//// Bago kayo umangal kung bakit ako nag sisimula ng bagong story, makinig muna ahkay?
First, Ito dapat ang unang gagawin ko kaso biglang nabuo ang idea ng 1, 4, 3, SMILE!
Secondly, Eh wala eh. I CAN'T HELP IT! Nag pupumilit lumabas. Kaya heto, bagong kwento.
But wait! Di ko siya often i U-UD. Priority padin ang 143 ok? At di ko siya I guguhit. Ansakit na nga sa bangs ng mukha nina Ali at Jarred heto pa kaya? NO WAY!
Sana po ay magustuhan ninyo ito! XD /////
Masama akong tao.
Yun ang sabi niya.
Sinira ko daw ang buhay niya. Nawala daw ang kalayaan niya dahil sakin. Hindi daw niya naenjoy ang buhay teen ager niya dahil sakin.
Ako lagi. Ako na lang lagi. Hindi ba niya naisip na baka nga ako ang mas nahihirapan sa sitwasyon namin? Na mas maraming nawala sakin simula nun?
Sana maramdaman niya ang sakit na nadarama ko. maramdaman sana niya ang mga bugbog at sampal na dinanas ko kanina.
Naririto ako ngayon sa bodega ng school. Hindi na siya ginagamit, liban na lang sa akin at sa mga bully na ginagawang pampalipas oras ang pananakit sakin. Malamig ang sementong nakahigaan ng aking hubad na likuran. Tadtad na naman ako ng mga mamulamulang pasa at halos makalbo na ako sa dami ng nalagas kong buhok.
Mistula akong palaboy na hayop sa aking hitsura.
Masakit. Mahapdi. Malungkot. Yan ang mga nararamdaman ko tuwing ginagawa nila ito. Masakit dahil bali-bali na ang mga buto ko. Mahapdi dahil sa mga kalmot na natamo ng mga braso ko. At malungkot... hindi, GALIT kasi siya mismo ang nag uutos sa kanila.
Anong laban ko?
Sikat siya sa eskwelahan. Ako naman ang iniiwasan ng karamihan. Mayaman siya at mahirap lamang ako. Maimpluwensya ang pamilya niya kung saan sa akin naman ay tangin mumunting tiyangge lang ang kinabubuhay namin.
Ang tinutukoy ko ay si Brandestein Joy Valdez, mas kilala sa tawag na Brandy.
Siya ang nag-iisang anak ng tanyag na may-ari ng isang car franchise. Mayaman, matipuno, hot, brusko, masungit, moody, at higit sa lahat, BAYOLENTE. Tanyag siyang bad-boy sa aming unibersidad. Di ko nga alam kung bakit siya nagugustuhan ng mga babae kahit na nakakamatay na ang mga titig niya.
We are worlds apart. I know. I can never hope to reach his status nor not worthy to be even in his line of sight.
But there is one thing that is common between us two.
A thin line that connects our fates.
A mistake that brought me to where I am now.
Ako si Maverick Rodriguez. Nabubuhay na ng mga 19 na taon. Mahirap pero matalino. Plain lang ako at walang maipagmamayabang. Nakakapag aral ako dito sa prestihiyosong institusyong ito dahil sa utak ko. Nakahandusay ngayon sa sahig ng bodega ng nakahubo gawa ng isang tao.
Isang taong kahit kailan ay hindi ko maiiwasan o maiiwanan.
At ang taong iyon...
Siya...
Siya lang naman...
"ANG SUMAGOT SA PARI NG PILIT NA 'I DO'...."
BINABASA MO ANG
Pilit na "I DO" [boyxboy]
Teen FictionKaawawa. Yan si Maverick Rodriguez sa iisang salita. Ano bang nagawa ng isang mabait na lalake, masunuring anak, at masipag na mag-aaral para danasin niya ang mga pag hihirap nito? Dahil ba sa isa siyang bakla? Dahil ba masyado siyang mabait? O dahi...