Kanina pa pabalik balik ng lakad sa harap ko si sir Raf. Siguro ganito sya pag kinakabahan. Kahit naman ako sobra ang kaba Kaya nga nakaupo lang ako at pinag lalaruan ang mga daliri ko. Di rin ako makatingin Kay sir Raf o sa Don dahil sa hiya kaya sa mga kamay ko nalang ako tumitingin.
"Ang tagal naman ng nanay mo hija?" Basag ng Don sa katahimikan. Napatingin ako saglit sa kanya pero nagbaba rin ng tingin dahil nahihiya ako sa kanya.
Di ko alam kung ano ang isasagot ko kaya lalo ko lang niyuko ang ulo ko.
"Lo, pare pareho tayong nandito, pano nya malalaman? Tsk!" sabad ni sir at huminto sa tapat ko bago pa sya umupo sa tabi ko. Napatuwid tuloy ako ng upo pero nakyuko pa rin.
"Smart ass!" tugon ng Don na nagpa angat ulit ng ulo ko sabay tingin sa kanya na nanlalaki ang mga mata.
"Stop it, you, old hog! Ginugulat mong masyado si Rada." tiningnan ko ng masama si sir Raf dahil sa tinuran nya sa Lolo nya. Pero ikinibit balikat lang nya to.
Narinig ko namang bumunghalit ng tawa ang Lolo nito.
"I like you, hija." sabi ng Don. sa totoo lang kanina pa ko nagugulat. Di ko alam na may ibibilog pa ang mga bilog ko ng Mata. "Don't get me wrong. I like you for my apo. Pakasalan mo na sya to get him out of his misery." napasinghap nalang ako sa tinuran ni Don Marco.
Joke ba lahat ng to? I think masyado pang maaga para managinip ako. Siguro alas-7 palang ng gabi. Pero bakit tila lahat ng to panaginip?
"Don't scare her! Isa pa itatanan ko na sya!" napatutop nalang ako sa bibig ko. Kung mag usap kasi sila parang wala ako dito.
Pero wait lang ha? Ayokong mag assume pero sa mga pananalita nila parang May relasyon kami ni sir Raf. Bakit may kasal? At San nanggaling yung tanan?
Kaka-18 ko palang, no? Ni pagboboyfriend nga wala pa sa isip ko. Hanggang crush lang muna. At isa pa nangako ako Kay nanay na wala munang boyfriend boyfriend.
Magpoprotesta na sana ako ng May biglang kumatok. Bumukas ang pinto at iniluwa si nanay pag katapos papasukin ng Don.
Nagkatinginan lang kami at nakita ko ang pag alala sa mukha nya.
Pinaupo muna sya ng Don at pinainom. Sobrang namumutla kasi si nanay parang aatakihin sa puso kahit na alam kong wala naman syang sakit.
"M-May ginawa p-po bang kasalanan a-ang anak ko?" nauutal na turan nya. Kahit naman siguro ako mag aasume ng kung anu ano. And knowing nanay, sobrang worrier nya.
"Wala syang ginawang katarantaduhan Mila. Pero yang apo ko, meron." sabi ng Don at nakita kong medyo nakahinga ng maluwag si nanay.
"Bakit nyo po pala ako pinatawag at bakit nandito ang anak ko?" atat much, mother.
"Para pag usapan ang kasal ng dalawa." walang kagatul gatol na saad ng Don.
"PO?!" sabay naming tanong ni nanay. ako napatayo sa gulat habang si nanay nakaupo lang at halos sumayad na sa lupa ang panga.
"Pero Don Marco, wala naman pong nangyayari sa dalawang bata, kung meron man, siguradong sasabihin sa akin ng anak ko, di ba, anak?" baling nya sa akin at sunud sunod naman ang naging pagtango ko.
"Anong ibig sabihin ng paghahalikan nila kung ganon? Laro lang ba yon? Ganyan na ba talaga ka liberaTed ang mga kabataan ngayon?" malumanay lang ang pagkakasabi nya pero May pagka firm ang boses nya.
Napatingin ako kay nanay at nakatingin na sya sa akin ngayon. Parang disappointed sya na Hindi makapaniwala. Wala naman akong maimik dahil guilty ako. Pero kung hindi rin lang sa pagiging immature nila sir Raf baka wala ako sa sitwasyon na to ngayon.
BINABASA MO ANG
The Kissing Game Series 2 - The Red Lips Rover
Cerita PendekThe Kissing Game Series 2 The Red Lips Rover "Since, girlfriend na kita, we need to Set some rules." good, atleast nasa same frequency kami. Akala ko mahihirapan akong kausapin sya. Tumingin ako sa kanya at tumango tango para malaman nya na agree ak...