The Kissing Game 2 - The Red Lips Rover

9K 113 6
                                    

"You!" napatalon ako sa gulat ng May isang babaeng sumigaw nun at nakaturo sa akin.

Nandito ako ngayon sa mansyon ng mga Hidalgo. Pina hatid kasi ni nanay yung labada.

Matagal ng tagasilbi si nanay sa pamilyang to, pero ngayon, naglalaba nalang sya. At hindi sya stay in dito. Maganda naman ang pamumuhay namin. Sa katunayan kahit di na sya maglaba, mabubuhay kami. Malaki daw kasi ang utang na loob namin sa kanila kaya di nya maiwan iwan ang trabaho dito. At isa pa, Scholar ako ng pamilyang to. At sa eskwelahan pa ng mga apo ng Don ako nag aaral.

Tiningnan ko yung babae May pagtataka at tinuro ang sarili.

"Yes, you, dummy! Dalawa lang naman tayo dito, di ba?" antipatika to. Siguro bisita to ng isa sa mga apo.

"Bakit po, ma'am?" kahit nakakaasar sya kailangan ko pa ring maging magalang.

"We need someone for our game. You understand me, don't you?" aba't ginawa pa kong mangmang.

"Of course ma'am, I understand you." sabi ko sa malumanay na salita. kung wala lang kami sa mansyon baka nakatikim na to sa akin.

"Good! Come with me." sabay talikod nya at wala na kong nagawa kung hindi sumunod sa kanya kahit na gutom na gutom na ko. Kasalukuyan kasi akong kumuha ng pagkain. Hindi naman ako PG, pero hindi kasi ako kumain bago pumunta dito kaya ayun, nagutom talaga ako.

Nakita ko syang pumunta sa basement. O game room daw ayon sa mga apo. May pool table kasi dito at mini bar. Pag may bisita sila, dito nila dinadala lalo na kung may balak silang mag iinom.

Wala pa man kami sa loob, dinig ko na ang sigawan at malakas na tugtog. Pag pasok ko, Hindi ako nagkamali ng hinala. Nag iinuman nga sila at nagsasayawan.

Biglang pinatay nung mahaderang bakla ang stereo. May narinig pa kong umungol ng protesta. Hindi ko alam kung sino sa mga apo ang May bisita nito.

Wala naman akong Makita ni isa sa mga apo ng Don ang nandirito.

"I've found someone to turn the lights off." Sabi nito sabay gala ng paningin. "Where's Raf?" ah so bisita to ni sir Raf? Tsk! Magpapatay lang ng ilaw kailangan pa ko? Di ba nila kayang mag isa to? Mga mayayaman talaga mga eccentric. Ang lakas ng tama sa tuktok.

And speak of the devil, the devil shall appear.

At May kasama pang isang devilish na side kick.

"Since you're here na, let's start?" tanong nya Kay sir. Tumango lang ito at ipinakilala ang bagong dating.

Nagulat ako ng pati ako ipakilala ni sir at take note, aLam nya ang pangalan ko! Binigyan ko lang ng nahihiyang ngiti ang lalaki pero nagulat ako ng ilahad nya ang kamay nya. Pero bago ko pa yun mahawakan, hinila na sya ni sir Raf patungo sa may bar.

Hindi ko alam kung sinadya ba yun o hindi talaga nya napansin. Ikinibit balikat ko nalang ang nangyari.

Inagaw ulit nung malditang babae ang atensyon ng lahat. Maglalaro pala sila kaya kailangan nila ako. Habang ineexplain nya ang mechanics ng game saka ko nalaman kung bakit nila ako kailangan. Pero dahil May kasama si sir kaya nasali ako sa game.

Magpoprotesta na sana ako pero wala akong choice dahil amo ko na ang nag utos sa akin.

dahil kulang ulit ng maglalaro, tinawag pa ni sir ang kapatid nyang lalaki na si sir James. Pero nung ma explain ang gagawin, umayaw ito at sya nalang daw ang magpapatay ng ilaw.

Sa totoo lang, parang mga high school naman tong mga to. Mga nilalaro nila mga pambata. Wala na atang magawa sa buhay nila.

Nakakapanghinayang lang at hindi kasama si sir James. Simula kasi bata pa kami crush na crush ko na sya pero nuknukan naman ng suplado. Hindi katulad ni Sir Raf, Mr. Congeniality ang peg. Lahat nakakahalubilo nya kahit kaming mga katulong sa mansyon.

The Kissing Game Series 2 - The Red Lips RoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon