Chapter 01

950 20 0
                                    

I put some liptint sa may labi ko, malamang. Nang may siraulong kumatok sa pintuan ng kwarto ko. Kung katok mo bang masasabi ko yon dahil sa sobrang lakas ng tunog.

"Napaka tagal mo! Kapag ako nainis mo, iiwanan kita. Mag isa kang pumunta doon sa university!" sigaw nung tao mula sa naka saradong pinto.

Napairap nalang ako ng wala sa oras dahil alam ko naman na. Alam kong may mag rereklamo na naman yung kumag na yun dahil sa kakupadan kong kumilos twing umaga. E pano ba naman hindi sya mauuna kaysa sa akin, mas nauna syang magising. Kaya ang ending mas nauna syang gumayak. Ugh!

"Eto na! Saglit lang naman..." sigaw ko din sa kanya habang kinukuha na yung bag ko at tumingin muna ulit sa full body mirror ko na nasa gilid lang ng kama ko.

Nang masigurado kong maayos na ang suot ko ay binuksan ko na yung pintuan ng kwarto ko. At nauntog pa nga sa taong nasa harapan ko. Ano ba naman yan! Agad kong hinampas yung dibdib ng tao na nasa harapan ko.

"Ano bang ginagawa mo dyan?!" naiinis na sabi ko sa kanya. Baka mamaya natanggal yung Ponds na nilagay ko sa mukha ko. Tinignan lang naman ako nya ako at tila hindi makapaniwala. Nang mas sinamaan ko sya ng tingin.

"Tss. Napaka bagal mo talagang kumilos." rinig kong sabi nya bago ako talikuran. Hindi na ako nag react dahil kasalanan ko naman kung bakit nalate ako ng gising at kung bakit ako nauntog sa dibdib nya. Pero dapat nung sumigaw sya'y umalis na sya hindi ba?

At tsaka may dahilan kung bakit na-late din ako ng gising. Duh! Naeexcite kasi ako dahil pupunta kami sa university kung saan nag aaral si kuya. Yung lalaking sumigaw at kumatok sa pintuan ko kanina. At yung nabungguan ko din kanina sa labas ng pintuan ng kwarto ko.

Hmpp! Ang sungit, akala mo naman talagang matitiis ako. Ako lang kaya ang nag iisa nyang kapatid no? Tapos tatarayan at susungitan nya pa ako? So, ayon nga naeexcite ako kasi nga, ieenroll ako ni kuya sa university kung saan sya nag aaral. And also bagong environment na naman sakin yun. First year college nadin kasi ako kaya medyo na eexcite pa ako. Sabi kasi nila masaya daw ang college life, dahil konti lang yung mga subject sa isang araw. DI tulad dati na akala mo papatayin kami sa rami ng subject. And also yung gimik nadin ang kina eexcite ko.

Nag paalam lang kami saglit kay Mama at nag umpisa nang mag maneho si kuya gamit yung sasakyan na niregalo sa kanya ni Papa. Habang nasa byahe papunta sa university ay tinext ko lang yung bestfriend ko na kasama ko sa course kung nasaan na sya at on the way na kami ni kuya.

"Puro mga new enrollees lang ba ngayon?" tanong ko kay kuya Hannes na seryosong nag dadrive. Hindi man lang kumikibo, hmp!

Saglit syang tumingin sa akin bago ibalik muli ang atensyon sa harapan. "Nope. All levels..." maikling sagot nya. Napa ismid nalang ako dahil napaka iksi ng sinabi nya. Mas maiksi pa kaysa sa pasensya ko.

Hindi nalang din ako kumibo at tumingin nalang sa labas ng bintana ng sasakyan para sana mag tingin tingin ng tumunog yung phone ko.

From: Lyca

wer na u? dto na me

Agad kumunot ang noo ko sa tinext nya sa akin. Anong klaseng text yan gurl? Amp! Nabasa ko naman kung ano yon pero hindi ganito format ng text nya e.

To: Lyca

Gaga lang? Bagong buhay yan?

Agad din naman syang nag reply sa text ko.

From: Lyca

HAHAHAHA! Tinry ko lang naman if bagay sa akin. Pero mukhang bagay naman hindi ba? Pero nasaan kana ba? Nandito na ako.

Inangat ko yung tingin ko para tignan kung nasaan na kami. Pero dahil hindi naman sa akin masyadong familiar yung lugar ay humarap ako sa kapatid ko na busy sa pag dadrive.

The Two Sandoval and MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon