CHAPTER 1: Tagapagligtas ng mga flat

129 6 2
                                    

Fourteen Pov:

"Ako ako ako ang tagapagligtas ng mga kakababaihan ako hahaha ako ang tagapagligtas ng mga flat chested " Nang may biglang bumato sa mukha ko ng Bra

"Gumising kana dyan beatrix maaga ka pang magbabantay sa ukay ukayan alam mo namang may mga bombay na maniningil mamaya!" sigaw ni nanay sa akin

"Ano ba yan nay natutulog pa yung tao eh ang ganda na sana ng panaginip ko eh " maktol na sabi ko kay nanay habang nakahiga pa rin

"Basta bumangon kana dyan" sigaw ulit ni nanay

"Mamaya na nay matutulog ulit ako para matuloy ang panaginip ko " ipipikit ko na sana ang mata ko ng pumasok si nanay sa kwarto ko at umuusok ang ilong

"Beatrix fourteen Alvaro babangon ka dyan o bubuhasan kita ng mainit na tubig" nabalikwas ako ng bangon at agad na tumakbo sa cr
"Maliligo na po ako Vicky Alvaro" sigaw ko kay nanay

"Abay walang galang na bata" sabi ni nanay sa akin napatawa na lang ako habang naliligo.

Ganyan palagi si nanay eh kapag hindi agad ako bumangon isisigaw nya talaga ang buong pangalan ko para kumilos na ako ang weird lang

pagkatapos kung maligo nagbihis na ako at tiningnan saglit ang larawan ni Vienna Isaiah crane ang kaisang isa unica ija na anak ng pinakamayaman sa buong mundo.

pangarap ko talagang makita sya idol na idol ko talaga sya kasi ang ganda nya at napaka angelic ng mukha perfect na perfect isa kasi syang sikat na modelo

Puno nga lahat ng mukha nya ang kwarto ko at habang ginagaya ko ang post nya tinawag nanaman ako ni nanay

"Beatrix bilisan mo na dyan ang bagal bagal mo mag babantay ka pa ng ukay ukayan" sa lahat ng oras si nanay talaga ang panira

"Oo nay nandyan na po"

"Bye muna miss vienna huh magbebenta muna ako ng bra at panty para sa mga walang dede ang swerte mo idol vienna ang laki ng hinaharap mo " kausap ko ang poster ni maam vienna tapos bumaba na ako

"Beatrix?"

"Bakit nay?"

""Kinakausap mo nanaman ba ang poster ni vienna no?"

"oo nay palagi naman eh"

"Hay naku beatrix sige na pumunta ka na sa ukay ukayan"

umalis na ako ng bahay sumakay na lang ako ng jeep

"Manong bayad sa may claveria lang po" sabay abot ng bayad ibibigay naman agad ang sukli bumaba na ako tapos binilang ko ang sukli kulang ng isang piso

"Walang hiyang yun ah! Hoy kuya kulang yung sukli mo " sigaw ko sa jeep na paalis na hahabulin ko na sana ang jeep ng bigla akong tinawag ni Francheska.

"Katorse hahabulin mo nanaman yung jeep?" tanong nya

"oo syempre! Dahil Ang hirap maghanap ng piso ngayon " inis na sagot ko sa kanya.

"Baliw ka ba? hahabulin mo yun isang piso lang yun ibubuwis mo talaga ang buhay mo dun?" inis na sigaw nya sa akin.

"Wag mo nga akong sigawan Hindi mo kasi alam na bawat piso ay mahalaga sa akin Dugo, Laman at pawis ang ginamit ko para sa isang piso na yun halos magkanda kuba ako tapos ganun lang ang gagawin ng driver na yun! Ngayon sabihin mo sa akin saan ako nagkulang?" sigaw ko kay francheska sabay walling

"Tang na mo katorse ang sagwa mo!" mura nya sa akin

"Grabe ka naman nag prapractice lang akong umakting eh"

The Lost Daughter of  the BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon