Inilibot na ako sa buong kabahayan ni Manang Ester, hindi lang pala malaki, malaking malaki. Hanggang 3rd floor ang bahay, nasa second floor ang kwarto niya na nasa pinaka dulong bahagi ng pasilyo, mayroon ding tatlong masters bedroom para sa kanyang mga bisita at pamilya.
Simple lang ang bahay pero elegante, mayroon ding paintings na mamahalin sa bawat sulok ng bahay bawat pintor nito ay kilala hindi lang sa Pilipinas maging sa ibang bansa. Sa third floor naman ay mayroong playroom, na may xbox, billiards, table tennis, arcades. Game room nga kumbaga, malaki siya as in. Ang isang pinto naman roon ay maroong movie room, para siyang maliit na sine siguro kasya ang nasa sampu hanggang labing lima katao, napakalaki ng flat screen. Kahit hindi kana manood sa sine dito nalang ayos na. Sa labas ng bahay ay makikita mo ang ganda at pamumulaklak ng mga halaman. Ang ganda, ang sarap sa pakiramdam kapag nasa garden ka. Kwento ni Manang mahilig daw pumaroon si Sir Dexter kapag may malaki siyang problema o kaya naman kung gusto niyang mapagisa.
Inilibot ako ni Manang sa buong kabahayan sa loob ng isang araw.
" Oh, wag ka ng magsuot ng uniporme, sasama ka sa opisina ni Dexter sabi ni Sec. Chen kailangan ka doon." Sabi ni Manang na kakapasok lang sa silid, kakaligo ko lang din.
"Opo Manang." Sagot ko at kinuha ang bestida ko, simple lang pure white hindi halatang sosyalin halos ganito naman lahat ng damit ko, at kinuha ko din ang plain dirty brown color na doll shoes ko.
"Hija.."
"Po?" Nabigla ako sa tawag ni Manang hindi ko napansin na nandito pa pala siya.
" Wag mo siyang susukuan ha? Unang trabaho mo ito na magiging personal alalay ka. Kahit anong iutos niya gawin mo nalang."
Ngumiti ako at inakbayan si Manang. " Ano naman po kayo Manang, naguumpisa palang ho ako, suko agad? " Biro ko saknya sabay ang malakas na pagtawa. " Saka ayoko pa pong umalis dito, wala pa po akong pera para makapagtago." Bulaslas ko
" Osiya na.. Dalian mo na dyan sabi ko sayo ayaw niyang naghihintay diba? Dalian mo na unahan mo siya sa kotse bago pa siya makababa." Inalis ko na ang pagkakaakbay kay Manang at saka nagayos na, pagkatapos ko ay lumabas na ako ng silid.
"GoodMorning po Mr. Chen." Bati ko kay Mr. Chen na nakablack suit habang naghihintay sa tabi ng kotse.
"Good Morning , Miss Hannah." Napangiwi ako sa tawag ni Mr Chen sakin, Miss daw? at hindi pa ako sanay na tawaging Hannah, nakakailang.
"Ah. Ahm, Hannah nalang po Mr. Chen." Ngumiti lamang sa akin si Mr Chen at pinagbuksan na siya ng driver dahil pababa na rin si Dexter. Woa, his hot spicy scent , makes me feels so hot. Grabe lang, ang gwapo niya talaga. Kung ganito lang naman kahot papa ang aalagaan ko, tatangge pa ba ako? Myg..
"Hannah..Hannah uy.." Nabalik ako sa ulirat ng tawagin ako ni Manong Driver..
"P..po?" Utal kong sagot. Nakakahiya, pinagnanasahan ko siya? Wew.
" Papasok ka ba, at ng tayo ay makaalis na?" Ngayon ko lang napansin na nakabukas na pala ang passenger seat at nakapasok narin si Sr. Dexter sa back seat.
" Ah, pasensya na po." Sabi ko at pumasok na sa loob.
Pagpasok ko palang. " Next time, leave her, para hindi tayo matagalan sa pagalis." Malamig na sambit niya. Napamaang ako, grabe nakakainis lang ha, hindi naman isang oras ako nakatayo doon. Tss. Saka siya may kasalanan kung bakit ako nagstuck sa labas.
" Opo Sir. / Pasensya na po Sir. " halos sabay naming sambit ni Manong driver.
Nakarating kami sa company nila na hindi man lang ako kumikibo, papano ba naman lahat ng pinaguusapan nila about sa business, meetings, appointment, transactions so-whatever-things na hindi ko alam. Saka kung magsasalita man ako, baka patayin niya pa ako sa tingin.
BINABASA MO ANG
My Millionaire Boss
General FictionAng buong akala ko siya na talaga. - Alliah Mercado (09-26-2016)