CHAPTER 7
“HATCHOO!” kanina pa hinahatching si Beng-beng kaya tinawanan niya ito.
“Yan...Feel na feel kasi ang pagligo ng dagat yun pala sakitin...Haay! ba’t di ko naalala?” wika niya.
Tiningnan siya nito. Kasalukuyan itong nakaupo sa may sala at nakaharap sa napakaraming tissue paper.
“Ewan ko sa’yo” wika nito.
“Hay..Magpahinga ka muna. Kagabi, game na game ka. Ngayon, naman para kang basang sisiw”
“Ba’t ka ba kasi naghubad sa harap ko?!” asik nito.
“Bakit, don’t you find me sexy?” natatawang tanong niya.
“Oo na, mas sumexy ka na kesa noon”
Mataba kasi siya noon. Kaya magmula ng magbreak sila ni Beng-beng, nagpapayat na siya. Having a vital statistics; 36, 24, 34.
Hindi man perfect, sexy parin siya.
“Thanks for the compliment Mr. Castillo. Sa ngayon, Pumunta ka na sa kwarto mo” wika niya.
May dalawang kwarto ang cottage nito, kaya tig-isa sila.
Napansin nalang niyang naglalakad ito palayo na papunta sa sarili nitong kwarto, subalit, bigla nalang itong nabuwal.
Dinaluhan niya ito, “Okay ka lang Benedicto?-Gush! Ang init mo!” wika niya ng maramdaman ang balat nito.
“H-hindi..Okay lang ako” wika nito.
“Of course you’re not! Magpahinga ka, may gamot ka ba dito?”
“O-oo..Yung pangalawang drawer sa kusina”
Inihatid niya ito sa kwarto at tumuloy sa kusina. Kumuha siya ng gamot at binalikan ito.
“Inumin mo itong gamot. Magluluto lang ako ng makakain mo.”
Tumayo siya matapos itong uminom. Subalit, hinawakan siya nito sa kamay at pinigilan.
“No please...Wag mo akong iwan dito. Hindi ako gutom. Noon kasi, pag may sakit ako, hindi mo ako naaalagaan, kaya alagaan mo ako ngayon. Just stay here beside me..And I’m okay..”
“Kahit may sakit kana, nagagawa mo paring mambola” nakangiti niyang wika.
“Sige na...’Wag mo akong iwan dito” pagpupumilit nito.
“Okay...I’ll stay here by your side” wika niya.
Pumikit ito.
Ilang sandal lang ay humihilik na ito. Umupo siya sa tabi nito and caressed his face.
“Ray...Don’t leave me again...I’m damned hurt before..I don’t want it to happen, ever again” wika nito habang tulog.
She looked at his face... “I never left you, Beng...You left me..Pero ngayon, hindi ko na hahayaang mangyari ulit yun”
Yun lang at humiga siya sa tabi nito. She hugged him. Naramdaman nalang niyang nakayakap ang kanyang kamay nito sa kanya. Pero hindi niya ito kinuha. Dahil kahit siya, gustong maramdaman ang init nito.
“I love you..Benedicto” wika niya.
Ungol ang nagiging tanging tugon nito...
“HONEY, WAKE UP...” butterfly kisses were planted on the face of Raya. “Mahal...gising..” wika ulit ng boses ni Beng-beng.
Unti-unti niyang inimulat ang kanyang mga mata. “Beng...” hindi niya akalaing nakatulog siya. Ngumiti ito. Napansin na lang niyang nagyayakapan parin silang dalawa. Aalis sana siya subalit pinigilan siya nito.
BINABASA MO ANG
Promises and Memories
Romance"I never lie when it comes to you. And yes! I still love you... You're still the reason why I live this life" Para kay Raya, wala nang sasakit pa sa nangyayari sa kanya 13 years ago...When she's still 13...Nakipagbreak ang boyfriend niya na si Beng...