ID 2

2 0 0
                                    


DO ME A FAVOR: Please press the star [☆] below.

Living in the same roof

---》

"Hoy manang!" Manang your face!

"Hoy bakulaw ako ba kausap mo?"

"Akala ko lahat ng nerd matalino simpleng tawag lang di mo pa maintindihan tss."

Malay ko bang ako!

"May pangalan kasi ako bakulaw talaga.."

"Whatever. Wag mo akong papansinin sa school maliwanag ba?" Ang kapal talaga ng bakulaw na to!

"Tingin mo gusto kitang kausapin manigas ka!" I rolled my eyes to him

"Aba mas lalo naman ako! Hindi ko gugustuhing kausapin ang pangit na kagaya mo. Tignan mo nga yang hitsura mo hindi marunong mag ayos!"

Tinaasan ko ito ng kilay.

Eh eto yung trip ko para hindi agad mahuli ng humahabol sa akin. Nag lagay ako ng pekeng kilay na makapal, eye glass na malaki, madaming fake na tigyawat at maluwag na kasuotan.

"Bat ba ang daldal mo?! Bakla ka ba? Problema mo sa mukha ko? WALA AKONG PAKI GETS?"

Sa totoo lang hindi eto ang totoo kong ayos. Noon pinag titinginan ako maganda daw kuno at madaming humahanga pero parang bula na nag laho ang lahat naging mapanghusga na ang taong nakapalibot sa akin.

"Wth! Ako bakla? Madaming iiyak pag nangyari yun manang. Mabuti ng nagkakalinawan" sabi nito sabay talikod.

Arrghh! Napaka walang modo talaga!

--

Pagkatapos ng walang kwentang usapan namin ni clyde ay napag pasyahan kong maligo muna.

Bumalik ako sa aking kwarto at nag simulang maligo. Malaki ang silid na ito para sa isang tao. Ngayon ko lang na-realize ang kabuohan nito.

Tumungo ako sa cr sa loob ng silid na ito, tinanggal lahat ng nasa mukha ko at dinama ang tubig na dumadaloy sa aking katawan.

Ano kaya ng mangyayari sa akin sa pag tira ko dito?

Lord tulungan mo ako ah!

Napasapo ako ng noo ko ng magpatanto kong wala pa pala akong dalang damit!

GHAD! Sa lahat ng makakalimutan damit pa?

Nag balot lang ako ng towel at lumabas. Siguro naman walang papasok dit---!

Damn! Bumukas ang pinto at iniluwa si...

"BAKULAW! LABAASSSSSSSS!" Bigla akong tumalikod at tumakbo pabalik sa cr!

"Wala akong balak sayo! Pinapunta lang ako dito kasi kakain na daw! Kala mo naman sisilipan..."

Aba! Hayuf to!

Lumabas na ako ng marinig ko ang pag sarado ng pinto. For safety sinuot ko na ang mga inilalagay ko sa mukha.

Nakita ba niya ako sa tunay kong hitsura?

Napapikit ako ng mariin ng maalala ko ang nangyari kanina. gusto ko sana siya tanungin kaso baka..

Hayst! Tama na yung pag iisip!

Tinignan ko yung tinutukoy ni lolo pogs na damit.

MASYADONG REVEALINGGG! Tyaka hindi bagay sa isang nerd ang mag suot ng ganyang klaseng kasuotan.

Kaya napag pasyahan ko isuot ang ilan sa kasuotang dala ko.

Lumabas na ako ng makaramdam ng gutom.

"Nanay Beth asan po sila?"

Si nanay Beth ang katiwala dito sa bahay matagal na din siya dito sabi ni lolo pogs tinulungan siya nito sa pag papalaki kay bakulaw kaya hindi na ito nakapag asawa.

"Inihatid lang muna sandali ni clyde ang lolo niya babalik din yun kaagad iha wag mo masyadong mamiss" sabi ni nanay beth habang tumatawa.

Ako? Mamimiss yung lokong yun? Asa!

"Nanay naman!" Sabi ko habang nag tatampong expression sa mukha ang ipinakita. Natawa nalamang ito sa akin.

"Nanay beth ako na pong bahalang mag luto paki ayos nalang ng hapagkainan ng mapadali ang gawain"

Tinignan niya ako ng may pag dududa. Wala ba sa mukha ko ang marunong mag luto?

"Naku Lori bisita ka rito hayaan mong ako na ang gumawa sanay naman ako rito" sabi ni manang

"Nanay beth naman ayaw mo ba mapagaan trabaho mo? Ako na po muna baka umuwi na si clyde hindi pa kayo tapos magluto edi mag aantay yun tyaka Nay Beth tinuruan naman po ako mag luto kaya basic lang po yan" ngumiti ako ng napakatamis para lalo itong makumbinsi.

Pero. Anong pinag sasabi ko?! Ginawa ko pang dahilan si kupal kay nanay beth!

"Oh siya kung talagang mapilit ka tawagin mo nalang ako pag kailangan mo ng tulong" yes!

"Sige po nay beth! Salamat!!"

Hmmm. Lagyan ko kaya ng lason yung kay bakulaw? Haha! Masyado naman yatang masama eh bida ang role ko dito pft. Paano nalang yung istorya kung walang leading m- *erase erase*

Ano ba tong iniisip ko? Nadala na ako masyado sa mga book stories ._.

Ano kayang lulutuin ko? Tinignan ko ang mga nasa ref.

Ahhh! Adoboooo! /o\

Kinuha ko na ang mga kakailanganin bago mag simulang mag luto.

Habang nag luluto nag kwe-kwentuhan kami nasabi niya na umalis si lolo paps minsanan lang umuwi dahil sa negosyo. Si clyde naman mabait naman daw pero naging ganyan lang yung ugali simula ng nagpakamatay yung mom niya.

Kaya siguro ganun lang siya kasi hinahanap niya ang pakiramdam ng may ina.

Pinakiusapan ko na si nanay beth upang dalhin sa hapag ang ulam matapos kung maluto dahil hinugasan ko muna yung mga ginamit kanina.

"Nay beth ang sarap ng luto mo! Dabest talaga parang may inspirasyon lang!" Parang biglang nag pugay ang mga paru-paro sa tyan ko. Gutom lang to diba? Tama gutom lang to.

"Hindi ako ang nagluto niyan si Lori" napalingon ito sa gawi ko. "Oh Lori iha nandyan ka na pala tara sumabay ka na sa pagkain"

Lumapit ako sa kanila at umupo upang makakain.

"Oh bat ka namumula?" Tinaasan ako ng kilay ni bakulaw "ang pangit ng luto mo hindi masarap" aba! Sinungaling to!

<>
A/N: Pag ebeg na ba yan?

Ano kaya ang mga dadating pag subok? Mag papatatag ba to sa kanila o mag paparamdan ba kailangan ng isuko?
Lalaban ka pa rin ba kung si tadhana na ang kalaban?

Abangan.....

In DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon