Fix Me, I'm Broken.

89 2 2
                                    

Ang tao mahilig sa perpektong relasyon, yung tipong walang ups and downs. Gusto puro saya lang. Gusto perpektong relationship, kasi once na masaktan natatakot na ulit sumubok magmahal. Ayaw na ayaw nating lumuluha at nasusugatan. Aminin man natin o hindi ganun tayo. Pero hindi ba't nakakainis sa part nong mga taong handang sumugal at masaktan? Yung mga taong hindi madaling sumuko?, Syempre, napapagod din silang kumapit sa taong pilit na silang binibitawan. Tao din yan. Kaya ngayon.. yung mga dating kayang magtiis sa sakit, ayan! Bitter na rin ngayon. Tumulad na rin sila sa mga duwag magmahal at maghanap ng taong susubukang mahalin ulit.

CHAPTER ONE (first heartbreak)

"I'm sorry." Hinawakan nya yung kamay ko na nakapatong sa mesa.

"What do you mean? I don't get you. Can you please get straight to the point?" malumanay kong sagot sa kanya.

"Hindi talaga pwede 'tong relasyon na 'to. Ayoko nang antayin pa na malaman ng parents ko." Okay..I get it. She's breaking up with me. Hinawakan ko din yung kamay nya na nakahawak sa kamay ko.

"Eh, hindi ko naman hinihiling sayo na sabihin sa kanila. Okay naman na sakin kahit patago lang 'tong relasyon na 'to. Promise, okay lang talaga." Pilit kong pinapakalma yung sarili ko, ayokong mangyari 'to. Hindi ko kaya.

"Sorry, ayokong saktan ka Fiel..pero narealize ko na hindi ko din pala gusto tong relasyong 'to. I'm already dating someone. I can still be your friend. Hindi naman ako totally mawawala sayo." Wala manlang ka'uru'emosyon yung pagkakasabi nya.

"Okay lang din naman sa'kin yun. Okay lang kahit dalawa kami, or kahit gawin mo lang akong second option. Tatanggapin ko naman yun. I love you that much, Shaine. Kaya kahit masakit kakayanin ko. Just don't break up with me, please." Hindi ko na napigilang tumulo yung luha ko. Sinamantala nya naman yung eksenang yun para umalis na sa lugar na yun.

xxx

Hindi ko matanggap, ang sakit..ang sakit sakit. She's the very first person na minahal ko, at mamahalin ko. Ba't ganun? Ang dali lang para sa kanya na bumitiw sa ganung rason lang. hindi parin ako naniniwala dun sa mga sinabi nya. Ayokong maniwala.

"Uy Eff! Gumusing ka nga. Anu ba! Kinakausap ka na nung pagkain mo oh." Untag sakin ni Sasa. Tinuro pa sakin yung pagkain na nasa harapan ko. Eff tawag nya sakin, short for fiel.

Si Sasa, roommate ko since 1st year college ako. Now, we're already 3rd year college, civil engineering course ko tapos sya political science. Parang bestfriend ko na rin 'to.

"Two weeks na mula noong naki-split yang ex mo sayo. Ano ba!? Limot ka na nun. Wag mong sayangin yung oras kakaisip sa kanya, ni hindi ka nga yata sumasagi sa isip nun." Sermon sakin. Aist, Oo, two weeks na ang nakakalipas pero feeling ko parang kanina lang yun nangyari. At take note, dal'wang linggo na rin akong sinasabon nitong butihin kong friend-slash-roommate.

"Grabe lang talaga..ang bait mong kaibigan. Galing mo din magcomfort. Tss. Ang sakit-sakit kaya soooooobra. Ikaw kaya iwanan ng jowa, sa 1st year anniversary nyo pa man din. Tapos ang babaw ng dahilan, yun lang yun?? Halos lumuhod na nga ako sa pagmamakaawa sa kanya pero anu?! Eto! Iniwan parin ako. Kala mo gusto ko ding nagmumukmok lang ako dito?" matamlay lang yung pagkakasabi ko, wala akong gana mag-speech. Heartbroken nga eh! Huhu.

Tumigil saglit si Sasa sa pagsubo ng pagkain. Nagbibreakfast po kasi kami ngayon, pero ako halos hindi ko pa nagagalaw yung pagkain ko. 10 o'clock kasi class namin mamya. Di nga lang ako sure kung papasok ako. Haist. Ayoko na.

"Oo na. Simula kaya nung umuwi ka dito sa boarding house galing dun sa romantic date nyo sana sa isang fancy resto hanggang ngayon. Emphasize ko lang yung hanggang ngayon. Halos araw-araw mo kayang sinasabi yang line mo na ANG SAKIT SAKIT! Kaya hindi ko po nakakalimutan na brokenhearted ka..at ang dahilan?--- yung ex mong ewan! Yung ex mong walang puso't atay. Yung ex mong matapos makipagbreak sayo eh iniwan ka lang na kahit piso walang iniwang pan-ambag manlang sana dun sa mga kinain nyo sa mamahaling restaurant. Aba! Fiel! Dun pa lang sana magalit ka na sa kanya. Two months mo ring allowance yung ginamit mo dun! Sana, imbes na namnamin mo yang sakit na nararamdaman mo, gamitin mo sanang dahilan para kalimutan sya. Wag kang magpaka anu dyan. Marami pang tao sa mundo." Hindi na lang ako kumibo sa sinabi nya. May point naman kasi.

Fix Me, I'm BrokenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon