Sais

24 1 0
                                    

Nakalampas na ako ng kalahati ng ating conversation pero bakit hindi ko pa naikikwento ang mga kinatatakutan ko. Naisip ko na back-up ko na lang 'yun kapag wala akong maisip na isusulat. Nagtataka rin ako bakit pang-Kastila ang pangalan ng mga chapter ko. Ang sagot: trip ko lang. Ang ganda kasi ng wikang Kastila. Pwede mong gamitin kapag may kaaway ka. Pwede mo siyang insultuhin nang hindi niya nalalaman dahil may lingua franca kayo.

Lingua Franca

Isa itong salitang hindi Ingles o Kastila at ang kahulugan nito ay language barrier. Halimbawa, may isang Pranses na nagsasalita sa isang Tsino ng kanyang sariling wika. Kung hindi marunong mag-Pranses ang Tsino, hindi sila magkakaintindihan. At ito ay dahil sa lingua franca sa pagitan ng Pranses at Tsino.

Sa kasaysayan, marami nang kaso ng lingua franca. Noon, sa Vatican, ang tanging wika na ginagamit ng Papa ay Latin. Sa kasamaang palad, hindi lahat ay marunong mag-Latin dahil nahaluan na ng lokal na wika ang mga bansa sa Europa gaya ng Ingles, Pranses, Kastila, Italyano at Slavic. At ito ay ikinagalit ni Martin Luther. Ninais niya na magkaroon ng mga misa sa lokal na wika ngunit ito ay tinutulan ng Papa. Kailangan daw sa Latin ang mga Misa. Ang arte.

Buti na lang ngayon, halos lahat ng tao ay nagkakaintindihan na dahil sa Ingles. Thank You Lord.

Iniinsulto ko ang kantang Reflection ni Christina Aguilera na isang kanta na para sa mga pambatang pageant. Grade 1 kasi ako, sa dati kong school, nagkaroon ng pageant. And batay sa naaalala ko, 'yung kantang Reflection ang pinatugtog. Kaya kahit walong taon na ang nakalipas, nakatatak pa rin sa'kin na ang kantang Reflection ni Christina Aguilera ay kanta na para sa pambatang pageant.

Update nga pala sa Flat Earth

Ang nag-postulate ng masasabi kong pinakanakakatawang katangahan sa universe ay si Ravenne Hiro. Kung sino ka man, ang galing mo. Ang galing mo magpatawa. Sino ba naman kasing tao ang magsasabi na 2-dimensional lang ang mundo? Kahit lasing ata ay aware na oblate spheroid ang mundo. Siguro 'yung mga proof mo diyan ay galing sa mga adik sa kanto na sobrang lakas ng tama dahil sa pagsinghot ng Vulca Seal, este sa Wikipedia.

Minsan kasi, hindi accurate ang sinasabi ng Wikipedia. Gawa lang naman kasi ng tao 'yun and pwede i-edit ng kahit sino. Kaya kung scientific facts ang iyon nais, maganda mag-search sa mga academic sites. PS: hindi ako mag-e-endorse. Ako, books + internet ang sources ko. And medyo hindi accurate ang nakikita ko. Kaya mas tinatanong ko ang mga teacher ko na never pa naman akong niloko. Kaya lab ko mga teacher ko.

Ano ang bucket list ko?

1. Magkaroon ng sariling laptop

2. Maka-meet and greet ang Pentatonix (with Avi Kaplan)

3. Makagawa ng a cappella cover ng iba't ibang kanta (I on the beat)

4. Magka-Ph.D sa pangalan ko (pero ayaw ko na doctor itawag sa'kin)

5. Makapagregalo ng maganda sa birthday ng crush ko

6. Maka-nood ng laro ng Golden State Warriors

Iu-update ko na lang kapag may naisip ako.

Lagi kong ipinaglalaban na hindi importante ang hitsura pero mas importante ang laman ng utak. Aanhin mo ang mala-artistang hitsura kung pang-re-assessment naman ang grade sa exam? Analogy ko nga diyan ang isang pobreng bote ng soft drinks. Ang soft drinks ay binibili dahil sa laman, hindi sa label. Entiendes?

Kung naisin ng Diyos na maging manunulat ako, maraming aangal sa'kin na sayang naman daw "talino" ko. Kahit panay 65 ka sa card, pwede kang maging writer. Depende kung ano ang linya mo. Naniniwala ako na may communicative skills ka. Pinangungunahan ka lang ng hiya na ang dahilan ay ang mga walanghiyang adik sa fried breading na sabi ng sabi na pang-matalino lang ang pagsusulat. Pero kung wala ka namang touch as writer, pwede ka rin sa oral. Pero hindi pwedeng wala kang communicative skills.

Nag-reflect ako sa mga past thoughts ko sa sarili ko. Napagtanto ko na bakit andaming feeling conservative at banal. Makarinig lang ng "mura", magre-react agad. Hoy! Walang ginawang masama ang Diyos at kayong mga makikitid ang utak lang ang may kagagawan nun. Sino ba namang tanga ang magbibinyag ng masama sa salitang libog? Normal na salita 'yun. Ito pang malupit, kapag nagmura ka sa harap ng iba, tapos kapag inilaban mo ang side mo, sasabihin respeto na lang. Cognitive dissonance. Pinagmumukhang tanga ang ibang tao para mapreserba ang bulok na paniniwala. Piñata.


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 05, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Mula Nang Matuto Akong MagbasaWhere stories live. Discover now