Chapter 3

35 2 2
                                    

Chapter 3

“And I don’t know how to forget you completely now!” umalingawngaw ang kanta ng Ronpealizesto Band sa buong Ronpealizesto Arena, basketball court. Nanalo si Jeselle sa voting nila. Kaya sa basketball court nila ini-held ang concert ng Ronpealizesto band.

In all fairness effective ang naisip ni Jeselle. Sold out lahat ng tickets, dumoble pa ang kita ng banda dahil mahal ang bayad sa arena. At hindi lang yun, dumoble din ang bayad sa kanya ni Jeselle.

Saan ko kaya gagamitin ang perang ‘to? Hmm... European tour? He-he!! Naisip niya.

Nasa harap siya at nanonood ng concert. Si Jeselle na ang kumakanta. Galing sa isang mahiyaing babae, biglang nag-bloom si Jeselle. At dahil iyon sa kanya. Lahat kasi gagawin niya kung alam niyang makakabuti iyon sa mga kaibigan nya. At sa ikabubuti rin niya, siyempre.

Nakita niya si Rachel na nagpapahinga pa. Tumayo siya upang puntahan ito Ngunit nahinto siya ng may makitang pamilyar na bulto ng katawan. Tiningnan niya ito. Oh My! Si Beng-beng!

Beng-beng? What are you doing here?

Pupuntahan niya sana ito, pero may biglang humila sa kanya.

“Ray. Halika may sasabihin ako” si Windy.

“Teka lang Windx nakita ko si Beng-beng” aniya at nilingon uli ang direksyon ni Beng-beng kanina. Ngunit wala na ito. Tumingin din si Windy.

“Wala naman ah. Hay naku! panay kasi ang isip mo sa kanya.” anito.

“Hindi, ah! Nakita ko talaga siya”

“Namamalikmata ka lang. Halika may pupuntahan tayo.” anito at hinila sya.

“Akala ko ba may sasabihin ka lang? Ba’t may pupuntahan kang sinasabi riyan?” aniya.

“Basta. Sumunod ka lang.” anito na hindi pa rin binibitawan ang kamay niya.

Wala talaga siyang tiwala sa mga kalokohan ni Windy. At mas lalong wala siyang tiwala pag kasabwat na nito si Decemie.

“May ipakikita ako sayo. I’m sure magugulat ka. Pero I’m sure din na matutuwa ka” anito habang ngumiti.

“Yeah right!” wika na lang niya.

“WINDX NASAN na ba tayo?” aniya ng mapansing dinala siya nito sa race track ng arena.

“Nasa race track. Hindi obvious?”

“Sapakin kita diyan, eh. Anong ginagawa natin dito?”

“Naglalakad?” anito na iniinis talaga sya.

“Windy!!! Damn it! What are we doing here?! And what are we going to do?!” asik niya dito.

Tumawa lang ito. Pagtawanan ba naman siya? Nakakainis talaga.

“Sige Ray. Pikit ka” anito ng huminto sila sa paglalakad.

“Why should I?” nakataas ang isang kilay na wika niya.

“You should kung gusto mong umuwi” anito.

Takutin ba naman siya? Pero pumikit na lang siya. May hinila siyang masama. Hindi kaya’t si Beng-beng talaga yung nakita niya kanina at plano ni Windy na magkita sila ni Beng-beng ngayon? Medyo kinabahan siya sa naisip.

Napasigaw siya ng may biglang may yumakap sa kanya.

“Aaahh! Saklolo! Tulong!” aniya at tumakbo.

“Hoy Ray! Ang ingay mo!” si Windy. Tumakbo siya palapit dito at yumakap.

“Windx.. m-may tao...” aniya sa nanginginig na boses.

Promises and MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon