ALLIAH P.O.V.
" Ms. Alliah, we can sit here while we are waiting for our next flight.." Pagaya sakin ng matipunong lalaki na nakamen in black at alam kong isa sila sa mga bodyguard ng future husband ko. *Sighed.
We are now in Philippine airlines. Dahil narin sa flight namin na nagstop over sa airlines nila at hihintayin ang airplane na papuntang Japan. Galing ako sa Paris ngunit dahil may half japanese ang soon-to-be husband ko ay doon iplinano ang kasal.
Tumingin ako sa ibaba. Im feeling lost... Hindi ko pinili ang taong papakasalan ko, ang gusto kong venue ng wedding ko, kung saang lugar kung anong concept. *Sighed. Parang wala na akong karapatan na mamili nang gusto ko. Parang si Papa na rin ang nagpapatakbo sa buhay ko sa ginagawa niyang ito.
Naisip ko ang ibinigay na bag sa akin ni Ate. Dahan dahan ako sa pagbukas nito na nagiingat sa mga lalaking nagbabantay sa akin. Baka kasi ano ang laman.. Pagkakita ko nakakita ako ng wig at sweater. Kinalkal ko pa at may nakapa akong isang maliit na papel.
" Gawin mo ang bagay na hindi ko nagawa noon.- Ate Allana"
Nagulat ako sa nabasa ko agad kong itinago ito. Isa din kasi si Ate na biktima ng marriage arrangement. Dahil tulad ko gusto ng aming ama na ipakasal kami sa lalaking alam niya na magiging maginhawa ang buhay namin sa piling nila. Tama nga si Papa mas lalong gumaan ang buhay namin noong ipinakasal si Ate sa mayamang lalaki na nagmamayari ng malalaking hotel sa Visayas. 2yrs ago ay nagmigrate kami sa Paris dahil narin doon gustong tumira ang asawa ni Ate.
Sumunod kami ni Papa, alam ko na kaya ginagawa ito ng aming ama ay para narin sa kinabukasan namin. Dahil noong bago mamatay si Mama 3yrs ago ay nangako si Papa na hinding hindi niya kami pababayaan at hindi niya kami iiwan hanggat hindi namin nakakamit ang aming mga pangarap.
Noon pa man ay hindi ko masasabing may kaya ang pamilya namin, ngunit sapat lang sa aming apat para tustusan ang pang araw araw na gastusin. Pero magsimula ng mamatay si Mama dahil sa komplikasyon niya sa dugo ay nagsimula ng gumuho ang buhay naming tatlo kaya gumawa ng paraan si Papa para kami ay mapunta sa magandang buhay. Kaya napagisipan niya naikasal kami sa lalaking hindi namin kakilala at lalong hindi namin mahal pero alam niyang mayaman yung atlst kaya nila kaming bigyan ng maginhawang buhay.
Ngunit si Ate ay una palamang ay may lihim na siyang pagtingin sa naging asawa niya ngayon kaya noong nalaman niya ay hindi na siya nagtangka pang tumakas. 2yrs na sila ngayon nagsasama at masaya sila dahil may isa narin silang anak na babae.
Alam ko kung anong dahilan ni Ate kaya niya pinadala sa akin ito, gusto niya akong tumakas at umalis sa dalubyong kinahaharapan ko ngayon. Kaya ko to. Ako pa?
"Uhm. Excuse me.." Pagkuha ko ng atensyon sa kanila tumingin naman silang lahat sakin. Nagkukunwari pa ako na parang natatae, Ohpls! My beauty sira na pero wapakels. " Because you know .. I need to go to the comfort room. NOW!" Inemphasize ko pa ang nasa dulo mabilis naman silang tumango at tumakbo na ako sa Cr. As expected sumunod sila ngunit hanggang labas lang dahil lalaki sila.
Dali dali akong pumasok sa isang cubicle at sinuot lahat ng nandoon. Paglabas ko ay tumuloy ako sa harap ng mirror maging ako ay hindi ko makilala ang sarili ko dahil para akong baklang sinabuyan ng madaming kutikutitap sa buhok at sa mga damit at nakashdes din ako, weird akong tignan kaya napapatingin ang mga babaeng pumapasok sa loob. Tumingin ulit ako sa sarili ko.
Ang weird talaga ni Ate..
I said at the back of my mind, pero kahit ganito ay masaya ako. This is! Its showtime men! Maging ang maleta ko ay may design na din comapre kanina, binuhat ko ito para hindi masyadong halat. Well kahit mabigat yakang yaka.
BINABASA MO ANG
My Millionaire Boss
General FictionAng buong akala ko siya na talaga. - Alliah Mercado (09-26-2016)