Panimula

30 1 0
                                    

Ako ay Pilipino. Inaawit ko ang Lupang Hinirang araw-araw kapag may pasok. Nag-aaral ako ng mabuti. Bida-bida ako sa recitation, lalo na sa Math. At higit sa lahat, ako ay mataba.

Ikaw, ano'ng kuwento ng pag-aaral mo?

3 years old ako nang magsimula akong magbasa. Take note, nagsimula akong magbasa sa tulong ng Encyclopedia na napakakapal. Nagsimula naman akong humawak ng computer noong 5 years old ako. Hindi lang games ang kaya kong gawin noon. Kaya ko ring magsalang ng mga kanta sa Windows Media Player. At sa lahat ng mga kantang sinasalang ko, ang pinakapaborito ko ay ang kanta ng S Club 7 na Never Had A Dream Come True. Hanggang ngayon ay nasa playlist ko pa rin ito, 9 years after.

4 years old naman ako nang matuto akong magsulat. Ginawa kong training grounds ang pader ng bahay ng lola ko (ako rin ang pinaglilinis) at ang bahay namin. In short, natuto ako via vandalism. Pero 4 years old ako nang una akong makahawak ng writing manual. 5 years old ako nang nagsimula akong mag-aral. Dapat sana ay Grade 1 na ako noon, dahil ayon sa tita ko na financier ko, sobrang advanced ko na raw, pero dahil sa lola ko, nag-Preparatory ako (ang pinaka-kontrobersyal kong taon.)

6 years old ako nang pumasok ako ng Grade 1. Lumipat na ako sa lugar namin ngayon. Masasabi kong medyo kontrobersyal iyon para sa'kin dahil ako talaga ang dapat na Top 1 sa klase namin. Nataon lang na hindi ako consistent magbayad ng tuition fee kaya bumagsak ako sa Top 3. Pero kung patalinuhan lang ang batayan, dapat pinauwi ko na sila. Ganoon din ang nangyari noong Grade 2 ako, walang pinagkaiba. Isa pang rason bakit Top 3 lang ako ay dahil sa walang kamatayang attitude problem ko. Medyo pasaway pa ako noon.

Lumipat ako ng school noong Grade 3 dahil medyo kinapos kami sa pera. Maraming first time. First time ko na maraming kaklase. First time ko lumaban na maraming kalaban. First time kong gumising ng maaga. Kinatagalan, nakasanayan ko na wala ako sa room dahil sa kabi-kabilang laban. Sa buong stay ko sa school na 'yon, nagsawa ako kaka-akyat sa stage at nangawit ang batok ko sa mga medalyang sinasabit sa'kin. At diyan nagtatapos ang abstract na parang background of the study sa research. Launching in 5, 4, 3, 2...


Mula Nang Matuto Akong MagbasaWhere stories live. Discover now