng mapansin na lahat sila ay nakatingin sa akin na kasing laki ng plato ang mata.
"M-May mali ba sa sinabi ko?" tanong ko kay Dion na nakatingin rin pala sa mga taong nakatingin sa akin.
Bago pa makasagot, nagsalita yung babaeng may nakakalokong ngiti na ngayon ay napalitan na ng gulat na ekspresyon. "Isa ka ring Salva?"
Naikuyom ko ang kamao ko. So kilala nila si Ate Jazz. "Oo bakit?" mataray na hamon ko.
"W-Wala," takot na sabi nito. Sila kaya ang dahilan kung bakit namatay si Ate Jazz?
YOU ARE READING
Camp Dark Blood
Mystery / ThrillerDo you have it? Do you have the skill? Do you have the ability? The will? The power? If you do, welcome to Camp Dark Blood: A survival camp. Fight for your life!