Fourteen

5.1K 227 10
                                    

Unedited Version

"Yes, too late Mhigz sa loob ng pitong buwan na hindi kita nakikita, nasabi ko sa sarili ko, kaya ko naman palang huminga ng wala ka, kaya ko naman palang tumingin sa paligid ng hindi ka nakikita, nakaya ko ng wala ka Mhigz. Nakaya ko!"mapait na sabi ni Cathy sa asawa." Kaya please lang, hayaan mo naman akong mabuhay ng normal, ng para sa sarili ko at higit lahat para sa anak ko."

"Catherine."nahihirapan bigkas ni Mhigz at tinawid ang maliit na distanya nila ng asawa. Mhigz pulled her closer, and hugged her very tight. "Hindi ako naniniwala sa sinabi mo, gago ako noon alam ko and I regret a lot, humawak ka noon at hindi ka bumitaw, sana naman ngaun ako ang nahawak wag mo ako tuluyang bitiwan, dahil kung noon ako ang hininga mo, ngaun ikaw ang buhay ko, ikaw ang dahilan kung bakit hanggang ngaun humihinga pa ako at tumitibok ang puso ko, dahil sayo. Mahal na mahal kita, hi-hindi ko alam when and how, basta nagising na lang ako isang umaga ikaw ang naririto at itintibok nitong puso ko."mahabang paliwanag ni Mhigz habang tumutulo ang luha sa balikat ng asawa.

Cathy is speechless, ngaun lang niya nakitang ganito ang asawa, they know each other since their young. Si Mhigz ba talaga ang kaharap niya?

"Hihintayin na lang kita sa sasakyan, I'm sorry nabasa ko ang balikat mo."wika ni Mhigz at pinunas ang luhang nasa pisngi pa atsaka tumalikod ito at lumabas ng apartment niya.

Alumpihit si Cathy na naiwan sa loob ng bahay sa susunod na araw ay maiiuwi na niya ang anak, hindi niya naawat si Mhigz sa pagbili ng mga gamit ng anak kaya naman halos mapuno ng mga laruan ang guestroom na may connecting door sa kwarto niya. Cathy named his son Yuan Sebastian Valle, na inilihim niya kay Mhigz ng magpaalam si Lorenzo na uuwi ito ng Pilipinas ay pakiramdam niya ay sinadya ito ng kaibigan.

"Cathy do what make's you happy."wika ni Lorenzo.

''Catherine?"

"Catherine?"

Napaiktad si Cathy ng marinig ang boses ni Mhigz habang kumakatok ng malakas sa pinto niya.

"Bakit?"kunot noo niyang tanong nito.

"Okey ka lang ba? It's been an hour hindi ka pa lumalabas sa akala ko kung ano ng nangyari sayo?"buong pag-aalalang wika ni  Mhigz sa asawa.

" wag kang masyadong OA, iniisp ko lang ang anak ko kung ano ang ipapangalan ko sa kanya. Tara na."sagot niya dito at nagpatiuna ng lumabas ng apartment palapit sa kotse nito, pasakay na si Cathy ng may paparating na sasakayang ang bumusina ng malakas at sumungaw ang driver nito.

"Cathy!?"masayang tawag nito.

"Vic!"gulat na wika ni Cathy.

"Hey,lalo kang gumanda ah, hanep parang hindi Mommy ang hitsura mo, your still the same Catherine Lopez that I knew, simple yet gorgeous."walang prenong sabi ni Vic kay Cathy na nagpakuli ng dugo ni Mhigz.

"Can you stop flirting with my wife!"singahl ni Mhigz dito at walang pasabing hinila si Cathy papasok sa loob ng kotse at pinaharurot iyon palayo."

"Ang bastos mo rin ano!"asik ni Cathy sa asawa.

"Really ako pa ang bastos! At tuwang-tuwa ka naman na pinupuri ka ng lalaking iyon!"nakasimangot na sabi ni Mhigz.

"Walang masama kung purihin ako, atleast maghiwalay man tayo, alam kong may magkakagusto pa rin sakin kahit may anak na ako."

"Ahh ganun, balak mong makipaghiwalay sakin, pwes nagkakamali ka dahil hanggang sa huli nating hininga dala mo ang pagiging Mrs Valle!"

FOOLISH HEART (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon