Chapter Four:
The Girl of ImposiblenessChantry Foster
Walis? Wales? Ang weird naman ng pangalan.
Sumunod naman ako kay Vil para itour daw ako. Naglakad kami papuntang daw sa kwarto ko. Binuksan niya ang pinto. "Eto ang kwarto mo. Ikaw and maglinis niyan hah." Inirapan ko na lamang siya at pinaalis.
Medyo malaki naman sa dati kong kwarto itong lugar na to. Yung kamang pang isahan lang talaga, malaki yung bathroom may bathtub kasi, may study table syempre may upuan hah at closet.
Nahiga na muna ako. Tinignan ko sandali ang alarm clock sa study table. Ten forty three in the morning. Kinuha ko naman ang paborito kong libro at binasa ito. Hanggang sa nakatulog na ako.
"Chantry? Chantry. Kumain ka na daw. Mag aalauna na. Chantry. Chantry." Sabi ng lalaking boses. "Wales? Anong ginagawa mo dito? Chupi ka nga diyan. Hampasin kita diyan katukayo mo eh." Nagulat naman siya sa sinabi ko kaya umalis siya.
Pumunta naman ako sa banyo para maligo. Pagkatapos kong maligo ay dumiretso na ako sa kusina.
Nakita ko nanaman yung Walis na yun. "Walis? Asan si Vil?". "He is talking to Walter. They are in the veranda." Pumunta naman ako sa tinuro niyang daan.
Ohmy! Baka nagmamake out sila! Sumilip muna ako sa veranda bago tumuloy. "Kyra is a good woman, you should date her." Rinig kong sabi ni Vil sa kausap niyang lalaki na si Walter.
Tuluyan na akong pumasok sa veranda at sinara ang pintuan para marinig nila na may pumasok na tao. Nakita ko naman na napalingon si Walter kaya nagulat ako.
Oh my goodness! Si Walis, si Walis! Di ba nasa kusina siya? Marunong ba silang magteleport? Ang tagal ko bang nakakulong kaya di ako nainform na pwede na ang teleport? Hayystt.. Isa akong sinaunang tao.
Nakita naman nilang natigil ako kaya nagsimula nang magpaliwanag si Vil. "A-ahmm... Chantry si Walter nga pala kaibigan ko. Walter si Chantry kapatid ko. Saka Chan kakambal siya ni Wallace." Tumayo siya at inakay ako papunta sa Walter. "Nice meeting you, young lady." Kinuha niya ang kamay ko kaya sumirit ang dugo dito, tumalsik ang dugo sa buong veranda.
Teka, sorry ha. Hindi nga pala gore to. Pasensyahan.. So, hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan ito. Naputol ang dila niya kaya umagos ito sa porselana kong balat. Ehem.... Sorry ulit di ko kinaya ehh..
Back to the scene. Agad ko namang binawi ang kamay ko. "Good to meet you Walter. Pahiram si Vil." Lumingon ako kay Vil at hinatak siya bago pa man makasagot si Walter. Hinatak ko siya hanggang sa kusina at pinaupo siya doon.
"Vil, are you gay? Wag kang matakot matatanggap ko yan. Wag kang magpapakamatay ha? It's ok---." Natigil ako sa pagsasalita nang tumawa si Wallace na kakalabas lang ng banyo. Sa lakas ng tawa niya, napapunta niya si Walter sa kusina.
"Anong nangyayari?" Kunot noong tanong ni Walter. "Akala niya bakla and Kuya niya eh ang totoo naman ayy mahal na mahal niya lang si hahahah!" Sige tawa pa. Bwisit na Walis tingting nato.
"Tama na nga Wallace. Chan, Hindi ako bakla okay? Sadyang ang Mahal ko eh, imposibleng mahalin ako. Kaya maghihintay ako ng totoong mamahalin ako." Vin smiled bitterly. Woah, grabe ah..
Nakakacurious naman yung babae, sino kaya siya? Bakit kaya napakaimposible na mahalin siya pabalik?
End of Chapter Four:
The Girl of Imposibleness.
BINABASA MO ANG
Taking My Brother Back
RomanceLosing a brother like him is too much. I don't want to lose him. He is my brother and best friend. Losing him makes me suffer. That's why I'm taking him back. Hashtag On- Going!