Chapter 2

43.7K 803 5
                                    

"Magayos ka na, at mamayang paglabas niya ay ipakikilala na kita." Saad ni Manang Ester kaya naman ay nagbihis na ako ng maid na uniform nila dito. Sosyal ha! My uniform pa ang maid. Pero sabi naman ni Manang Ester kapag daw kailangan kong pumunta sa office pwd naman daw akong magsuot ng casual dress. Nakakahiya yata na ibabalandra ko ang ganda ko na naka maid dress no.

When Im done fixing my clothes, na mukha namang ayos saakin kahit papaano. I took last glance at the mirror and lumabas nadin. Nadatnan ko si Manang Ester na may kausap na dalawang may katandaan na katulong din dito. Maaaring sila ang mga kasamahan dito sa bahay. Tama nga si manang halos may edad na rin sila.

"Oh. Alli.. Hannah, halika at ipapakilala kita. Maya maya rin'y lalabas na siya sa kanyang silid kaya namay humanda kana." lumapit ako sa kanila na nakaupo sa silya nang kusina, paglabas mo kasi sa silid ay ang kusina agad ang sasalubong sayo. Makikita mong mayaman ang nagmamayari dito dahil narin sa mga mamahaling gamit na dito palang sa kusina, hindi ko ito napansin kanina dahil din siguro sa kaba ko. Ngunit kung makikita mo ito yung wish kitchen na magugustuhan mo, may center table na gawa sa semento na natatakip ng puting marmol dito nagsslice ng pagkain , merong din poset dito, sa baba nito ay may oven, iba pa yung kung saan ka magluluto , doon nman sa right side nito ay nandoon ang lutuan, may lutuan din na maari kang magluto ng fries, or magrill ng barbecue. Ang ref din nila ay latest version ngayon. As in. Hindi ko na maexplain lahat pero yung nakikita ko lang sa TV pero ngayon eto na. May maliit na table and chairs din para siguro sa mga maids na kumakain.

Iba pa iyong dinning table at hindi iyon dito, well sa penthouse kasi nina Ate magkasama na yung kusina at dinning pero dito ay lalabas kapa bago ka makarating sa mga dinning table. Pangmayaman concept ba kung baga. Tsktsk. Lumapit ako sa kanila at tipid na ngumiti.

"Magandang araw po." Bati ko sa dalawang kasamahan ni Manang Ester sa tansa ko nasa mid 40's palang sila, mas nakakatanda parin si Manang sakanila. Ngumiti sila ng pagkalapadlapad at pinaupo ako sa tabi nila.

"Ito nga pala si Manang Lilia mo, siya ang tagapagluto dito sa bahay, siya din ang nagoorganisa sa mga halamang nakatanim sa garden." Paliwanag ni Manang na itinuro ang may katabaan na babae."Ito naman si Manang Nora mo na kasama ko sa paglilinis ng bahay na ito at siya din ang naglalaba sa ibang damit ni Dexter, ngunit madalas kasi nagpapalaundry nalamang siya ." Tumango ako sa nalamang impormasyon.

"Kinagagalak ko ho kayong makilala."

"Siya naman si Hannah, siya ang bagong personal maid ni Dexter ngayon." Halata mo'y sa pananalita ni Manang at sa tingin sa akin nila Manang Nora at Manang Lilia ay napakasaya nila. Kanina ko pa naririnig ang Dexter-kuno na yun, I think that's my Boss.

"Naku hija! Napakaganda mo, sana ika'y magtagal dine." Komento ni Manang Nora

"Oo nga't siya'y may dalaga kami dito, puro nalang kami matatanda na ih." Hirit ni Manang Lilia na may pagkakwela.

"Opo, sana nga po ay magkasama tayo ng matagal.."

"Eh Hija, wag mong sukuan si Dexter ineng.. Ganoon lang talaga iyon." Saad ni Manang Lilia, ngumiti lamang ako bilang sagot, dahil ngayon ay hindi parin bumababa sa kanyang silid ang what-they-so-called Dexter. Siguro ay nagpapahinga siya ngayon dahil sa biyahe.

Habang nagkwekwento sila sa akin, ay inihanda rin nila ako ng tanghalian, hindi pa rin kasi ako kumakain magbuhat kanina, masaya silang kasama, nakakaaliw, mukha ngang marami akong matututunan tungkol sa gawain bahay dahil lahat alam nila. Habang pansamantala akong nakatira dito marami akong matututunan, matagal tagal narin ng huli kong pagpunta sa Manila, kaya namay kakaunti lang ang alam ko, madalas kasi sa probinsya lang kami ng pamilya ko at hindi madalas mamasyal sa Manila.

My Millionaire BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon