Chapter 9
PAPUNTA SI Raya sa opisina ni Beng-beng sa CASTILLO AIRLINES. Alam niyang wala itong sakit dahil nakausap niya ang sekretarya nito. Dumiretso siya sa opisina nito at hindi pinansin ang sekretarya nito.
Naabutan niya si Beng-beng na nakaupo sa mga papeles nito. Nang tingnan niya ay Bahagya itong nagulat at na-excite. Pero bigla namang nag-shift ang expression nito sa pagiging blangko.
Bakit Beng?
“Anong ginagawa mo dito?” tanong nito na nakatuon lang ang mata sa mga paperwork nito.
Whooa! Ano daw ang ginagawa ko rito?
“Maybe, visiting my boyfriend na hindi nagpaparamdam ng ilang araw. Let me remind you this Benedicto, you’re mine now. Kaya hindi mo ako dapat binabalewala” wika niya.
Tumaas naman ang isang kilay nito.
“Hindi mo na ako boyfriend. So you can leave now”
Para namang sumabog ang buong pagkatao niya sa narinig. “N-no Beng...You didn’t mean what you say... H-hindi mo mababale-wala a-ang sinabi mo...sa Manjuyod”
Tumawa ito ng pagak, “What happened in Manjuyod is another part of the memories, Ray. At ayaw kong umasa ka ulit. So I want to clarify things. I’m not yours and you are not mine” wika nito.
Nanghina siya sa sinabi nito. Nanginginig ang mga tuhod niyan at gusto niyang umiyak ng umiyak. Ngunit ayaw niyang Ipakita ang kahinaan.
“So what’s your reason of giving me those damn memories?!” asik niya rito. Gusto na talaga niyang umiyak.
Nagkibit-balikat ito, “Napansin ko kasing malungkot ka. So naghinala akong ako ang kulang sa buhay mo. Hindi nga ako nagkamali. Napasaya naman kita di ba?”
“Huh! I should have thanked you!” asik niya rito. Hindi na niya napigilan ang pagtulo ng kanyang luha. “Thanks, Mr. Castillo. For hurting me again..Sana hindi mo nalang ako ginulo. Kontento na sana ako sa buhay ko. Pero bumalik ka. I thought Magiging okay na ang lahat....You even promised me na hindi mo na ako sasaktan ulit. Thanks Beng, pinaasa mo ulit ako”
Ngunit hindi ito umimik. Tiningnan lang siya nito. Umatras siya...Naramdaman na lang niya ang pader sa likuran niya. Huminto siya.
Sinimulan niyang i-untog ang ulo niya sa pader. Umiiyak na naman siya, “Sana hindi na lang kita binigyan ng isa pang pagkakataon. Sana hindi mo ‘ko binigyan pa ng iba pang memories...A-ayaw mo akong umasa?...huli na Beng..umasa na ako” aniya habang umiiyak at inuuntog ang ulo.
“What are you doing?! You’re hurting yourself!”
“I’m knocking my head! Para malimutan kita...At ang mga ala-ala na binigay mo sa’kin...At ano bang pakialam mo kung sinasaktan ko ang sarili ko? Bakit? Hindi mo pa ba ako sinasaktan?” garalgal na nag boses niya.
Bumuntong hininga ito, at itinuon ang atensiyon sa mga paperwork. “Get out of here Raya. Forget about me. Ipagpatuloy mo ang buhay mo. Huwag mong sirain ng dahil lang sa’kin”
Umayos siya. Dapat maging matatag siya. “Oo! I’ll prove it to you na kaya kong mabuhay ng wala ka!” yun lang at umalis na siya. Kahit parang baliw ang itsura niya’y wala siyang pakialam. She was badly hurt na wala siyang pakialam kahit na mukha na siyang tanga.
Beng? Bakit kailangan pa kitang mahalin? naisip niya.
Naalala niya ang sinabi ni Jahkie noon sa kanya.
‘Don’t be afraid to be hurt. Not just now but again and again. It will make you stronger.’
If it’s true...then why does she felt so weak?..
BINABASA MO ANG
Promises and Memories
Romance"I never lie when it comes to you. And yes! I still love you... You're still the reason why I live this life" Para kay Raya, wala nang sasakit pa sa nangyayari sa kanya 13 years ago...When she's still 13...Nakipagbreak ang boyfriend niya na si Beng...