Change of Heart

5.1K 112 19
                                    

"Explain!" yun ang namutawi sa bibig nya ng nasa loob na kami ng coffee shop. Ayoko kasing sa loob kami ng sasakyan Parang nagkaka claustrophobia ako.

"I... I don't love him." sabi ko pagkatapos kong mapalunok.

"Elaborate!" utos na naman nya. I think he deserves my explanation. Lalo na alam nila nanay at ng Don na kami na kahit Mali pa iyon nagsimula at kahapon lang yon!

"Well... nung sinulat ko yun feeling na iin love na ko sa kanya ok? Pero after awhile, narealise kong crush lang talaga ang nararamdaman ko. Alam mo yun?"

"Nope!" sabi nya pero May ngiti na sa mga labi nya. Tingnan mo to, parang bipolar lang.

"Soooo???..." sabi nya sabay pinagsiklop pa ang mga kamay. "Ano naman ang nagpa realise sayo na HINDI mo sya MAHAL?"

"Kasi ang hirap nyang abutin. Alam mo yun? Napakaseryoso pa nya na parang napaka hard to get." nakita ko syang sumimangot dahil sa tinuran ko.

"Ang ibig mong sabihin ako Hindi mahirap abutin?" Maktol nyang tanong.

"Huh?" ano bang ibig nyang sabihin?

"At easy to get ako dahil madali mo lang akong nakuha ganon?" padabog nyang tanong.

"More or less, yah..." sabi ko sa sarkastikong tinig.

"Ouch, baby!" sabay sapo ng dalawang kamay nya sa dibdib nya." you just tear my heart into pieces." padrama pa nyang dagdag.

"Pwedeng mag mura? Ha? Fuck you!" asar Kong sabi sa kanya.

"My pleasure, baby.." sabay kindat pa nya.

I can't believe this boy. He just leaves me speechless!

"Gago ka! Pakamatay ka na kaya para mabawasan ang mga mayayabang sa mundo?!" naiinis Kong sabi sabay tingin ng matalim.

"Stop swearing already! Pinagbigyan na nga kita ng isa nilubos mo naman.. Tsk"

"Tsk!" pang gagaya ko sa kanya na lalong ikinalukot ng mukha nya.

"Anyway, yung pag uusap natin kagabi about sa rules..."

"What about it?" pagtataka ko sa pag lihis nya ng usapan.

"First of, about the kiss... A peck on the cheek will do... For now. Kailangang sanayin muna kita sa paghalik halik." sobrang nanlaki ang mga mata ko sa tinuran nya.

He's really unbelievable! Ang sarap putulin ang tabas ng dila nya!

"No! Ako dapat ang masusunod! Like what you said, Take it! or leave it! Your choice!" firm kong sabi sa kanya.

Sumimangot lang sya at humalikipkip. "Fine! So what are the rules?"

"Hmmm... No rules! That's the rule!"

"What do you mean?" napahumindig sya sa sinabi ko.

"Just what it meant!"

"So I CAN do ANYTHING? Like ANYTHING?" sabi nya na parang batang excited.

"Well... Yes.. But not everything though." kibit balikat ko. Gusto ko naman mag work ito. If you can't beat 'em, join 'em, ika nga. So might as well.

"Ok. Fair enough."

Pagkatapos nyang sabihin yon, namayani ang katahimikan hanggang sa maubos namin ang mga kape namin at nagpasyang bumalik ng manila.

Tahimik pa rin kami hanggang sa maihatid nya ko sa bahay. Simpleng "bye" at "ingat" lang ang sinabi ko matapos nya kong halikan sa pisngi at saglit na niyakap.

Kahit pagod ako sa nangyari sa araw na to May ngiti pa rin sa mga labi ko hanggang sa natulog ako.

🎉 Tapos mo nang basahin ang The Kissing Game Series 2 - The Red Lips Rover 🎉
The Kissing Game Series 2 - The Red Lips RoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon