DO ME A FAVOR: Please press the star [☆] below.
Incounter
---》
Nakita nila akooo!
Ghad! Kailangan ko makatakas!
Tumakbo ako ng mabilis mula sa likod kung saan naririnig ko ang pag pito sa akin ng apat na mga lalaking nakasuot ng black tuxedo.
Pinag titinginan ako ng mga makakasalubong ko. Bwisit! Pag kamalan ba naman akong mag nanakaw?! mga chismosa nga naman.
Sigurado kagagawan ito ng magulang ko. At ayokong mabalita ang pag takas ko.
Bago pa man ako maabutan ay naramdaman akong humablot sa braso ko at isinandal ako sa pader.
O.O Ang lapit ng mukha gwapong mukha niya sa akin at konting galaw ko lang ay mahahalikan na niya ako.
"RAA---hmm..." bago pa man ako makasigaw ng RAPE! Whaaa! hinalikan na ako neto!
"Wag kasing maingay" nagising ang diwa ko mula sa bangungunot ng mag salita ng walang emosyon ang bakulaw na to na akala mo walang nangyari!
Infairness mabango ang hininga niya. Teka! Bakit ko ba pinupuri tong bakulaw na to?!
Nang umalis na ang mga agents na itinalaga ng magulang ko upang bantayan ako ay nakahinga ako ng maluwag.
Whoo!
Tinulak ko ang lalaking nasa harap ko at sinampal.
"BASTOS!"
"You're welcome" ABA!
"Hoy! Wala ka man lang respeto sa babae?!"
"Low down your voice MANANG. Tingin mo gusto kong halikan ka? Mandiri ka naman tss." Tumalikod na ito at nag lakad palayo sa kinakatayuan ko.
Wow as in wow matapos akong laitin ako pa mag mumukhang masama?!
KRRUUUUU..
Napahawak ako sa tyan ko. Damn! Wala pa akong kain simula kagabi?!
Unti unti akong nakaramdam ng hilo at may naramdaman akong sumalo sa akin bago ako tuluyang mawalan ng malay.
--
Nagising ako sa isang malambot na kama. Nakahinga ako ng maluwag ng makitang kompleto pa ang aking saplot sa katawan.
Nasaan ako?
Lumabas ako upang libutin ang bahay ngunit nakaramdam ako ng gutom kaya napag pasyahan kong pumunta sa kusina.
Malaki ang bahay na to. Ghad. I miss my room!
"Hmmm. H-hello po?" Nakita ko ang isang matandang lalaki.
"Oh. Iha gising ka na pala. Kumain ka muna saluhan mo ako" ani nito.
Umupo ako sa bakanteng upuan at nag simula ng kumain. Madaming nakahain kung tutuusin ay mistulan ng handaan para sa isang hapunan lamang.
"Hindi ka pa umuuwi? Tss. Lakas ng loob mag layas wala naman palang pera" Naningkit ang mata ko ng marinig ang tinig ni bakulaw! Lokong to pamukha ba namang hindi ako welcome?
"Anong pangalan mo iha?" Tanong ng matanda na umaktong hindi narinig ang sinabi ng kupal.
Uminom ako ng tubig bago tuluyang mag salita. "Skitt. Lorillane Skitt Murien po"
Tumingon ako sa kupal na hanggang ngayon ay hindi ko alam ang pangalan inirapan ko ito at ituon ang pansin sa aking pag kain.
"Isa ka palang Murien... Malaki ang utang na loob ko sa iyong pamilya iha. Paumanhin sa inasal ng aking apo kulang ito sa displina siguro ay oras na para makahanap ito ng katapat" Katapat? Anong pinagsasabi matandang to?
"Ano po? Wala po kayong dapat ihingi ng tawad wala po kayong kasalanan"
"Tss." Sabi ng isang bakulaw
"Napaka buti mong bata. Kung may kailangan ka sabihin mo lang. Maaari kang mamalagi dito ano mang oras mo gustuhin" HULOG BA TO NG LANGIT???!
"WHAT! NO WAY! LOLO POGS NAMAN! MAY BAHAY YAN PAUWIIN MO NA! TSS." Aba! Kung may anghel may demonyo din pala -__- apo ba talaga ito ni lolo?
"May angal ka ba sa desisyon ko binata?" Walang emosyong tanong ng matanda.
"Tss." Hahaha! Takot pala ito kay lolo pfft.
"Tawagin mo akong lolo pogs at itong binatang to ay si Clyde" ahh.. clyde pala.
"Maraming salamat po lolo pogs. Bat hindi nag mana sa iyo yang apo mo naku ang sakit ulo"
"Hoy manang! Sayo ulo lang sa akin buong katawan sumasakit makita lang kita" OA niya ah!
"Oh siya iha may gamit sa kwarto maari mong gamitin sa palagay ko kasya naman iyon sayo. Sa susunod na linggo ang unang araw nang pasukan maghanda na kayo"
"Lolo pati pag aaral sasagutin mo? Hindi naman tayo charity at mas lalong hindi tayo ampunan noh!" Singit ng isang kupal arghhh.
"Yan ba ang asal mo binata?"
"Paumanhin" halatang hindi bukal sa loob niya ang pag hingi ng tawad. Hanep.
Ang daldal ng lalaking to! Saan ba to pinag lihi? Laging may pinaglalaban! NAKU! PASALAMAT KA MABAIT ANG LOLO MO KUNG HINDI KANINA PA KITA SINAPAK.
<>
A/N: ang lalim ng ibang tagalog haha. Under si clyde sa lolo niya.
Ano kaya ang mangyayari sa pag sasama ng dalawang to sa isang bubong? May mag babago ba?
Abangan....
BINABASA MO ANG
In Disguise
Teen Fiction"Perfect na sana kaso may problema... Okay na sana kaso may hadlang... Kami na sana kaso may panira... Hanggang kailan mo ba kami pag lalaruan ha?! TADHANA!" Subaybayan ang istorya nila... Lorillane Skitt Murien at Clyde Gronvir na isang istoryang n...
